Ikadalawangpu't siyam na Pahina

148 1 0
                                    

Araw ng lunes. Maaga akong nagising para sa pasukan na naman. Nakatanggap ako ng text kay ate na magdidinner daw kaming dalawa sa labas kaya nag reply ako muna sa kanya. Anong meron at nag aya siya? Oh well...

"Magandang umaga." maaliwalas na mukha ni Prince ang nakita ko ng pababa na ako.

Ngumiti ako. "Magandang umaga din."

"Ayaw mo talagang ako na ang maghatid sayo?" nakanguso niyang sambit. Umiling na lamang ako.

"Huwag na. At tsaka may dinner kami ni ate sa labas mamaya kaya kumain ka na, okay?"

He sighed as he leaned in and kiss me on my forehead. His very sweet. "Okay. Call me when you got home and I'll come sleep with you. Ang daming nang aagaw sayo e,"

Napapailing akong tumawa. "Okay, aalis na ako."

Nakarating na ako sa parking lot at sinuot ko na ang aking helmet. Bago pa man ako maka abante ay may kotseng kulay itim na dumaan sa harapan ko. Akala ko ay deri deritso ito pero nagulat na lang ako ng bumaba ang salamin nito at nawala ang kulay ng aking mukha ng makitang tinutukan ako ng baril.

Shit. Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko na lamang na bumagsak ako kasabay ng tunog ng putok ng baril. Ang taong may hawak sa akin ay nagpaputok na rin ng baril na siyang nagpabilis ng takbo ng sasakyan na iyon hanggang sa mawala na ito sa loob ng parking lot.

"Shit." bulong ng taong may hawak sa akin.

I am sweating and I can feel my heart beat race. Nanatiling namilog ang aking mga mata at halos hindi maproseso ang nangyari. Pinaupo niya ako at nagulat ako ng makita ang mukha ni kuya na puno ng pag aalala.

"Let's get out of here. Your not safe here anymore." iyon lang ang narinig ko dahil kinain na ako ng dilim.

Nagising ako ng marinig ang ugong ng kung ano sa labas. Nakahiga ako sa malambot na kama at pansin kong hindi ko alam ang lugar na ito. Nasa ibang silid ako. Bumangon ako at nagwawala ang aking diwa.

Bago pa man ako makalabas ay bumukas na ang pintuan revealing my brother. "B-bakit ako nandito? Anong nangyari?"

Nagulat ako ng may baril siyang inilagay sa aking tabi kaya naman ay napatayo ako sa gulat. Lumayo ako sa kanya at nanginginig ang aking labi sa takot. Bakit siya may baril?

"Your safe here." he said simply. "Nakausap ko na ang eskwelahan mo na hindi ka makakapasok ngayong araw na ito. Nakahanda na ang pananghalian mo kaya bumaba ka na."

"N-nasaan tayo?"

"Harles." aniya bago lumabas sa silid.

Harles? Bakit kami nandito? Bakit bumalik kami dito kung saan ako iniwan nina mama? Shit. Asan ang phone ko? Napahilamos ako sa aking mukha sa frustration at sinundan na si kuya. Mukhang nasa isang limusine kami na may kama sa loob.

Habang palapit ako sa pinuntahan niyang deriksyon ay may narinig akong nag uusap.

"Isa siya sa mga tauhan ni Mr. Hangruela. Mukhang natunugan niya na doon namamalagi ang iyong kapatid." isang boses ang aking narinig na 'di pamilyar sa akin.

"Itatransfer ko siya dito sa Harles pansamantala. Track down that car and if you can get that person, capture him and if he run, shoot to kill." boses ni kuya.

"Yes sir."

Naupo ako sa isang upuan na naroon dahil sa gulat. Ano bang nangyayari? Siguro narinig nila ako kaya naman ay pareho silang napatingin sa akin. Tinignan ni kuya ang lalaking kausap niya bago ito tumango at pumunta sa may passenger seat.

"Nagugutom ka na ba? May pagkain ako rito na hinanda para sayo." he said softly.

"N-no. I want to know w-why those people tried to kill me!" nanginginig kong tanong. "This is about my life Kuya kaya may karapatan akong malaman ang nangyayari."

He sighed. "Mr. Hangruela has move already. Naña, pansamantala muna kitang itatago sa Harles para sa safety mo. Hindi ko maipapangako na maililigtas kita kapag nasa maynila tayo pero kapag nandito tayo. Sisiguraduhin kong itataya ko ang buhay ko para lang hindi ka niya magalaw."

"W-what- ano bang n-nangyayari-" takot ang nasa aking boses.

"Malawak ang Maynila at marami ang kayang gawin si Mr. Hangruela roon dahil marami siyang tauhan. As long as malayo ka kay Arlo, magiging maayos ka." matigas niyang sambit.

"Kuya, bakit nadamay dito si Prince? At sinabi ko na sayo na boyfriend ko siya at hindi ko siya pwedeng iwasan ng ganoon lang-"

"And I said that if you don't break up with him your life will be in danger and so is Lopi." i can hear the frustration laid in his voice. "Mananatili ka sa Harles habang si Lopi ay nasa Manila para hindi malaman ni Mr. Hangruela na magkasama kayo."

Halos wala akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi. "S-si Lola ba ang makakasama ko?"

"Yes. I already called her." aniya bago may kinausap sa phone.

I guess, I have to talk to Prince soon. Pero anong gagawin ko? Susundin ko ba ang sinasabi ni Kuya? Pero kung hindi ko gagawin baka may mangyaring masama kay ate Lopi. I can't risk that... but I love Prince. I can't... let him go. It'll hurt me to death.

"Ayos ka lang ba talaga hija? Kanina ka pa namumutla e," haplos ni Lola sa aking buhok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Bumuntong hininga ako saka malungkot na tumingin sa labas. Magdadapit hapon na noong nakarating kami dito sa bahay. Sinabi lahat ni Kuya kay Lola ang lahat ng pwede niyang malaman bago siya nagpaalam na may gagawin pa.

"Ayos lang po ako 'la. Medyo napagod lang po ako sa biyahe." ngumiti ako ng pagod.

"Nakausap mo na ba ang mama't papa mo? Lalo na ngayon at nanganganib na ang buhay mo. Alam kong galit ka pa sa kanila pero isantabi mo muna iyon at kausapin sila. Hindi magandang nagtatanim ka ng galit sa mga magulang mo."

Niyakap ko siya. "Lola, handa na po akong kausapin sila. Pagkatapos po ng lahat ay kakausapin ko sila at siguro oras na rin po na kalimutan ang nakaraan. Itataya ko po ang lahat para sa ikakabuti ng lahat."

"Nandito lang kami para sa iyo hija kaya huwag kang matakot. Matatapos din itong kabaliwan ni Mr. Hangruela sa nanay mo." aniya.

"Kung mahal po niya si Mama bakit po niya gustong saktan ang mga anak niya?" takang tanong ko.

Malumanay siyang ngumiti sa akin habang niyakap. "Ang mga magulang mo ang tanging makakasagot sa mga katanungan mo."

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon