Prologue

662 8 0
                                    


"Ikaw bata ka!" humihingal na si Manang Rosa dahil kanina pa niya ako hinahabol.

Ngumisi ako tsaka kumaway.

"Manang bilisan niyo naman po! Ang bagal niyo naman!" pang asar ko.

Nanlaki sa inis ang kanyang mga mata kaya naman ay ngumiti ako saka muling tumakbo.

I am Prince Karlos. Pero mas kilala ako bilang 'Kalo' o 'Arlo.'

Dito kasi sa San Fernan si Manang Rosa ang naatasan na magbantay sa akin. Makulit ako at tsaka palabiro. Laging inaasar ang aking tagapag silbi. Ika nga nila ay aalis agad si Manang Rosa ngunit siya ang pinakamatagal na narito sa Rancho kaya naman ay lagi ko siyang inaasar para sumaya ang araw ko.

"Arlo! Bumalik ka dito at hinahanap ka na sa inyo!" muli niyang sigaw.

"Ayoko po!"

Kumaripas ako ng takbo at walang pag alinlangan na pumasok sa bakod patungong bayan. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay hindi ko na matanaw si Manang Rosa sa aking likuran. Ngumisi ako.

"Aray!" napahiyaw ako sa sakit dahil sa kamay na pumingot sa akin.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" aniya sa nang gigigil na tono.

"Ugh! Ephraim naman! Masakit ah!" angal ko.

Matalim ko siyang tinignan ng bitiwan niya ang tenga ko. Ang sakit nun ah!

"Naroon na sa bahay ang papa mo-"

"Ba't 'di ikaw ang umuwi? Mas gusto pa nilang ikaw ang nandoon kesa sa tulad ko."

Matagal ng nagtatrabaho si Ephraim sa Rancho ngunit malapit ang loob niya sa magulang ko.

"Arlo naman! Para kang tanga!" singhal niya.

Whatever.

Magkasing edad lang kasi kami ni Ephraim. Parehong paaralan ang pinapasukan which is pagmamay ari namin. Ang angkan ng Hangruela ang pinakamayaman sa bayan na ito. Halos sa amin ang lupa na tinatamnan nila ng palay. Kilala ako dito sa buong bayan dahil sa napakakulit ko rin.

"Umuwi ka na at hindi matutuwa ang papa mo-"

"SHUT UP!" sigaw ko.

Narinig ko mismo sa bibig ni Papa na sana si Ephraim na lang ang anak nila. Why would I care kung anong mararamdaman ng gurang na 'yon. Mas maganda nga na hindi ko na siya makita pa. Ten years old pa lang kami ni Ephraim ngayon at alam kong mas matagal pa kaming magkakasama which I don't know kung matatagalan ko pa.

"Arlo," mababang tawag niya.

"Bakit hindi na lang kasi ikaw ang naging anak nila! Bakit ako pa kasi?! Lahat na lang ng ginagawa ko mali! Kulang na lang sabihan nila ako na isa akong bunga ng pagkakamali!" napuno ng galit ang aking puso at hindi ko na mapigilan ang mga salitang pinagsasabi ko. Basta ang alam ko, galit ako sa kanya.

Gabi ng oktubre nang malaman kung aampunin na nila si Ephraim. Ayun ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. What did I do?

I run away from home.

"I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one day I will get one thing from you and I will ruin your life like you made my life like hell!"


All rights reserved

Please don't copy my work. Thank you. All the information written here are just pure imagination.

Next 》》》

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon