"Alam ko anak na galit ka dahil sa nagawa ko. Pero hindi pa ngayon ang oras na malaman mo ang lahat. Ayokong may gawin siya sayo dahil sa akin. Tama ng ako ang nakaka alam ng lahat."
Naguluhan ako sa sinabi Mama. "A-anong..."
"Naña, naalala mo ba ang paalala ko sayo noon?" napa isip ako. "Na dapat alamin mo muna ang buong kuwento bago ka magtanim ng sama ng loob."
"Tapos na Ma, nakatanim na dito ang mga tinik at isang sagot lang ang gusto kong malaman." mariin kong sabi.
Naghintay ako pero mukhang wala siyang balak na sabihin ang rason. Kaya umalis na ako. Namamaga ang aking mata dahil sa kakaiyak. Naninikip ang dibdib at tila nahihirapan na huminga dahil sa dami ng nalaman ko.
"Naña? Anong nangyari sa mata mo? Namumugto sila oh?" nag aalalang tanong ni Violet.
Umiling ako. "Magtrabaho na tayo guys." mahina kong sagot.
Tama nga sila na nakakatakot ang makaramdam ng sobrang kasiyahan dahil kapalit naman daw nito ay matinding kalungkutan. Hindi muna ako umuwi. Naroon lang ako sa park at umiinom ng alak.
Magpapalamig na muna ako ng ulo bago umuwi. Nagtext na ako kay Prince kanina na makikitulog muna ako kina Violet at sabi niya ay ayos lang daw. Naguilty ako dahil hindi naman totoo. Gusto ko lang mag isip ngayon. Dahil sa mga nalaman ko ngayon ay tila mababaliw na ako.
Hindi ako galit kay Papa. Pero nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang pag iwan nila sa akin noon. Kaya ko na siyang maharap? Hindi ko maipagkakaila na namiss ko siya. Namiss ko ang bonding ng pamilya namin pero dumaan ang araw... buwan... taon... ni minsan wala ng family bonding pa ang naganap.
I felt so empty. I felt so ashamed of myself. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ng tigas ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tumingala ako sa langit na puno ng mga bituin. Napaluha na naman ako dahil hanggang ngayon naaalala ko ang mga nakaraan ko na pilit ko ng itinago.
"Papa, ang sabi ni teacher ako daw ang first honor. Tinanong din niya kung sino daw po ang maghahatid sa akin sa stage at magsasabit ng medalya." sabi ko habang malawak ang ngiti.
"Ang talino naman ng anak ko! Syempre ako ang kasama mo. Kasi ang nanay mo ay may aasikasuhin pa pero dadalo pa rin naman siya," aniya habang nakangiti.
"Ayos lang po sa akin."
Nagtaka ako dahil wala namang nababanggit sa akin si mama na may gagawin siya. Hindi naman sa ayaw kong si papa ang kasama sa entablado pero para kasing mali e. Kumain kami sa Jollibee para pagaanin ang loob ko dahil tuluyan ng hindi nagpakita si mama sa akin noong graduation ko.
"Sorry na baby ha? May ginawa lang talaga ako pero babawi naman si nanay ayos ba?" hinaplos niya ang buhok ko.
Kahit masakit sa puso at nakakatampo, ngumiti ako tsaka tumango na parang hindi nasaktan. Namasyal kami sa park at nagulat ako ng makitang may kausap si Papa na bata. Babae siya mukhang mas matanda siya sa akin.
"Mama? Sino po iyong kausap ni papa?" tanong ko.
Narinig ko ang bangayan nina mama noon at papa tungkol sa pagkakaroon ng kabit ni papa pero hindi agad ako naniniwala kasi alam kong mahal niya ang mama ko kaya hindi niya iyon magagawa. Umiling si mama tsaka ngumiti.
"Baka may tinanong lang iyong bata, halika na. Gusto mo ba ng cotton candy?"
Naging palaisipan sa akin ang araw na iyon pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Grade 4 na ako at mag na nine na ako ngayong darating na sabado. Pero habang dumadaan ang araw ay parang lumalayo ang loob ni Mama at Papa sa akin.
"Mama? May problema po ba?" hawak ko sa dulo ng tshirt niya.
Umiling siya pero nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata at nakita ko pang may namumuong luha roon. Sumakit ang aking puso sa nakita. Ayokong nasasaktan o umiiyak si Mama at Papa dahil para akong sinasaksak.
"Wala anak," aniya. "Gutom ka na ba? Darating ang Papa mo mamaya. Gusto mo bang manood muna ng sine?"
Pilit kong binura ang mga naiisip kong nakakapag lungkot sa akin saka tinuon na lamang sa masasayang nangyari noong mga nakaraang araw. Ganoon ang laging eksena namin.
Kung hindi sa sinehan ay nasa park kami o 'di kaya ay nagpupuntang dagat. Masayang masaya kami.
Until it was over...
Isang buwan na lamang ay magsa sampung taong gulang na ako. Laging busy si Mama at Papa. Wala ng family bonding ang naganap. Hindi na kami lumalabas gaano. Hindi na kami nagpupuntang dagat.
Tahimik ang mundo ko simula ng malapit na akong nagsampung taong gulang. Three days before my birthday a little girl came. She has the same feature as Selena Gomez since I idolize Selena Gomez alam ko na kung anong hitsura niya.
Pero isa lang ang napansin ko. Ang mata niya... kapareho niya si Papa... sa mata. Mas matangkad siya sa akin. She didn't have any reaction and so am I. Hindi ko alam ang nangyayari. Sino siya? Anong ginagawa niya dito?
"Anak..." yumuko si Mama para magpantay kami. May luha sa kanyang mga mata na siyang nagpakaba sa akin.
"D-diba gusto mo ng ate?" nanginig ang boses niya. Hindi ako makapag salita. Halos wala akong maintindihan sa nakikita ko ngayon.
"S-siya. Siya na ang magiging half sister mo."
Three days before my birthday, I recieved that kind of revelation about my family. That my father has a dark and dirty secret.
Tinanggap ko si Ate Lopi at naging magkasundo kami agad. Ang ganda talaga niya lalo na at kahawig talaga niya si Selena Gomez na siyang iniidolo ko. She became my partner in everything.
Until it was changed again...
May dala si mama na bag at nilapag sa gilid ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko lalo na at alam ko kung anong binabalak niya. I am not a stupid child not to see what the heck is going to happen next.
Mainit na tumutulo ang aking luha habang hinahawakan si mama sa kamay.
"M-mama..."
Umiling siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanya. Gaya din niya ako na umiiyak. Pinilit niyang ngumiti tsaka pinusan ang luha kong hindi maubos ubos. Diba masaya naman kami? Wala namang nangyaring kakaiba e, bakit humantong na sa ganito?
"M-makinig ka sa akin Naña, okay?"
Humikbi ako. "M-may gagawin lang kami ng papa mo pero pangako babalikan kita rito. Babalik kami anak. Magiging kasama mo muna si Lopi at ang Lola. Maging mabait kang bata ha?"
Nanikip ang aking dibdib. Umiling agad ako.
"M-mabait naman ako Mama diba? Bakit mo ako iiwan? May nagawa po ba ako? P-pangako po magbabago na ako! Huwag niyo lang akong iwan dito!"
Niyakap ako ng mahigpit ni Mama kaya humagulhol na ako ng iyak.
"B-babalik din kami agad anak. Kaya hintayin mo kami ha? Mahal na mahal ka namin..."
"Ma! Huwag niyo akong iwan dito! MAMA!" sigaw ako ng sigaw at pilit na hinahabol siya pero hindi man lang siya lumingon para tahanin akong anak niya. Hindi niya ako binalikan. Hindi niya ako mahal. Hindi nila ako mahal. Iniwan nila ako. Iniwan nila ako.
August 27 of the evening, I Georgieña Frezynne Deventore was left behind on the day my mom give birth to me but then the same day also which they abandon me. Since then hindi lumilipas ang aking kaarawan na hindi ako nasasaktan.
"Damn bakit pa kasi kayo bumalik?" I cried again because of them. Why do they kept on hurting me? Did I deserve all this? Am I a bad child?
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...