Part 28

38.1K 863 53
                                    


KATUTULOG pa lamang ni Justin at handa na sana si Cherry na tumabi sa kanyang anak nang tumunog ang cell phone niya. Napaigtad siya at agad na hinablot iyon mula sa bedside table. Nang makita ang pangalan ni Jay sa screen ay mabilis siyang pumasok sa banyo para hindi magising si Justin.

"Hello?" pabulong na sagot ni Cherry sa tawag.

"Hey. Did I wake you up?" tanong ni Jay sa kabilang linya.

"Hindi. Kapapatulog ko lang kay Justin at hihiga na sana ako. Kumusta ang pakikipag-usap mo sa tatay mo?"

"Actually, nasa labas ako ng gate ninyo. After having dinner with them, I realized that I really wanted to see you," sagot ng binata sa masuyong tinig na nagdulot ng init sa kanyang dibdib.

Dumeretso siya ng tayo. "Wait. Pupuntahan kita," walang pagdadalawang-isip na sabi niya. Lumabas na siya ng banyo at nagsuot ng makapal na roba bilang pamatong sa suot na pantulog. Siniguro muna niya na malalim pa rin ang tulog ni Justin at hinalikan ang anak sa noo bago maingat na lumabas ng kanilang silid.

Nang lumabas ng gate si Cherry ay nakita niya na nakaparada ang kotse ni Jay sa mismong tapat ng kanilang bahay. Nakasandig ang binata sa gilid niyon paharap sa gate nila kaya agad siya nitong nakita. Dumeretso ng tayo si Jay at ngumiti.

Napahugot ng hangin si Cherry at mabilis na lumapit. Ibinuka ng binata ang mga braso at walang pagdadalawang-isip na nagpakulong siya sa mga bisig na iyon. Mahigpit siya nitong niyakap at bumuntong-hininga na tila nakahinga nang maluwag.

"Ah, feels like home," usal pa nito.

Sumikdo ang kanyang puso sa naging reaksiyon ni Jay at nakangiting gumanti ng yakap. "So, kumusta ang dinner mo with your father?" tanong niya makalipas ang ilang sandali.

Bantulot siyang pinakawalan ni Jay at muling sumandal sa gilid ng kotse. Tumabi siya sa binata at tiningala ito upang tingnan ang ekspresyon sa mukha.

Nakahinga na siya nang maluwag nang makitang ngumiti si Jay.

"It was better than I expected. 'Looks like it's true that time can heal all wounds."

Masuyong ngumiti si Cherry at hinaplos ang pisngi ng binata. "I'm glad to hear that. After all, mag-ama pa rin kayo at mas maganda kung mawawala ang hindi ninyo pagkakaunawaan."

Ilang sandali na hindi nagsalita si Jay bago huminga nang malalim at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi nito.

"He's not actually my real father."

Gulat na napamaang siya. "Ha?"

Bahagyang ngumiti si Jay at inakbayan siya. "Mas matindi pa diyan ang naging reaksiyon ko noong nalaman ko ang katotohanan. Buong buhay ko ay naniwala ako na siya ang tatay ko. Na siguro kaya hindi sila mukhang nagmamahalan ng mga magulang ko ay dahil ang mama ko ang may problema. But no matter how depressing the atmosphere in our house was, I still believed that we were family. Pero mali pala ako."

Umawang ang mga labi ni Cherry. "Ngayon mo lang ba nalaman 'yan?" garalgal na tanong niya.

Umiling ang binata. "No. I learned about the truth eight years ago. I was so devastated that night that I ended up drinking so hard to drown my sorrows."

Natigilan siya at napatitig sa mukha ni Jay. Bakit ba palaging bumabalik ang lahat sa nakaraan? Eight years ago, she was faced with so many hardships that changed her life completely. Maging si Jay pala, may matinding pangyayari sa buhay walong taon na ang nakararaan.

Kung ganoon, tama pala ang naging desisyon ko dati. Napahinga si Cherry nang malalim at pinawi ang isiping iyon. Pinatatag niya ang sarili at sinalubong ang mga mata ng binata.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon