Part 27

35.8K 846 8
                                    

"Iyan din ang inisip ko noong una. Kaya ngayon ko lang ito sinabi sa iyo. After all, I don't think he will be a good father. He's not born to be one. He's an artist who values his freedom. Pero isipin mo rin, Jay, kung ikaw halimbawa ay may anak pala na hindi mo alam, ano ang mararamdaman mo? Hindi mo ba maiisip na makilala at makita man lang ang anak mong iyon kahit isang beses lang? Kahit ganoong klase ng tao si Joseph, sigurado ako na kahit paano ay naiisip niya ang tungkol sa iyo. You can just meet him once if you are really not comfortable with it. Besides, ngayon kahit umaalis siya ay tinatawagan na niya ako para sabihin kung nasaan siya. Hindi katulad noon na talagang pinutol niya ang koneksiyon namin. He's much better than before," seryosong sabi pa ni Francis.

Napabuntong-hininga si Jay at sumandal sa silya. "Fine. Pag-iisipan ko."

Napatitig sa kanya ang kinikilalang ama at biglang ngumiti.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

"I just thought that you really matured. Kung seven years ago tayo nagkausap ng ganito, malamang ay mas bayolente ang magiging reaksiyon mo at baka nagsisigawan na tayo ngayon."

Natigilan si Jay at pinakiramdaman ang sarili, pagkatapos ay napagtanto na tama si Francis. Hindi nga kasimbayolente ng inaasahan niya ang kanyang naging reaksiyon sa pag-uusap nilang iyon. Oo nga at may nakapa siyang pait nang bumalik sa kanya ang mga alaala ng nakaraan. Subalit maliban doon ay hindi niya naramdaman ang galit noong unang beses na nalaman ang katotohanan.

Bigla tuloy naalala ni Jay ang sinabi ni Cherry kanina.

"Malay mo iba na ang maramdaman mo kapag nagkita uli kayo? You might feel better after facing him."

Ngayon ay nasiguro niya na tama ang babae. He felt better than he expected. Marahil dahil nakita niyang kahit si Francis ay nag-iba. Mas palangiti at mas maganda na ang bukas ng mukha ng nakilalang ama kaysa noon. At maging siya ay nagbago na rin. Hindi na siya kasing-guarded na tulad ng dati.

Higit sa lahat, hinayaan na uli ni Jay ang sarili na magkaroon ng importanteng tao sa buhay niya. Knowing Cherry changed him. Sa naisip ay parang gusto na naman niyang makita ang babae.

"Puwede na ba akong umalis?" tanong niya kay Francis.

Umiling ito. "No. Magpakita ka muna kay Agnes. Alam mo naman na kahit umiiwas ka sa amin noon ay nag-aalala para sa iyo ang asawa ko. She really cares for you, you know."

Alam iyon ni Jay. Alam niya na isang mabait at maalagang babae ang napili ng nakilalang ama. Nagkataon lang na noong panahong dumating si Agnes sa buhay nila ay ilag na talaga siya sa kahit na sinong nais mapalapit sa kanya. Isa pa ay ibang-iba si Agnes sa kanyang tunay na ina. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman noon. Kapag naiisip na mas gusto niya si Agnes ay nakakaramdam siya ng guilt dahil pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa alaala ng kanyang nanay. Subalit ngayon ay nakaraan na lamang ang lahat ng iyon.

Napabuntong-hininga si Jay at ngumiti. "I get it. I will stay. Para lang makita niyang maayos ang kalagayan ko."

Mayamaya nga ay dumating na ang asawa ni Francis at ang pitong taong gulang na anak na babae. Nang makita siya ni Agnes ay naluluha pang niyakap siya nito na para bang tuwang-tuwa talagang makita siyang nasa maayos na kalagayan. Nagulat pa siya na kilala siya ng anak ng mga ito.

"We told her about you, Jay. After all, ikaw lang ang nag-iisa niyang pinsan sa side ni Francis," nakangiting sabi ni Agnes nang makaupo na silang lahat sa mesa at inilalapag na ng waiter ang kanilang mga order. Katunayan ay sa kanya pa tumabi ang batang babae at ngiting-ngiti habang nakatingala sa kanya. Natagpuan niya ang sarili na gumaganti ng ngiti. Lalo na nang maalala niya si Justin. Pareho kasi ang kislap sa mga mata ng dalawang bata kapag nakatingala sa kanya.

Habang kumakain ay nakita ni Jay ang dahilan kung bakit mas naging mabait ang aura ni Francis—dahil sa asawa at anak nito. He looked more relaxed and happy around them. Bigla tuloy niyang naisip, ganoon din kaya ang hitsura niya noong lumabas siya kasama sina Cherry at Justin? Did he look so foolishly happy like that?

"Jay, bakit ngising-ngisi ka diyan?" nakangiting tanong ni Agnes.

"May naisip lang ako," sagot niya na hindi naiwasang gumanti ng ngiti sa may-edad na babae. She really had that kind of effect on other people.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago muling ibinalik ang atensiyon sa kanya. Parehong may nakakaunawang kislap sa mga mata ng dalawa.

"You must be thinking of someone special to smile like that," tudyo ni Agnes.

Sandaling natigilan si Jay bago muling napangiti. "Yes."

Hindi niya inaasahan pero nag-enjoy siya sa dinner na iyon. Parang bulang nawala ang lahat ng pait at sama ng loob niya noon kay Francis Maging ang guilt na naging pabigat sila ng nanay niya sa buhay nito ay napalis nang makita kung gaano ito kasaya sa piling ng pamilya.

Francis was not chained by the past. At ngayon ay napagtanto ni Jay na tuluyan na rin siyang nakawala sa nakaraan. Dahil ngayon ay hindi na niya kailangang magkunwaring nakangiti at happy-go-lucky kahit hindi ganoon ang nararamdaman niya. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ng talagang totoong masaya.

"Isang buwan kami sa Pilipinas. Lilipad kami papuntang Davao para bisitahin ang mga kamag-anak ni Agnes at doon mananatili sa mga darating na linggo. Pero bago kami bumalik sa Amerika ay makipagkita ka sa amin. Let's have dinner again and bring that person who's making you smile," sabi ni Francis nang tapos na silang kumain at nakalabas na ng restaurant.

Namulsa si Jay at tumango. "Just call me kapag nasa Maynila na uli kayo."

"At pag-isipan mong mabuti ang pinag-usapan natin kanina, Jay. Bisitahin mo siya kahit minsan lang," seryoso pang sabi ni Francis.

Huminga siya nang malalim at tumango na lang. Niyakap siya ni Agnes at ng anak ng mga ito bilang pamamaalam bago siya tuluyang umalis ng Peninsula Hotel.

Nagmamaneho na siya pauwi nang biglang magbago ang isip. Dahil nang bumalik sa isip niya ang naging pag-uusap nila nina Francis at Agnes ay lalong sumidhi ang kagustuhang makita si Cherry. Kaya kahit malapit nang lumalim ang gabi ay kumambiyo siya at bumiyahe patungo sa bahay ng mga Mariano.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon