Part 23

37.7K 907 60
                                    

MALALIM na ang gabi nang maihatid ni Jay si Cherry sa kanilang bahay. Tahimik at madilim na sa kabahayan maliban sa mga dim light mula sa hardin, mga poste, at sa front door.

Pero may palagay si Cherry na nagising ang kanyang mga magulang at maging si Lolo Carlos sa tunog ng sasakyan ni Jay. Malamang ay nakikiramdam lamang ang mga ito. Alam niya dahil ganoon naman palagi ang ginagawa ng pamilya niya noon kapag umuuwi siya at may naghahatid sa kanya.

Nagpaalam na si Cherry kay Jay at binuksan na ang pinto sa tabi niya nang mapansing suot pa rin pala niya ang singsing. "Ahm..." Bumaling siya sa binata kasabay ng akmang pagtanggal ng singsing. "Muntik ko nang makalimutan. Ito na ang singsing mo."

Mabilis na hinawakan ni Jay ang mga kamay niya upang pigilan. "Keep it."

"Bakit? Sa tingin mo ba, hindi ka pa rin titigilan ni Ana at kailangan pa rin nating magpanggap?" nagtatakang tanong ni Cherry.

Nakangiting umiling si Jay. "Hindi. Pero couple ring ang mga suot natin. Walang nasa matinong pag-iisip ang magpapahiram ng couple ring kaya binili ko 'yan. Hindi ko naman masusuot ang pambabae kaya sa 'yo na."

"Pero hindi naman tayo couple para patuloy ko itong isuot."

Naging pilyo ang ngiti ng binata. "It's okay. I'll work on it, hanggang pumayag kang maging couple tayo," sagot nito na kumindat pa.

Umawang ang mga labi ni Cherry at napatitig kay Jay na natawa naman.

"If you keep your mouth open like that, I will think that you want me to kiss you," pilyong tudyo pa nito.

Mabilis na itinikom ni Cherry ang mga labi. Nagulat siya nang biglang dumukwang si Jay at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. Namilog ang kanyang mga mata nnang nakangising inilayo ng binata ang mukha.

"I already closed my mouth!" bulalas niya.

"Hindi ko naman sinabi na hindi kita hahalikan."

Napailing si Cherry at nagdesisyong magpaalam na at buksan ang pinto sa tabi niya bago pa kung saan mapunta ang usapan nila. Worst, baka hindi siya makatiis at siya na ang kusang humalik kay Jay. Lalo na at kahit aircon ang kotse ay unti-unti nang nagiging maalinsangan ang pakiramdam niya.

"Papasok na ako sa loob. Good night." Mabilis na siyang umibis ng sasakyan. Bago pa makapagsalita uli si Jay ay isinara na niya ang pinto at nakangiting kumaway rito. Hindi man naririnig pero nakita niyang natawa si Jay, pagkatapos ay gumanti ng kaway bago minaniobra ang kotse at pinaandar palayo.

Saka lamang pumasok si Cherry sa loob ng bahay nang tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan. Pagkapindot niya sa switch ng ilaw sa living room ay napatingala siya nang makita ang tatlong bulto na mabilis na tumalilis patungo sa kani-kanilang silid sa ikalawang palapag. Ang isa ay mabagal ang kilos dahil matanda na.

Napailing si Cherry. "Akala ba nila hindi ko alam na sinisilip nila kami sa labas?" bulong na lamang niya sa sarili. Naghintay muna siya ng ilang sandali bago umakyat sa ikalawang palapag patungo sa silid nila ni Justin.

Napabuntong-hininga siya at nakangiting hinalikan sa noo ang natutulog na anak bago nagpalit ng pantulog at tumabi sa bata.

Katulad ng gabi-gabing ginagawa ay pinagmasdan muna niya ang anak habang hinahaplos ang buhok nito bago siya matulog.

"Mommy," ungol ni Justin at gumalaw upang yakapin siya.

Napangiti si Cherry at gumanti ng yakap. Pipikit na sana siya nang muling umungol si Justin.

"Where's Daddy?"

Sumikdo ang kanyang puso at napatitig sa anak na natutulog pa rin. Nakagat niya ang ibabang labi at may naramdamang kirot sa dibdib.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon