PART 29

38.3K 816 29
                                    

"HINDI ko na natatandaan ang nangyari nang gabing iyon. Nagising na lang ako kinabukasan na nakadapa sa kama at parang binibiyak sa sakit ang ulo. Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating doon. I swore I will never drink like that again because my hangover that day was so painful it almost killed me. Pero at least, pagkatapos mawala ang hangover ko ay nakapag-isip ako nang mabuti. Naisip ko na wala akong karapatang magalit. Mas nanaig ang guilt ko na kinailangang magsakripisyo ni Papa para sa amin ni Mama kahit na hindi naman niya kami tunay na pamilya," pagkukuwento ni Jay kay Cherry na tahimik lamang na nakikinig sa kanya. Sobrang tahimik na napalingon tuloy siya sa babae para makita kung ano ang ekspresyon sa mukha nito.

Natigilan siya nang makitang tila malalim ang iniisip ni Cherry. "Hey, Cherry?" untag niya.

Kumurap ito at napatingala sa kanya. "Ano'ng nangyari pagkatapos? Nagkausap ba uli kayo ng nakilala mong ama?" biglang tanong nito.

Inakala niyang wala na sa sinasabi niya ang isip ni Cherry pero mukhang hindi pala.

"Nakipag-usap uli ako dahil biglang sumulpot sa law firm namin ang mapapangasawa niya. Kinausap niya ako. She told me that my father loved me the only way he knew how and I get that. Pero ang distansiya sa pagitan namin sa mga nakaraang taon ay dahil sa guilt ko na naging pabigat kami sa kanya. But now I think we are already okay."

Ngumiti si Cherry at niyakap ang kanyang braso. "I'm happy for you."

Gumanti siya ng ngiti. "Thanks." Subalit nang biglang maalala ang pinag-usapan nila ni Francis kanina ay napalis ang kanyang ngiti. Napabuntong-hininga siya. "Pero kanina, sinabi niya sa akin na nagkita na sila ng tunay kong ama. He wanted me to meet him at least once. Ang una kong naisip ay huwag siyang pagbigyan dahil buong buhay ko naman ay hindi kami magkakilala. What's the use of getting to know each other now? Pero nang sabihin sa akin ni Papa na kung ako raw ba ang nasa lugar ng tunay kong ama, kung malaman ko raw na may anak ako na hindi ko alam, ano ang mararamdaman ko? Nagdesisyon akong pag-isipan munang mabuti ang susunod kong desisyon..." Napahinto si Jay sa pagsasalita at kumunot ang noo habang nakatitig sa mukha ni Cherry. "Are you okay? Maputla ka. Nilalamig ka na ba?"

Napakurap ang babae at niyakap ang sarili. "Oo. Medyo malamig nga," garalgal na usal nito.

Agad siyang kumilos at niyakap si Cherry upang pawiin ang lamig na nararamdaman nito. "Gabing-gabi na kasi. Sige na, pumasok ka na sa loob. Tatawagan na lang uli kita para sa pangako kong paglabas kasama si Justin, okay?" malambing na usal niya.

Gumanti ng mahigpit na yakap si Cherry at naramdaman ni Jay na isinubsob ng babae ang mukha sa dibdib niya bago tumango.

"Okay. See you soon," usal ni Cherry bago kumalas sa yakap niya at humakbang palayo. Tumingala sa kanya ang babae at ngumiti. "Good night, Jay."

"Good night," bantulot na sagot niya dahil sa totoo lang ay ayaw pa niyang mawalay sa babae. Bagay na mukhang nabasa nito sa kanyang mga mata dahil naging masuyo ang ngiti nito.

"Magkikita pa tayo," malamyos ang tinig na sabi ni Cherry bago tumalikod at naglakad papasok sa gate ng bahay.

Walang nagawa si Jay kundi ang sundan ng tingin ang babae. Bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil pakiramdam niya ay biglang may nagbago rito. Hindi lang niya maipaliwanag kung ano.

"ANO'NG nangyayari sa iyo, Ate? Ilang araw ka nang distracted," nakakunot ang noong tanong ng bunsong kapatid ni Cherry na si Charlene habang nasa hapag-kainan sila para sa almusal.

Napatingin na rin kay Cherry si Justin, ang mga magulang niya, at si Lolo Carlos.

Tumikhim siya. "May iniisip lang ako na trabaho," dahilan niya. Nang bumaling sa pagkain ang atensiyon ng matatanda ay pasimpleng nakahinga siya nang maluwag. Subalit namilog ang kanyang mga mata nang biglang magsalita si Lolo Carlos kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon