Ikatatlong pu't siyam na Pahina

166 4 0
                                    

Hindi ako makatulog pagkatapos sabihin iyon ni Kuya Ephraim sa akin. Gusto kong magalit at kamuhian si Prince. Pero ni magalit ay hindi ko magawa na siyang kinakagalit ko sa aking sarili. Sinasaktan ka na nga nung tao bakit hindi mo pa rin kayang kamuhian siya, Naña?!

Kaya ba sinasadya niya noong unang beses kaming magkita? Na hihingi siya ng kung ano ano sa akin? Ayun ba ang dahilan niya? Kaya ba niya ginagawa ang mga iyon para mahulog ako sa kanya at iiwan nalang ng ganun para makaganti sa Kuya ko?

Tangina. I tossed and turned but sleep didn't visit me until I realize that I badly needed to sleep for as tomorrow will be the day we will save Ate Lopi.

Ilang beses akong tumanggi at umiling ng ibigay sa akin ni Kuya ang isang baril. Hindi ako hahawak ng baril! Ayoko! Ang sabi nila may sa demonyo ang mga baril at minsan ay naipuputok mo ito at makakatama ka ng ibang tao. Ayoko. Natatakot ako.

"Naña, kailangan mong tatagan ang loob mo. Wala ako sa tabi mo sa mga oras na 'to kaya kailangan mong protektahan ang sarili mo. Please," nagmamakaawa si Kuya ngunit hindi ko talaga kaya.

"H-hindi Kuya," nanginig ang aking labi.

"Naña, this can save you if something came up. You need to have something that can defend you. If you leave tonight, there's no guarantee that Mr. Hangruela doesn't know now what were up to. Kaya mo ito kailangan. Trust yourself. I trust you Naña but please,"

Sa nanginginig na kamay ay inabot ko ito. May kabigatan ito kaya noong hawakan ko ito ay parang gusto ko ng ibalik. Ngumiti si Kuya kaya pinilit ko ang sarili na kaya ko ito.

"I'll leave at dawn. You will be inside the Fordge Condominium. You will make a call and alert the police. Hindi makakapasok basta roon ang tauhan ni Mr. Hangruela kaya doon ay ligtas ka. Habang narito sa hospital si Mama at si Papa may magbabantay sa kanila dito. Si Lola at si Evelena ay luluwas muna at sa Harles magtatago."

Nakinig akong mabuti sa kabila ng panginginig ng aking kalamnan. I was a bit distracted knowing about Prince but I shook the thought away and need to focus.

Hinatid namin sina Lola sa labas para maihatid na sila papuntang Harles. Ilang beses na nag reklamo si Evelena na ayaw roon dahil hindi siya sanay pero pinaunawa sa kanya ni Kuya ang nangyayari kaya wala siyang nagawa kundi ang sumang ayon.

Bantay sarado ang hospital kung nasaan sina mama at papa. Alas cingko ay nakacheck in na ako sa isang condo unti dito sa sinabi ni kuya. Ilang beses akong nagdasal na sana walang masamang mangyari kay kuya at kay ate Lopi.

Ngayong hawak ko ang aking cellphone, bakit hindi ako nakatanggap ng mensahe galing sa kanya? Hindi man lang ba siya nagtaka kung bakit ako nawala sa tabi niya? Wala lang ba talaga ang nangyari sa amin sa kanya?

I lock myself inside the bathroom and calm myself. Pagpatak ng alas dose, tanghali ng gabi ay doon na ako todong kinabahan. Tatawag na ako. I dialed and talk. Very hopeful that everything will turned out right.

~

"Ang tagal naman ng mama mo." nakangising sambit ni Mr. Hangruela habang tanaw ang malawak na lupain nila sa loob ng tree house. Tahimik at pagod si Lopi dahil sa kakaiyak simula ng mapunta siya sa lugar na ito. Walang araw na hindi siya natakot para sa kanyang kaligtasan.

May ducktape ang kanyang bibig at tinatanggal lamang kapag kakain o iinom. Nakatali ang kanyang kamay at paa sa isang upuan na gawa sa kahoy. May isang lalaking nagbabantay sa kanya sa tuwing nasa labas si Mr. Hangruela. Sa ibaba ay naroon ang ilang tauhan ni Mr. Hangruela.

"We're going to be a big happy family! Dapat pala plinano ko na ito matagal na. Tsk tsk, bakit kasi hindi ako ang pinili ng mama mo e, tignan mo ngayon. Anong nangyari sa pepetsugin niyang asawa? Nakahilata dahil malapit ng mamatay. Tadhana talaga ang may gusto na makapiling ako ng mama mo." halakhak nito. "Kung ako sana ang pinili ng mama mo edi nasa kanya na ang lahat. Kaso stupida ang mama mo at pinagpalit ako roon sa hampaslupang kaibigan ko!"

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon