Part 22

35.8K 909 24
                                    

Mukhang na-intimidate ang tatlong babae dahil umatras.

"No. May dumating na isang babae na mukhang girlfriend ng isa niyang kaibigan at nawala ang interes niya sa amin. He went home with his friends afterwards," sagot agad ng babae na mukhang natakot talaga.

"Good." Ipinilig niya ang ulo at pinakatitigan ang tatlong babae. "So, bakit n'yo ako pinuntahan dito? Para lang sabihin sa akin 'yon?"

"No. We just want to confirm if it's true that he got married. He was pretty active the past year. Ang sabi ni Ana kapag tumatawag siya sa amin, kaya daw ganoon si Jay ay dahil umalis siya. Pero magbabago raw si Jay kapag nagkita uli sila."

"Pagkatapos ay bigla kang sumulpot at ang sabi mo kasal kayo? It doesn't make sense," singit ng isang babae.

Mariing naglapat ang mga labi ni Cherry. Para sa isang abogado, may butas ang kuwentong ginawa ni Jay. O mas tamang sabihin na kung hindi lang masyadong mahilig sa nightlife ang binata ay madali sanang mapapaniwala ang mga tao na taken na ito.

"Then it must be my fault. I neglected him for the past year because I got busy. Pero hindi na uli mangyayari iyon. After all, wala akong balak pakawalan si Jay. He's off-limits." Nilampasan na niya ang tatlo. Sa isip niya ay gusto nang sakalin si Jay. Mabuti na lang at mabilis siyang mag-isip.

Nakailang-hakbang na si Cherry palabas nang muli siyang mapahinto at lumingon. Nakita pa niyang napaatras na naman ang tatlo.

Lihim siyang napangiti. Mukha siguro siyang asawa na handang manabunot. Kunsabagay, kahit noon ay palagi siyang tinatawanan nina Jamie dahil mukha raw siyang maldita at supladita kapag naiinis. Kaya nga may iba na namamangha na ang best friend niya ay si Jane na mukha namang mabait at hindi makabasag-pinggan.

Good. May naisip akong ideya para matapos na ang gabing ito.

"And you can also tell that to Ana. My husband is off-limits. Kapag may nagtangka pang lumapit sa kanya ay magkakasubukan kami ng kung sino mang babae na 'yon. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong niya sa tatlo.

Sunod-sunod na tumango ang mga babae.

Itinaas niya ang noo at pekeng ngumiti. "Salamat."

Nang makabalik sa pool area ay nakita ni Cherry na hindi na nag-iisa si Jay. Kasama na nito si Ana at seryosong-seryoso ang mukha ng binata habang nakikipag-usap sa babae. Katunayan ay mukha na nga itong iritable. Hahayaan na lang sana niyang mag-usap ang dalawa kung hindi lang niya napansin na nakatingin na ang mga bisita.

At nang makitang naluluha na si Ana at tinatangkang yakapin si Jay ay nag-init na ang ulo ni Cherry. Mabilis siyang lumapit. Mas nauna pa siyang napansin ng mga nanonood kaysa sa dalawa. Binigyan pa nga siya ng daan ng mga tao. Mukhang sabik na makanood ng pangteleseryeng komprontasyon.

"I'm sure kung hindi ako umalis ng bansa ay hindi ka magpapakasal sa kanya. Tayo ang magkakatuluyan, sigurado ako," narinig niyang sabi ni Ana.

"Stop this already, Ana. I'm sick and tired of being patient with you. We never had a relationship," inis nang sagot ni Jay.

"But we slept together!"

"It didn't mean anything and you knew that before it happened!" sigaw na ni Jay na kahit si Cherry ay nagulat.

Iyon ang unang beses na narinig niyang nagtaas ng boses ang binata. Patunay na mukhang naputol na talaga ang pisi nito. Mukhang alam din iyon ni Ana dahil takot na napaatras ang babae.

Inis na ginulo ni Jay ng kamay ang buhok nito. "I was a heartless bastard before and I know it. Hindi ko na mababawi kung ano ang nangyari sa atin noon. Hindi ko na mababawi ang lahat ng ginawa ko at hindi ko na maibabalik ang nakaraan. I know I left a lot of broken hearts in my path and I didn't bother to turn back. I know it and I hate my past self for it.

"Pero gusto ko nang talikuran ang lahat ng iyon. Pero ikaw, Ana, hinahatak mo ako pabalik. You didn't mean anything to me at all. At nagkakaganyan ka, nagiging obsessive at nawawalan ng pakialam kung ano ang nagiging hitsura mo sa harap ng maraming tao dahil sa akin. We are not good for each other. I am not good for you. So just stop this, okay? Kung hindi, gagawa na talaga ako ng legal action na hindi ko ginawa ilang taon na ang nakararaan even when you were stalking me and invading my privacy."

Humikbi si Ana. "A-are you telling me that your wife is good for you?" garalgal na tanong nito pero hindi na kasimbalasik katulad kanina. Mukhang umepekto rito ang mga sinabi ni Jay.

Sumikdo ang puso ni Cherry nang makita niyang bahagyang napalis ang inis sa mukha ni Jay. May sumilay na ngiti sa mga labi nito at tila kumislap ang mga mata na para bang naalala ang taong pinakamamahal.

"Yes. She's good for me, too good, in fact that most of the time I don't think I deserve her. Pero sa kabila niyon, masyado akong makasarili, too selfish that I want to keep her for myself even if I know that she deserves someone better than me."

Nagkaroon ng ingay sa paligid na para bang napabuntong-hininga ang mga babaeng nakarinig sa sinabi ni Jay. Si Ana naman ay namutla at nalaglag ang mga balikat.

At si Cherry ay nakaramdam ng init na humaplos sa kanyang puso. Masyadong nabagbag ang kanyang damdamin sa sinabi ni Jay kahit hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o umaarte lang. Matagal tuloy bago niya nagawang hamigin ang sarili. Huminga siya nang malalim.

"Jay," tawag niya. Nang mapatingin ito sa kanya ay bahagya siyang ngumiti. "Umuwi na tayo." Inilahad niya ang kaliwang kamay. Nakita pa niya nang tumama ang liwanag sa kanyang singsing dahilan kaya kumislap iyon. At alam niya na lahat ng nakamasid ay napatingin din doon.

Kahit nagpapanggap lang ay hindi naiwasan ni Cherry ang makaramdam ng labis na pride nang walang pagdadalawang-isip na inabot ni Jay ang kanyang kamay at lumapit sa kanya. Hindi na niya kailangang ituloy ang planong pagkausap kay Ana. Sa tingin niya ay sapat na ang mga sinabi ni Jay.

Magkahawak-kamay nilang nilisan ang party. Nang nakasakay na sila sa kotse ay saka lang sila nagkatinginan. Pagkatapos ay sabay na napabuga ng hangin sa labis na relief.

"I did great, right?" mayamaya ay nakangiting tanong ni Jay.

Gumanti ng ngiti si Cherry at nag-thumbs-up. Tumawa ang binata at bigla siyang niyakap nang mahigpit.

"Salamat sa pagsama mo sa akin. Babawi ako sa iyo, promise."

Napangiti siya at gumanti ng yakap. "No problem," bulong niya. She felt an overwhelming tenderness towards him. At alam niya kung saan patungo ang damdaming iyon. Muli ay naririnig na naman niya ang mga babala sa kanyang utak. Subalit mas malakas na ang loob niya ngayon. Hindi na siya kasinduwag tulad ng dati. May pakiramdam siya na sa pagkakataong iyon ay makakaya niyang hayaang lumalim pa ang nararamdaman para kay Jay.

At kapag dumating na ang tamang oras, kapag sa tingin ni Cherry ay handang-handa na siya, bubuksan niya ang sarili kay Jay. Sasabihin niya rito ang tungkol sa nakaraan, magtitiwala siya na matatanggap pa rin siya ng binata sa kabila ng mga desisyong nagawa niya noon. Katulad ng ipinagkatiwala ni Jay sa kanya ang tungkol sa ina nito.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon