"Oh? Natulala ka na dyan?" tanong ni Violet habang kumakain kami ng meryenda.
Napahinga ako ng malalim. "Wala naman. Siguro ay napagod lang ako kahapon."
Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari at ang mga sinabi ni Prince habang kumakain kami ng agahan. Kaibigan ko siya. At handa kong gawin ang lahat para sumaya siya dahil alam ko ang pakiramdam ng inabanduna.
"Pareho kaming inabanduna kaya naman ay nararamdaman ko ang sakit sa likod ng kanyang mga mata." pagtatapos ko.
Nang matapos ang trabaho namin kanina ay nag insist sila na mag sleep over sa condo dahil umabsent ako kahapon at marami daw akong ikukwento sa kanila. Hindi ko talaga sila matatakasan 'no?
"Hindi niya nahalata na narinig mo?" namimilog ang mata ni Lylac habang tinatanong ako. Tila hindi pa nila naaabsorb ang lahat ng nasabi ko.
Umiling ako. "Mukhang hindi naman. Pero baka, dun sa araw na nagsuntukan sila sa hallway."
"So confirmed na, na hindi tunay na anak ng mga Hangruela si Mr. Ephraim. Pero bakit? Paano nangyaring siya ang naging tagapag may ari ng mga companya?"
"Wala rin akong alam." I honestly said. "Ang narinig ko lang noon kay Prince ay pinagpalit siya kay Mr. Ephraim."
"So ang tunay na Hangruela ay si Prince?"
Natigilan ako. "Baka. Wala kasi siyang sinabi na apelyido niya ng nagpakilala kami sa isa't isa."
"Kaya siya pinapabalik ni Mr. Ephraim dahil siya ang tunay na Hangruela? Pero bakit? Diba dapat hindi na niya ito pinapabalik dahil kumbaga nasa kanya ang pwesto na karamihan sa atin ay gusto?"
"Subukan mo kayang itanong sa kanya kung anong apelyido niya?" si Violet.
Agad akong umiling. "Tama na muna ang impormasyon na nalaman natin sa ngayon. Baka may makahalata, tandaan niyo ang bilin ni Azelle."
Bumuntong hininga silang dalawa. Isang rason din ang hindi ko masabi sa kanila. Na ayaw kong malaman na isa siyang Hangruela. Ayoko.
Napatalon kami sa gulat aa doorbell.
"Shit. Mga pulis na ba 'yan? Omygosh! Ayoko pong makulong!" Lylac chanted.
"T-tumahimik ka nga! Impossible naman na agad nilang nalaman na may alam na tayo? D-diba?" kinakabahan din na tanong ni Violet.
Napalunok ako. "Ako na ang magbubukas. Magtago kayo sa kwarto baka kung sino ang nasa labas-"
Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko pero kumaripas na sila ng takbo. Nagawa pa nilang sumigaw.
"Hayaan mo at dadalawin ka namin sa kulungan araw araw!"
Mga siraulo talaga ang mga ito. Sinilip ko muna sa peephole at nagulat ng makitang si Prince ito. Anong ginagawa niya dito? Agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan.
"Saan ka galing? Hindi ka dapat basta basta lumalabas. Kagagaling mo lang sa sakit!" I exclaimed.
"Ayos lang. Aalagaan mo naman ako." ngisi niya.
Sinapak ko na. "Ano bang ginagawa mo dito?"
Itinaas niya ang hawak niyang supot. Napataas ako ng kilay.
"Oh?"
"Ipagluto mo ako." parang bata niyang sabi.
Napaawang ang aking labi. "Hindi ka pa kumakain?"
"Hindi pa." inosente niyang sambit.
Mas lalong nanlaki ang aking mata. "Magaling! Gawin mo iyan araw araw at ng magkasakit ka ulit. Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi mo ako pinapakinggan."
Tumalikod na ako pero agad niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya. Hinayaan ko pa rin na galit ang ekspresyon ko. Nakita kong nagtaas baba ang kanyang adams apple at namula ang tenga.
Halos hindi rin siya makatingin sa akin.
"N-namimiss ko na kasi ang luto mo. Kaya 'di ako makakain kasi iyon ang hinahanap ko."
Napalunok ako sa narinig. Ngayon ay titig na titig naman siya sa akin na sana ay hindi niya na ginawa. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sagot niya at mukhang may kumikiliti sa aking tiyan.
"Please, huwag ka ng magalit. Pangako hindi ko na kakaligtaan na kumain." aniya na halos magmaakaawa na.
Tila naputol ang aking dila at hindi alam ang sasabihin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Teka... ano ba 'tong pakiramdam na ito?
I sighed. Hinayaan kong kumulo ang karne ng baka bago ko ito gawing beefstake. Naghati na rin ako ng ilang gulay para sa side dish. Hinayaan ko muna siyang maligo at magpalit ng damit. Teka...
"PRINCE! SAAN MO BINILI ANG KARNE NG BAKA NA ITO?" sigaw ko.
"Sa Tagaytay."
Ay shet na bata. Ang layo ng tagaytay. Four to five hours away from here. Hininaan ko iyong apoy at handa na siyang pagalitan dahil bakit kailangan niyang pumunta ng tagaytay? Ang layo noon at tsaka baka mabinat siya!
Pero napasinghap ako ng maramdamang muli ang mainit na braso niya na kinulong ako. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin mula sa likod at siniksik ang ulo sa leeg ko. Bigla akong nanghina at nakalimutan ang inis ko sa kanya.
"Huwag ka ng magalit. Ayos lang talaga ako. At tsaka kumain naman ako sa daan kanina bago tuluyang umuwi dito." aniya sa malambing na boses.
Namula ang mukha ko hanggang sa aking leeg at nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa init ng hininga niya.
"K-kahit na! Alam mo naman na kagagaling mo lang ng sakit kahapon tapos pumunta ka pang Tagaytay, malamig doon!" nabuhay ang inis sa akin pero hindi ko maipagkakaila na nanghihina na ang tuhod ko sa sobrang init ng hininga niya na tumatama sa aking leeg.
"I'm sorry. Hindi na mauulit dahil alam kong magagalit ka." saktong natapat ang labi niya sa tenga ko kaya naman ay nanginig ako sa kakaibang sensasyon na naramdaman. Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang tunog na guston kumawala sa bibig ko.
"P-Prince, maupo ka na doon at kumain ka na." utal kong sabi.
"Damn. I'm so addicted to you," he whispered and tightened his hold on me. "I can't get enough of you baby, I want to be beside you every single second of mylife."
"I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away...🎶
Hinawakan ko ang puso ko at talagang mabilis ang pagtibok ng puso ko. Bakit... bakit ganito siya magsalita ngayon? Parang... ang lambing niya.
"But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you...🎶
Dahan dahan ko siyang hinarap at kahit na hindi ko siya matignan ay kinaya ko para lamang masabi ang nais kong masabi.
"Prince... let's be friends for now."
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...