Ika labing pitong Pahina

183 1 0
                                    

"Anong ginagawa niyo rito?" mariin kong tanong.

Halos makalimutan ko na ang hitsura niya simula ng iniwan niya ako noon. Pero alam ko at hinding hindi ko makakalimutan ang kanyang ginawa sa akin.

Hinayaan ko munang mag isip si Prince kaya hindi ako nagpakita sa kanya kanina at ngayong paakyat na sana ako ng condo ay makikita ko si Mama. Nakasuot siya ng magarbong damit at may kwintas siya na kumikinang na kulay silver.

Maganda ang mama ko kaya maraming nagsasabi na hindi siya nagmumukhang matanda na. Noon gustong gusto kong sabihan ako na kamukha ko siya kesyo ganyan ganoon pero ngayon... naiinis na ako. Dahil ayoko sa kanya.

"Anak..." nanginig ang kanyang boses sabay lapit sa akin pero humakbang ako palayo.

Nag unahan na pumatak ang luha niya at ramdam ko rin na maiiyak na ako ano mang segundo dahil sa inis, galit pero hindi ko maiwasan na may galak sa akin dahil nakabalik na siya kahit na hindi dahil sa akin.


"Umalis na kayo." malamig kong sagot tsaka tumalikod na.

"Anak naman..." agad niyang nahawakan ang aking braso.

"Bitawan mo ako."

Agad siyang pumunta sa aking harapan kaya hindi ko na nakayanan. Tumulo ang aking luha at galit na binawi ang aking kamay saka siya tinuro.

"Bakit ba kasi kayo nandito? Hindi ba iniwan niyo na ako?  Dapat hindi na kayo magpapakita sa akin ng ganito. Kasi shit lang! Iniwan niyo ako for almost ten years ago tapos ngayon ano? Hihingi kayo ng tawad at agad agad na babalik sa buhay ko? Ano ako tanga?" humikbi ako at puno ng galit ang aking mata.

"Naña, please--"

"NO! When I beg you years ago, you didn't even listen to me. Iniwan niyo lang ako. Sampung taong gulang lang ako noon! Pero hindi niyo ako pinagbigyan! Umalis pa rin kayo!" puno ng hinanakit na sigaw ko. "Nakinig ba kayo? Pinakinggan niyo ba ako? Hindi diba?! Hindi niyo ako pinakinggan! Iniwan niyo ako! Iniwan niyo ako!" nanghihina kong sambit.

Humagulhol siya ng iyak at pilit akong niyayakap pero tinataboy ko lamang ang kanyang mga kamay.

"K-kaya kung pwede lang?! Umalis ka na kung hindi magpapatawag ako ng security." pagbabanta ko.

"What's happening here? Mom?" isang boses ang aking narinig na siyang nagpawasak ng aking buong pagkatao.

At mas lalo akong nagulat ng makita kung sino ito. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?


Evelena. Ang first love ni Prince. Wow, ang saya naman. At ano daw? Mom? Napangisi ako ng mapait.


"Ah kaya ba kayo bumalik para ipaalam sa akin na nakabuo kayo ng kapatid ko?" humalakhak ako ng mapait. Napatingin sa akin si Evelena na may matalim na tingin.


"Stop talking to my mom like that! Who do you think you are?!" singhal niya sa napa arting pag eenglish niya.


"Ah, bakit nga ba hindi mo ako ipakilala diyan." I taunted.


Her eyes narrowed at me. Maiksi ang kanyang damit na akala mo'y naubusan na siya ng tela. Kulay pula ito at nakapumps siya ng matingkad na kulay pula. Medyo curly ang kanyang mahabang itim na buhok. Mataas ang kilay, medyo may kasingkitan ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, makinis at maputi din siya kesa sa akin. Morena kasi ako.

Mas lalong umiyak si Mama ng magtagpo ang aming paningin. Ma, nasaktan niyo na ako noon e, bakit hanggang ngayon sinasaktan niyo pa rin ako?

"M-magkapatid kayo anak, sa ama."

Nanghina ako at namutla. Muntik na akong matumba dahil sa narinig. Sumigaw sa gulat si Evelena pero wala akong marinig. Nabingi ako dahil sa lahat ng nalaman ko. Bakit... bakit ganito?

"Naña-"

"SHUT UP AND LEAVE ME ALONE!" sigaw ko at humahangos na tumakbo papuntang elevator.


Nag uunahan na bumagsak ang aking luha. Ilang taon kong baon ang sakit at galit sa aking puso pero bakit sa tuwing nakakalimot na ako ay nadadagdagan naman ng mga bagay na mas lalon nagpapabigat sa aking dibdib.

What have I done to deserve all this? Bakit ang sakit sakit? Konting konti na lang bibigay na ang aking puso. Humagulhol ako at napaupo sa elevator. Wala naman akong kasalanan sa mama ko at kay papa na lagi kong nakakasama noon. Lagi naman akong sumusunod sa utos nila. I have always been a good girl. I have always been...


"Naña?" isang boses ang aking narinig na nagpamulat ng aking mga mata.


Agad niya akong binuhat at dahil sa sakit na ang nararamdaman ay nagawa ko siyang yakapin at ilabas lahat ng aking iyak, ng pait at aking luha sa kanyang dibdib.


"Sige lang iiyak mo lang ang lahat. Magiging maayos din ang lahat. Nandito lang ako Naña." bulong niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo na siyang nagpahagulhol sa akin.


"Mama nasaan si Papa?" nagtatalon ako sa saya habang hawak ko ang test paper kanina na binigay sa amin ni teacher.

Binuhat ako ni Mama at pinaupo ako sa kanyang hita. Hinaplos niya ang aking buhok at ngumiti ng malumanay.

"Nasa trabaho kasi si Papa ngayon at sa gabi na lamang siya darating. Ano ba iyon?"

Ngumiti ako at ipinakita ang aking test paper.

"Ako po ang highest kanina sa exam namin. Mayroon po akong five stars. Sabi ni Papa ibibili niya ako ng bike!"

Nakita ko si Mama habang hinahatak ako na may luha sa kanyang mga mata. Iniwan niya ako doon sa ilalim ng puno ng mangga saka umupo para maglevel ang aming paningin.

"Dito ka lang anak ha? May darating dito para kunin ka. Tandaan mo, magpapakabait ka ha?! Dapat sundin mo ang sinasabi nila at huwag kang magpatangay sa galit hangga't hindi mo alam ang buong kwento. Naiintindihan mo ba ako anak?"

Umiiyak ako at natatakot ako sa gusto niyang mangyari.

"M-mama iiwan niyo po ba ako dito?" hikbi ko.

Hinaplos niya ang aking buhok. "Babalik din ako anak. Babalik ako."

"Ma! Mama huwag niyo akong iwan! MAMA!" sigaw ko.

Napabalikwas ako ng gising at nakitang nasa harapan ko si Prince at halatang kabado. Nagtaas baba ang aking dibdib sa nerbyos. Puno ng pawis ang aking mukha at mabilis ang pagpinting ng puso ko.

"Damnit! You scared the shit outta me." bulong niya pero halatang may takot sa kanyang boses. "Nagugutom ka na ba? Nauuhaw?"

Inabutan niya ako ng bimpo kaya pinunasan ko ang aking pawis. Umiling ako saka uminom ng tubig. Paano ako napunta dito?

"B-bakit pala ako nandito?" tanong ko.

"Nakita kitang umiiyak sa elevator kaya agad kitang binuhat at pinunta dito. Anong nangyari?" nag aalala niyang tanong.

Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko nagawa kaya naman ay yumuko na lamang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot.

"Magpahinga ka na muna at alas dose palang ng madaling araw." aniya saka hinaplos ang aking buhok.

Agad ko siyang pinigilan ng aalis na sana siya. Tumingin siya sa akin.

"P-pwede bang dito ka lang? Natatakot kasi ako. Please?" bulong ko na siyang nagpamula ng aking pisngi.

"Of course, Prince at your service."

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon