My heart almost stop ng makitang naging malamig ang kanyang pagtitig sa akin. Kakayanin ko. Ito ang ginusto ko kaya dapat handa akong makinig sa anumang sasabihin niya.
"Let's eat." aniya.
Natigilan ako dahil sa sagot niya. Wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Alam kong ampon si Mr. Ehpraim pero gusto kong malaman kung magkapatid ba sila at bakit hindi siya ang nag aasikaso ng companya. Bakit dito sa ampon?
Kung sasagutin niya sana ako. Maliliwanagan na sana ako. Kaso mukhang wala rin pala akong mapapala.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Malalim ko namang pinag iisipan ang kanyang reaksyon sa ngayon. Mukhang may galit nga siya kay Mr. Ephraim. Pero bakit?
Nawalan ako ng ganang kumain kanina ngunit pinilit ko na lamang dahil gutom din ako. Nakatingin lamang ako sa labas at hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin kahit na alam kong paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ko. Siguro hahayaan ko muna ang topic na ito. Wala rin naman akong mapapala kahit na malaman ko ang mga sagot.
Wala nga ba? Bakit pakiramdam ko meron? Ugh, ang gulo.
Tumikhim ako. "Salamat sa dinner. Mauuna na ako."
"Gusto ko lang naman na maging masaya ang gabi natin pero bakit parang naging mali." aniya sa nasasaktan na boses kaya dahan dahan akong napatingin sa kanya. Mga mata niya'y puno ng sakit ngunit may halong pag aalala. Did I really ruin our night?
"Ito pa naman sana ang first date natin," halakhak niya na puno ng pait kaya napa iwas ako ng tingin at napapalunok sa konsensya.
Hindi ko lang mapigilan kanina. "I'm sorry." bulong ko.
Umiling siya. "No, wala kang kasalanan." agad niyang sambit. "Maybe I was just caught by your question that's all. But I promise you love that I'll tell you when you are ready to hear all my past."
Tinitigan niya ako. I can feel the sincerity in his voice that made my heart starts to race. Tila nagwala pa ang mga paru paro sa aking tiyan ng haplosin niya ang pisngi ko at hawakan ang aking palad upang pagsiklopin ito sa kanya.
Ang init ng palad niya na sumasakop sa malamig kong palad. I feel so small when were closed but I can't help to admit that I feel so safe whenever his near me. Nanlaki ang aking mata ng sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ang aking noo.
I can feel his hot breathe on my face. Pagkatapos noon ay pinagdikit niya ang aming noo. Nagtama ang ilong naming dalawa habang nakapikit siya. Isang galaw na lamang ay magkakadikit na ang labi namin kaya hindi ko magawang gumalaw. Hindi ko alam pero ramdam ko ang hinanakit niya.
"Baby, can I kiss you?" he ask huskily.
Namula agad ang aking mukha at halos hindi makahinga. If he kiss me right now... he'd be my first kiss.
Nang matauhan ako ay dahan dahan kong tinanggal ang pagkakasiklop ng palad namin at lumayo sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya tanda na nasaktan siya sa aking paglayo.
"T-tumigil ka nga." nauutal kong sambit. Narinig ko ang munting halakhak niya na siyang ikinapula ng aking mukha.
"Ihahatid kita bukas para sabay na rin tayong mag breakfast. Matulog ka na." aniya.
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Wala ka bang trabaho?"
Umiling siya. "Sige na. Alam kong pagod ka, good night baby." pilyo niyang ngiti.
I gritted my teeth. "Hindi ako sanggol kaya pwede ba!"
He chuckled at tsaka ginulo ang aking buhok. Sinapak ko ang kanyang kamay para itigil niya iyon. Matalim ko siyang tinitigan ngunit nakangiti pa rin ang hinayupak.
"Alright then. I'll call you babe? Nah, too common. Hmm ah yes. I'll call you Love."
Bumaba na ako. Bwisit. Kung ano anong alam e. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya nilingon. Kahit kailan talaga napaka pilyo niya. Akala mo naman ay kami para tawagin niya ako sa ganoong paraan.
"Hmm..." nanliit ang mata ni Violet habang pinagmamasdan ako.
I raised my eyebrow. "What?"
"Isang linggo ka na niyang hinahatid sundo at palagi na kayong kumakain sa labas. Pero sabi mo nanliligaw pa lamang siya. Dear friend, are you hiding something?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi pa kami-"
"PA?!" sigaw nila kaya agad ko silang sinuway.
"Ano ba!" sita ko. "So may balak kang sagutin?"
I... don't really know. Lately we do stuff normally what couples are doing. We don't have a label but I'm okay with it. We are happy this way kaya bakit kailangan pa ng label?
Isang linggo na rin simula ng ihatid at sunduin niya ako pero wala namang malisya iyon maliban nga lang at lagi niya akong tinatawag na 'Love' kaya kung namamasyal kami ay natatawag kaming couple. At ilang beses na din niya ako tinatanong kung kailan ko daw ba siya sasagutin. Napaka demanding e akala mo naman seryoso. Bwisit.
"Hindi ko alam... pakiramdam ko kasi parang may tinatago siya sa akin." mahina kong sagot.
Lagi akong naghahanap ng tiyempo para itanong kung paano sila nagkakilala ni Mr. Ephraim pero lagi na lang nauudlot.
"Sagutin mo kaya siya? Tapos takutin mo na ibreak mo kung hindi pa siya nagkukwento."
"Siraulo ka kahit kailan."
Tumawa kaming tatlo. Nakatayo na ako sa dati kong pinaghihintayan kay Prince. Mukhang malalate siya ng dating ah? Hindi ko pa naman ang dala ang motor. Hayy namimiss ko na ang motor ko.
"Oh no, mukhang uulan pa. Prince nasan ka na ba?" bulong ko.
Napamura ako ng bumuhos na ang malakas na ulan. Tatawagan ko na sana si Prince ngunit patay na ang phone ko. Ayy nalintikan na. Nababasa na ako dahil maliit lang ang espasyo ng pwede kong pagsilungan dito.
Lagot talaga sa akin si Prince. Nasaan na ba ang hinayupak na 'yun? Natigil ang pag aalburuto ko ng may isang kulay asul na kotse ang huminto sa harapan ko. Bumaba ang bintana nito at nabigla ako kung sino ang nasa loob.
"GET IN!" sigaw niya.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Papasok ba ako? Bago pa ako makagawa ng isang sagot para umapila ay nasa harap ko na siya at nabasa dahil sa ulan. Agad niya akong pinapasok sa loob ng kotse niya at nagmamadali siyang pumasok sa loob.
Basang basa kaming pareho dahil sa ulan. Agad niya akong inabutan ng jacket na galing sa likod. Mukhang sa kanya nga ito.
"A-ayos lang naman po ako Mr. Ephraim." nanginginig kong sagot.
Pinaandar na niya ang kotse. "Punasan mo muna ang katawan mo at baka magkasakit ka."
Tahimik lang kaming dalawa sa loob at halos walang gustong magsalita sa amin. Bakit iba ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko? Ibang iba kapag si Prince ang kasama ko.
Napalingon ako at nakita ang dalawang tao na nasa loob ng restaurant at masayang nag uusap. Natulala ako at tila ayaw mag rehistro sa aking isipan ng makita kung sino ang mga iyon.
Si Prince at isang babae na naghahalikan pagkatapos ng masayang pag uusap. Anong ibig sabihin nito? Pero tila nagunaw ang mundo ko ng marinig ang sinabi ng katabi ko. Namutla ako at napuno ng galit ang aking puso.
"Bumalik na pala ang first love ni Prince. Have you meet Evelena?"
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...