Part 19

36.2K 937 16
                                    

"At ang ibang mga pagkakataong nagkunwari kang hindi ako kilala o nakikita man lang?"

Ngumiwi ito. "That's me being a coward. I'm sorry."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nalilitong tanong niya.

Huminga nang malalim si Jay at sinalubong ang kanyang tingin. "Dahil alam ko na off-limits ka noon. After all, kapatid ka ng isa sa mga matalik kong kaibigan. So I tried to keep my distance. I never admitted it until Ross pointed it out to me. Pero kaya ako umiiwas sa iyo noon ay dahil unang beses ka pa lang ipinakilala sa amin ni Charlie ay may naramdaman na akong kakaiba para sa iyo. But you were too young and I was too afraid to care for anyone. Kaya ganoon ang naging akto ko."

Hindi nakahuma si Cherry at napatitig lamang sa mukha ni Jay. Parang may lumamutak sa kanyang puso sa inamin ng binata at hindi alam kung paano magsasalita. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang mga mata niya.

When she was young, Cherry thought Jay hated her. She thought he just did not care. Pero ngayon niya nalaman na interesado ito sa kanya noon at pinigilan lamang ang sarili.

Sa totoo lang, ayaw aminin ni Cherry, pero hindi ba at iyon din ang ginawa niya noon? Hindi ba ang dahilan kung bakit palagi niyang nalalaman na nandoon din si Jay sa mga event na dinadaluhan niya ay dahil ito agad ang hinahanap ng kanyang tingin? Minsan pa nga, nagpupunta lamang siya sa mga event na iyon sa pagbabaka-sakaling makita ito? Hindi ba kaya siya naiinis at medyo nasasaktan kapag hindi siya pinapansin ni Jay ay dahil gusto niyang makuha ang atensiyon ng binata? At nang hindi niya iyon makuha ay ibinaling niya ang pagtingin sa isang lalaki na kabaligtaran ni Jay. Isang lalaki na minahal naman talaga niya nang tunay pero ginawa lang pala siyang panakip-butas kaya sa huli ay naiwan siyang luhaan.

"Anyway, nakaraan na ang lahat ng iyon. Wala na tayong magagawa pa." Tumikhim na lamang si Cherry at pinagana ang isip upang ibahin ang usapan. "Bakit bigla mo namang gusto na magbagong-buhay? Naimpluwensiyahan ka na ba nila, kuya?"

Ngumisi si Jay. "Of course not. Pero sinabi ko sa inyo ni Justin na magpapakabait na ako kaya iyon ang gagawin ko."

Sumikdo ang puso ni Cherry at ikinabigla ang sagot ni Jay. Ilang beses pa ba siyang balak gulatin ni Jay bago ito makontento?

"Pero bakit? Dahil lang sinabi mo sa amin?"

Hindi inalis ng binata ang tingin sa kanya. "I think you know the reason. Ayaw mo lang tanggapin. I can feel that you are denying me, that whenever you think I am too close, you are pushing me away. Alam ko dahil ganyan din ang ginagawa ko sa mga taong sinubukang mapalapit sa akin sa mga nakaraang taon. Naiintindihan ko rin ang rason sa likod ng reaksiyon mo. Kaya hihintayin ko na tanggapin mo sa loob mo ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. I'm not going to pressure you," seryosong sabi ni Jay.

Nagbaba ng tingin si Cherry at nagsikip ang dibdib dahil tama ang mga ipinahayag ng binata. Iyon nga ang ginagawa niya. Subalit mayroon kasi siyang rason kaya iyon ginagawa na hindi niya maaaring sabihin kay Jay. Akala niya ay alam nito ang rason.

Bumuntong-hininga si Jay bago muling ginagap ang kamay niya. Napatingala tuloy uli siya sa binata. He gave her an assuring smile.

"Dapat yata umuwi na tayo. Baka hinihintay ka na ni Justin. Tatawagan uli kita."

Pinilit niyang ngumiti. "Okay."

Binitawan ni Jay ang kamay niya upang kunin ang atensiyon ng waiter para sa bill. Ginamit naman niya ang pagkakataong iyon upang hamigin ang sarili.

Pagkatapos makapagbayad ay hinawakan pa siya ni Jay sa siko hanggang makarating sila sa kanyang sasakyan.

Bago buksan ang pinto sa driver's seat ay bumaling muna siya sa binata. "Nakakagulat pero nag-enjoy ako ngayong gabi," pag-amin niya.

Ngumisi ito. "Ako ang kasama mo. Hindi ka na dapat nagulat."

Natawa siya at napailing. Oo nga naman. Bakit nga ba siya nagulat? "Fine. Good-bye."

Sa pagkakataong iyon, nang dumukwang si Jay upang halikan siya sa pisngi ay hindi na siya nagulat. Katunayan ay kusa na niyang ibinaling ang isang pisngi para sa halik ng binata. Ang kaso, nagkamali siya ng pisnging ibinaling. Akala niya ay kanan ang hahalikan ni Jay pero sa kaliwang pisngi pala nito balak palapatin ang mga labi.

Namilog ang mga mata ni Cherry at hindi nakahuma nang sa mga labi niya aksidenteng lumapat ang mga labi ni Jay. Kahit ang binata ay natigilan. Bahagya nitong inilayo ang mukha sa kanya at sinalubong ang mga mata niya.

"Cherry?" bulong ni Jay sa tinig na tila humihingi ng permiso.

Sa totoo lang ay alam niya kung para saan ang permisong hinihingi ng binata. Dahil iyon din ang isinisigaw ng kanyang buong pagkatao mula pa noong unang beses na hinalikan siya nito sa pisngi. Pinapalis lamang niya ang kagustuhan na iyon sa kanyang sistema.

Subalit ngayon, habang ganoon kalapit sa kanya si Jay at pinagmamasdan ang hitsura nito na para bang hindi nito kakayanin kung tatanggi siya ay natagpuan niya ang sariling bahagyang ngumiti.

Naintindihan kaagad ni Jay ang kahulugan ng ngiti niya. Sumikdo ang kanyang puso nang ilapat nito ang mga kamay sa gilid ng kanyang sasakyan dahilan kaya nakulong siya sa pagitan ng mga braso nito. Pagkatapos ay lalo pang inilapit ni Jay ang katawan sa kanya. Mabuti na lang at sa dulong bahagi ng parking lot niya iginarahe ang kotse kanina. Bukod sa madilim na at malamang mahihirapan ang kahit na sinong makita sila.

Subalit nang bumaba ang mga labi ni Jay sa kanyang mga labi ay nawala na ng pakialam si Cherry kung may makakita man sa kanila.

His mouth gently brushed hers. Subalit sapat na iyon upang humilig siya padikit sa katawan ng binata. Naramdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito na nakalapat pa rin sa kanya. He kissed her again, applying more pressure, urging her to open her mouth for a deeper kiss. At walang pagdadalawang-isip na ibinuka ni Cherry ang mga labi at gumanti ng halik. Umungol si Jay, patunay na nagustuhan nito ang ginawa niya. Hinawakan ng binata ang kanyang mga braso at ipinaikot sa leeg nito upang lalong magdikit ang kanilang mga katawan. Pinalalim pa nito ang halik. Pakiramdam niya ay lalagnatin na siya.

She clung to his neck and drank her fill, giving back the pleasure she was receiving until she felt dizzy with emotion and sensation.

Nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi ay tila pareho pa silang lango habang nakatingin sa isa't isa. Sabay pa silang huminga nang malalim para hamigin ang sarili, nagkatitigan, at sabay na napangiti. Niluwagan ni Cherry ang kapit sa batok ng binata hanggang tuluyan niyang padausdusin ang mga kamay palayo rito.

Tumikhim siya. "Good night, Jay."

Masuyong ngumiti ang binata at hinaplos ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi bago humakbang paatras. "Good night, Cherry."

Tumango siya at mabilis na sumakay sa kotse. Tumingin at kumaway siya sa binata sa huling pagkakataon bago pinaandar ang sasakyan.

Mabuti na lang at ligtas siyang nakauwi. Dahil sa totoo lang, sa buong biyahe ay nanginginig at nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Ganoon katindi ang naging epekto sa kanya ng halik ni Jay.

Oh, my God. I'm in trouble, frustrated na naisip niya.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon