Part 15

37K 866 5
                                    

NAPAGTANTO ni Jay na iyon ang pangalawang beses na sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Cherry hanggang mawala na sa kanyang paningin.

Noon ay ayaw niyang siya palagi ang naiiwan. Sa lahat ng bagay, sinisiguro ni Jay na siya ang unang umaalis o hinihintay kaysa ang kabaligtaran. He hated waiting and most of all, he hated watching someone left him. Katulad ng ginawa ng kanyang ina nang mamatay ito na hindi man lang inintindi kung ano ang mararamdaman niya.

Subalit katulad ng isa sa mga personal rule na huwag masyadong mapalapit sa isang tao, mukhang may nalabag na naman siya dahil kay Cherry—It's better to leave someone than be the one left behind.

Pero kahit may nakapa si Jay na pagkadismaya na umalis na sina Cherry at Justin ay wala na siyang nararamdaman pang kahit anong mabigat na emosyon. Marahil dahil alam niya na magkikita pa sila. After all, nakapag-usap na sila ni Justin kanina habang naglalaro sila sa arcade at hindi sila naririnig ni Cherry. Mukha kasing may alinlangan pa ang babae sa pakikipagkita sa kanya kaya siya na ang gagawa ng paraan.

Napangiti na si Jay at kumilos upang lumapit sa sariling sasakyan nang magitla siya sa nakita. Ilang metro ang layo mula sa kanya ay naroon si Ana. Hindi niya alam kung gaano katagal na naroon ang babae pero nang mapansin nito na nakatingin siya ay matamis na ngumiti at nagsimulang maglakad palapit sa kanya.

Lihim na napabuntong-hininga si Jay. Bakit ba bigla na lang dumating ang babae at parang hindi man lang na-outgrow ang interes sa kanya kahit ilang taon silang hindi nagkita?

"Hi, Jay. Nasaan na ang asawa mo?" nakangiting tanong ni Ana na nagpalinga-linga pa.

Nailang siya sa ngiti ng babae. Lalo na at kanina lang ay galit na galit ito. "Pinauna ko na silang umuwi dahil may kailangan pa akong puntahang trabaho. Good-bye." Tumalikod na siya.

"Wait," pigil ni Ana.

Napahinga siya nang malalim at muling hinarap ang babae. "Ana, tigilan mo na ako, okay? Maraming taon na ang lumipas. Move on. Even if I didn't get married, we will never be together," malumanay pero seryosong sabi niya.

May kumislap na sakit sa mga mata ni Ana bago yumuko. "I can't help it, okay? I really like you, Jay. Habang nasa ibang bansa ako ay sinubukan kong humanap ng iba pero ikaw pa rin talaga ang the best na lalaking nakilala ko. Kaya ako umuwi ay para ipaglaban ang nararamdaman ko para sa 'yo."

Shit, shit, shit. Bakit ba siya nakakilala ng ganito kakulit na babae? At mukhang balak pa yatang umiyak sa harap niya. Hindi niya kayang makakita ng babaeng umiiyak. In fact, he hated crying in general. Kaya nga noon, kapag may volunteer work sila na may kinalaman sa mga batang umiiyak ay hindi siya komportable. Masyado na siyang nadala ng araw-araw na pag-iyak ng nanay niya noong bata pa siya.

Lalong hindi komportable si Jay na hayagang magsabi ng masasakit na salita sa isang babae. Subalit mukhang iyon talaga ang kailangan niyang gawin para tigilan na siya ni Ana.

Dumeretso na siya ng tayo at kahit labag sa loob ay nakahanda nang magbitaw ng masasakit na salita nang mag-angat ng tingin si Ana na bahagya nang nakangiti.

"Pero ayokong sumira ng pamilya. Kung talagang may asawa ka na, wala na akong magagawa. Pero puwede ba akong humingi ng pabor?"

"W-what favor?" disoriented na tanong ni Jay.

May dinukot na kung ano si Ana sa shoulder bag. He even widened his stance to prepare for whatever would come out of her bag. Kaya nagitla siya nang isang card ang iniabot ng babae sa kanya.

"Puwede ka bang dumalo sa homecoming party ko this coming Saturday? Alam ko na baka busy ka pero pangako, huli na ito. Bring your wife."

Hindi kumilos si Jay upang tanggapin ang invitation card. Ayaw na niyang idamay pa si Cherry sa gulo nila ni Ana. It was impulsive of him to make Cherry pretended to be his wife. Ayaw niyang humaba pa ang pagpapanggap nila dahil baka magalit na sa kanya ang babae.

Nawala ang ngiti ni Ana at namasa ang mga mata. "Please. Kapag nakita ko na mahal na mahal ka ng asawa mo at masaya ka sa piling niya, I'll give up on you. I will start over again and move on just like what you want. Kaunti lang naman ang mga bisita ko, mga malalapit lang sa akin."

Naningkit ang mga mata ni Jay habang pinagmamasdan ang mukha ni Ana upang tingnan kung sinsero ito. Pero kahit anong pag-akto ng babae na inosente ay malakas ang pakiramdam niya na may ibang motibo sa likod ng imbitasyon nito. Kung ano iyon ay hindi pa niya alam. Subalit kung tatanggi siya ay lalo lamang hahaba ang sitwasyon.

He wanted this part of his life to be over and done with. Dahil nang sabihin niya kina Cherry at Justin na magpapakabait na siya ay seryoso siya roon.

"Fine. We'll be there," sabi na lamang ni Jay at inabot ang imbitasyon, pagkatapos ay naglakad na palayo kay Ana.

Kailangan niyang isipin kung paano muling makukuha ang tulong ni Cherry. Hindi pa man kasi ay nakikinita na niya ang magiging pagtataray ng babae sa kanya. Somehow, the image of her irritated face made him smile. Dahil sa totoo lang, si Cherry ang tipo ng babae na kahit nakasimangot o lukot ang mukha ay maganda pa rin.

Kahit alam niya na hindi tama sa sitwasyon ay nakaramdam siya ng antisipasyon. Ngayon ay may dahilan siya upang muling makita si Cherry.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon