Kumaway na ako kay Ate ng paalis na ang kanyang sasakyan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mailabas lahat ng aking saloobin noong gabing kasama ko siya. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Kailangan ko ng makakausap at masasandalan.
"Nahihirapan na ako ate," pinunasan ko ang aking luha. "Sinusubukan ko naman na magpatawad e, kaso mahirap talaga. Hindi ko pa kaya lalo na at parang kahapon lang nangyari ang lahat. Alam kong matagal ng panahon ang lumipas pero iyong sakit kasi ate nandito pa rin. Naguguluhan ako sa mga sinabi ni Mama sa akin pero 'di ko magawang makinig ng mabuti dahil nabulag ako sa sobrang galit ko sa kanya."
"Hindi pa ba niya sinasabi ang lahat?" tanong niya.
Umiling ako. "Ang pagkaka alam ko lang ay ayaw niyang sabihin at sabi niya na tama ng siya lang ang nakaka alam ng lahat. Ano bang kinakatakot niya? Nalilito na ako ate, putol putol ang kwento niya. Ano ba ang rason? Yun ang gusto kong malaman! Ang rason kung bakit nila ako iniwan noon."
"Makinig ka sa akin Naña," tinitigan niya ako sa aking mga mata. "Lahat naman ng bagay ay may rason hindi ba? Gagawa ako ng paraan para maliwanagan ka sa paraang hindi ka masasaktan pero I doubt that. Kahit anong iwas mo masasaktan at masasaktan ka dahil tumagal ng mahigit walong taon mong dala ito. Naña, maghintay ka lang at magtiwala. Alam ng Panginoon lahat ng hirap mo kaya kahit paonti onti, tanggapin mo at magpatawad ka."
Paano ko gagawin iyan Ate kung ngayon pa nga lang 'di ko na masabi na may tinatago ako tungkol sa buhay mo? Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang ate ko. She's all I have for now dalawa sila ni Lola. Pero kailangan niya itong malaman. Pero tama bang galing sa akin? Anong gagawin ko?
"Pasukan na naman next week." rinig ko ang iritasyon sa boses ni Violet.
I rolled my eyes. "Sus, pero pag nasa school tayo kulang na lang ay doon ka rin tumira dahil sa mga boylet mo."
Tumawa ako dahil sa sinabi ni Lylac. Binato siya ni Violet ng papel at sinamaan ng tingin. Magsasalita na sana ako ng mag ring ang aking cellphone. Si Mr. Ephraim. Anong kailangan niya?
"Guys, C.R lang ako," paalam ko. Doon ko na rin sinagot ang tawag.
"Anong kailangan mo?" bungad ko.
"Dad had an heart attack." I almost did too when I heard that. Namutla ako at parang nawalan ng hininga. Nanginig ang aking palad at kusa na lang na bumagsak ang aking mga luha.
"A-anong ospital?"
After all, his my Dad. Pagbaliktarin man ang mundo, Papa ko pa rin siya. Wala akong matinong nagawa ngayong araw na ito kaya pinagalitan ako ni Maam Florencia.
"Hindi porket matatapos na kayo ng ilang araw ay laro na lamang ang gagawin niyo. Kung ayaw mong tapusin ang ojt mo, malawak ang exit door at pwede ka ng umalis."
"I-I'm sorry po, hindi na po mauulit."
"Lahat tayo may pinagdadanan hija, pero nasa trabaho ka. Kapag trabaho, trabaho ang dapat isipin. Be professional even though your just an intern here. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang may problema dito pero nagagawa pa rin nila ng maayos ang trabaho nila."
Yumuko lamang ako hanggang sa makaalis na siya. Alam ko naman na totoo lahat ng sinabi niya. Niyakap ako nina Lylac at Violet tsaka ako inalo. I feel blessed to have them here. Maybe I need to focus here first before entering the real world once again. Tinapos na namin lahat ng inutos sa amin bago kami nag ayos para maka alis na.
"Kailan tayo pupuntang school?" tanong ko.
"Pagkatapos na lang ng linggong ito." sagot ni Violet.
"May problema ba Naña? Mukhang wala ka sa sarili mo ngayong araw na ito?" Si Lylac. Napansin din pala nila. Ngumiti ako tsaka umiling.
"Wala, sige na. Hatid ko na kayo?" I offer. Tumili sila. Matagal na nilang gustong umangkas sa motor ko pero hindi ko gusto pero ngayon ay pagbibigyan ko sila since malapit ng matapos ang ojt namin. Maybe I need to unwind also.
"Love, nasaan ka?" tumawag kasi si Prince habang nasa elevator kami. Humagikhik iyong dalawang kasama ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Ihahatid ko muna ang dalawang kaibigan ko. Bakit? Nasa condo ba kita?" tanong ko. Tinignan ako ng dalawa ng maloko tsaka tinaas taas pabiro ang kanilang kilay. Jeez. Mga baliw talaga ang mga ito.
"Yep, nanood ako e. Bakit mo sila ihahatid? Umuwi ka na hayaan mo na sila. Miss na kita Love ko," lambing niya.
I rolled my eyes. "Hoy prinsipe, nagkita lang tayo kanina. Ano na namang kailangan mo at nandyan ka sa condo?"
"Kaamoy mo kasi ang unan mo sa sofa kaya niyakap ko sila. Miss ko na ang hug ng Love ko," he said huskily. Sinasadya niya bang lambingin ang boses niya? Namula ang aking pisngi at muntik ng maubo.
"Tama na nga yan! Masyado ka ng OA Prince, kaibigan namin ang kausap mo kaya umayos ka!" sigaw ni Violet.
"Kaibigan niyo na mahal na mahal ko." banat pa niya.
Napakagat labi ako tsaka mas uminit ang pisngi. I really love this side of him. Damn, I'm so smitten with this guy. Nagpaalam na ako sa kanya dahil nandito na kami sa parking lot. Nagsuot na silang pareho ng helmet at ako rin.
"I love you Ingat kayo, I'll wait for you." paalam niya.
Napalunok ako. "B-bye-"
"Naña naman, nahihiya ka pa rin bang sabihin pabalik sa akin?" humalakhak siya. Oo tama siya. Nahihiya pa rin kasi ako. Hindi ko alam pero sa tuwing sasabihin niya iyon ay para akong mamatay sa kilig pero kapag sasabihin ko naman ay nahihiya ako. Hindi ko alam!
"P-prince naman-"
"Mahal mo naman ako diba?" mahina niyang tanong.
Damn. "I-I love you." bulong ko.
"Hindi kita marinig. Come on Naña, my love. Para namang nahihiya kang mahalin ang isang tulad ko-"
"I LOVE YOU! I LOVE YOU PRINSIPE KO!" sigaw ko na siyang nagpasabog ng pisngi ko. Narinig ko ang halakhak niya kasabay ng tawa ng mga kaibigan ko at nakisabay na rin ang malakas na tambol ng puso ko.
"Damn it Love, I love you so much. Please go home immediately, I badly miss you and I want to hear what you just said." he said huskily again making the butterflies in my stomach dance with happiness.
Damn it Prince.
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...