Part 8

41.6K 1K 44
                                    

Nawala ang ngiti ni Cherry at kumabog ang kanyang dibdib sa naging kutob. Bigla ay parang nais niyang umatras at umuwi na lang. Subalit huli na ang lahat dahil natanaw na niya ang VIP table na kinaroroonan ng mga kaibigan. May kasamang apat na lalaki ang mga ito na ang tatlo ay pamilyar sa kanya. Subalit sa lahat ay mas naging aware siya sa lalaking katabi ni Jamie na ang isang braso ay nakapatong sa sandalan ng silyang kinauupuan ng babae.

Hindi alam ni Cherry kung bakit pero parang napaso siya sa nakita at agad na nag-iwas ng tingin.

Napunta sa kanila ang atensiyon ng mga kaibigan na masayang nagsipagtili nang makalapit na sila. Pilit na ngumiti si Cherry at nakipagbeso sa mga barkada. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang bumakas na ang rekognisyon sa mukha nina Ross at Ryan. Si Jay naman ay inalis ang braso sa sandalan ng silya at dumeretso ng upo. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito.

"Long time no see, Cherry!" masayang bulalas nina Jamie, Liane, at Karen.

"I've been busy with work and with my son kaya ngayon lang ako nakalabas," sagot niya, pagkatapos ay bumaling sa mga lalaki at pilit na ngumiti. "Hi."

"Hello, Cherry," magkapanabay pang bati nina Ross at Ryan.

Si Draco naman ay tinanguan siya bilang pagbati. Nagulat ang mga kaibigan niya nang malaman na kilala siya nina Ryan at Draco.

"Mga kapitbahay sila ni Kuya Charlie sa building kung saan siya nakatira. Dumalo sila sa engagement party," paliwanag ni Cherry.

Nang magkalakas-loob siyang bumaling kay Jay ay tinanguan lang din siya nito at itinuon na ang atensiyon sa iniinom. Medyo nagulat siya dahil ang inaasahan niya ay makikitang muli ang palakaibigang ngiti ng binata.

Why was he being cold to her now? Binawi na lang niya ang tingin at umupo sa bakanteng silya. Kung gusto ni Jay na umasta na parang hindi sila magkakilala, then fine.

Pagkatapos um-order ng maiinom ay nalaman ni Cherry na aksidente lamang na nagkita ang mga kaibigan niya at ang grupo nina Jay. Hindi na siya nagtaka na napunta sa isang mesa ang lahat dahil sa pagkakatanda niya ay naka-fling ng binata si Jamie noong kolehiyo. Natatandaan niya sa kuwento ni Jamie na isang beses lang daw pumayag si Jay na lumabas kasama ito. Pagkatapos daw noon, sa tuwing niyayaya ni Jamie na lumabas ang binata ay palagi nang tumatanggi.

Pero ang alam ni Cherry ay patay na patay talaga si Jamie kay Jay noon. Kaya hindi na siya nagulat na makitang tila hindi naman brokenhearted si Jamie habang nakatingin sa binata.

Ang ikinagugulat niya ay ang nakakapang iritasyon kapag napapatingin sa direksiyon ng dalawa. Walang dahilan para makaramdam siya ng ganoon. Matagal na niyang naikondisyon ang sarili na huwag magpakita ng kahit anong reaksiyon o mag-isip man lang ng kahit ano kapag may kinalaman kay Jay.

"I think we have to go now. Mukhang reunion ninyo ang gabing ito at mas maganda kung magkaroon kayo ng oras na magkakasama," biglang sabi ni Ross.

"He's right. The unrelated people should go now," sabi rin ni Ryan na tumayo kasabay nina Ross at Draco.

Si Jay ang huling tumayo na mukhang ayaw pa yata lumayo kay Jamie. Lalong sumama ang mood ni Cherry at labis na enerhiya ang kinailangan niya upang hindi umasim ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Why? You can stay," giit pa ni Jamie.

"Jamie. We are here for a get-together," pabirong sabi ni Ces pero alam ni Cheery na naiinis na ito.

Nagsipagkilos na ang mga lalaki upang umalis. Tumingin sa kanya sina Ryan at Ross at ngumiti. "See you later, Cherry."

"Okay," tipid na sagot na lang niya at pilit na ngumiti. Muli ay tango lang uli ang ibinigay sa kanya ni Jay. Malaking pagkakaiba sa pakikitungo nito sa kanilang mag-ina noong nagpunta sila sa law firm.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon