Ikatlong Pahina

264 4 0
                                    

Biyernes ng gabi ay nasa apartment sina Lylac at Violet. Mas maganda raw iyon para sabay sabay na kaming pumunta bukas sa event.

"Nasaan ang popcorn?" tanong ni Violet habang naghahanap ng pwedeng mapanood.

"Kukunin ko na," sabay tayo ko.

Kumuha na rin ako ng softdrinks at naupo sa bandang gilid. Aquamarine ang napili nila at masasabi kong they pick a nice movie. Sa kalagitnaan ay napaungol ako sa inis ng marinig ang katok sa labas.

Nadeliver naman na ni ate yung dress ah? May nakalimutan ba siya? Kumatok uli.

"Naña, buksan mo na. Ang ingay e," naiinis na din si Violet.

Masasapak ko na talaga 'tong disturbo. Nasa exciting part pa naman na kami. Padabog akong tumayo at madilim ang mukhang binuksan ang pintuan.

There he stood again. Nakangisi. Nakasuot siya ng pajamas with his gray vneck shirt. Nag ngitngit ang aking ngipin sa inis. Konting konti na lang talaga masasapak ko na siya.

"Ano?" I almost scream.

"Chill honeybunch," he said so playfully.

Patience Naña, kahit na gustong gusto mo ng basagin ang kanyang gwapong mukha. I hissed.

"Listen here mister-"

"Hihingi sana ako ng magic sarap," agad niyang sabi na siyang nagpatigil sa akin.

This is the last time. Hinigit ko ng puwersahan ang kanyang kamay kahit na gulat na gulat siya at tila wala sa sariling nagpahila sa akin.

Sa labas lang ng building na ito ay may supermarket. Doon ko siya dadalhin. At kung babalik pa siya baka masuntok ko na talaga siya.

"Wait... where are you taking me?"

Pabagsak kong binaba ang kanyang kamay at tinuro ang supermarket sa harapan namin. Nanggigigil kong tinuro ang supermarket sa kanya. Napakunot naman ang noo niya tsaka ako tinignan.

"You stop bothering me mister or else I would call the police." I threatened him. "Hayan! Napakalaking supermarket at diyan ka magtanong kung meron ba silang asin, paminta, luya at magic sarap. Dahil putangina, hindi tindahan ang aking condo."

Tumaas baba ang aking dibdib pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon. His expression change. He become so cold and angry.

"Bilhin mo na lahat ng kailangan mo diyan and please don't knock on my door once again!"

Tumalikod na ako paalis pero napahinto dahil sa sinabi niya.

"Wala kasi akong pambili kaya humihingi ako. Nitong araw kasi wala na akong ibang kinain kundi ang junk foods na siyang kaya lamang ng sweldo ko. Sige, pasensya na kung pati ikaw ay ayaw na sa tulad ko. Huwag kang mag alala aalis na ako ngayon na." he said sadly.

Now I'm the bad guy. Huminga ako ng malalim saka tinignan siyang maglakad palayo. Damn conscience. Hinawakan kong muli ang kanyang braso para makapasok na kami ng supermarket.

Bumili ako ng kumpletong rekado ng pang ulam. Condiments and some rice. Buti na lang at dala ko ang aking wallet kung hindi ay nganga kaming dalawa ngayon.

Inabot ko ito sa kanya. Nasa labas na kami at alam kong nagtataka na ang aking kaibigan sa sobrang tagal kong bumalik. May napansin akong kakaiba sa kanya. Para bang nasasaktan ang kanyang hitsura. Tila may gumugulo sa kanyang isip.

"Magluto ka na ng kakainin mo at ipangako mo sa sarili mo na huwag agad bumitiw."

"I didn't know you would do something like this... especially that I'm a stranger to you." he said directly looking at my eyes.

Natigilan din ako. Hindi ko alam. Pero noong oras na sinabi niya na wala siyang pambili para bang may kakaiba akong naramdaman kaya ko siya tinulungan. Although I don't get something in return, I did it. For his own good.

"Go home." was all I said to him that night.

I was wearing a golden mermaid dress with a slit on it. It is so gorgeous. Si Lylac nakasuot naman ng kulay cream and Violet wear a red mermaid dress.

The event start at 8pm on the evening. We checked ourselves before going out.

"We are the mermaid ladies!" hiyaw ni Violet.

Natawa ako. For a seventeen year old girl, I look so much mature right now. May katangkaran kasi ako kaya naman ay hindi halatado na underage ako. Around seven thirty we have arrived.

The place is so huge. Some guests are also in there. Naupo na muna kami at kumain ng ilang desserts with our champagne in the table.

"Grabe ang bongga naman ng party." puna ni Lylac.

Tumango kaming dalawa ni Violet. "Nasaan kaya si Azelle?"

"Baka nandyan na siya. Impossibleng malate 'yun." sabi ko naman.

Sa bawat minuto na dumaan ay dumadami na ang mga taong pumapasok. Some are familiar to us since employess sila ng company. Nakita rin namin si Maam Florencia talking with some people.

They mingle and some are happily greet each other. Tumunog na ang mic at nakita namin na naroon na sa harapan ang emcee. It's eight thirty already.

"Good evening everyone, welcome to the 12th anniversary of Hangruela company." nagpalakpakan kaming lahat.

Oh, so anniversary pala ng company. Ilang background stories ang sinabi niya at ilang entertaining jokes. Naagaw ang pansin ko ng naupo si Azelle sa may tabi ko.

"Now, see." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad akong humarap dahil nagpalakpakan silang muli.

"Mr. and Mrs. Hangruela." the emcee introduce.

I raised my hand to applause. Si Mrs. Hangruela ay nakasuot ng itim na makinang na dress that hugged her body firmly. She has a soft features, elegant aura and is so beautiful.

Mr. Hangruela is very intimidating. You can feel the power behind his aura. Matangos ang kanyang ilong at malalim na mga mata. He has beard also but jeez for a married man he sure looks a bit young.

Bumati rin sila gaya ng emcee. "Enjoy your stay but first let me introduce to you my son, Ephraim Knight Hangruela."

Natulala ako saglit. Matagal ko siyang tinitigan at ilang saglit na pinagkumpara ang kanyang features sa mag asawang Hangruela. I silently gasped. It's true. Kahit anong anggulo ay wala siyang dugong Hangruela o kahit anong genes man lang. This is really odd.

"I first meet Mr. Ephraim when I was nineteen, his sixteen that time. Nagsimula na akong magduda dahil wala naman siyang kamukha sa pamilyang ito. Ang nakakapagtaka lang ay bakit siya ang balak na ipalit sa puwestong CEO?" bulong ni Azelle kaya napatingin kami sa kanya.

"Ikaw lang ba ang may motibong hindi siya isang Hangruela?" tanong ni Lylac.

"Hindi ko alam, pero ang iba kong kasamahan ay labis ding nagtataka. Huwag na huwag niyo itong pag usapan sa loob ng company lalo na at hindi niyo alam ang kayang gawin ng isang iyan." aniya.

Napatango ako. Tumingin ako sa harap at nakitang masaya siyang nakikipag usap sa mga kasamahan niyang naka itim na suit. For a minute there, he saw me staring at him. He didn't have any emotion until he look away and left me with so much questions spinning in my head.

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon