Ikatatlong pu't na Pahina

163 1 0
                                    

I called my sister that evening. "Oo ate e, biglaan kaya huwag mo na akong hintayin."

She sighed. "Oo sige, mag iingat ka diyan okay? Say hi to Lola for me. Bibisita din siguro ako dyan this week."

I lied to my sister para hindi na siya mag alala sa akin. I have to deal this with my own. I texted Prince that I can't come home at nag stay muna ako kina lola. Wala pang isang segundo ay tumawag na siya sa akin. Pumikit ako ng mariin bago sinagot ang kanyang tawag.

"Pupunta ako diyan." salubong niya.

"Prince, baby, you can't. Dalawang araw lang naman ako dito at babalik din ako." I tried persuading him. "At alam kong busy ka kaya huwag ka ng tumuloy dito."

"No. Pupunta ako diyan. Hindi ko kayang mawalay sayo ng ganoong katagal. Naña, ilang oras ka na nga lang sa school niyo 'di ko na kaya ito pa kayang nasa probinsiya ka?"

Napakagat labi ako. "Kung ganoon, maghiwalay na tayo. Masyado kang clingy."

Gagawin ko ang gusto ni Kuya pero hindu ibig sabihin na dahil sinabi niya pero sa kaalaman na kailangan ko munang ayusin ang gusot ng pamilya ko. Gusto ko munang makausap sina Mama at Papa. Gusto ko ring maka usap si Mr. Hangruela. Kung ito lang ang paraan, gagawin ko. Titiisin ko ang sakit kesa naman mapahamak si Ate Lopi na walang kaalam alam sa mga nangyayari.

"Clingy ha?" he laughed darkly. "Kung clingy ako, kahit na matagal ko ng gustong buntisin ka hindi ko ginawa. Makipaghiwalay ka man babalik at babalik pa rin ako sayo. Kaya Naña, huwag mong gawing excuse ang pagiging clingy ko dahil alam ko ang nangyayari."

Hindi agad ako nakapagsalita.

"I'm going to fetch you there. I love you."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. How can he be so sweet kahit na may ganitong nangyayari? Sa mga oras na malungkot ako, sinasabihan niya ako ng 'I love you', sa mga oras din na nasasaktan ako, sa mga oras na nangungulila ako sa aruga ng pamilya ko at sa mga oras na yakap yakap niya ako habang masaya kaming nag uusap.

Akala ko ay si Prince na naman ang tumatawag pero napaawang ang aking labi ng makitang isa itong unknown number. Sa nanginginig na kamay at katatapos ko lang na pahiran ang aking  luha bago ko ito inabot at sinagot.

"Hello?"

Isang pagkasa ng baril ang aking narinig at tuloy tuloy na pagputok nito. Namutla ako tsaka napasinghap sa gulat. Nanginig ang aking labi at labis akong natakot. Isang sigaw ang aking narinig. Na estatwa ako at tila nawalan ng lakas.

"S-sino ba kayo?!" umiiyak na sambit ni Ate Lopi.

Isang pagputok na naman ang aking narinig bago sigaw ng ate ko. Napasigaw ako sa gulat at napahagulhol sa iyak.

"P-pakawalan niyo ang ate ko! Maawa kayo! Please, ako na lang." hikbi ko.

Humalakhak ang nasa kabilang linya bago ko narinig ang isang kagimbal gimbal na pagbabanta na ngayon ko lang narinig. "Bibigyan kita ng sampung araw. Ihatid mo ang Nanay mo sa dulo ng karagatan ng Harles. Doon sila ikakasal ni Boss. Kung hindi mo nagawa ang pinapagawa ko, walang Lopician na babalik sa buhay mo. Well, may babalik, wala nga lang buhay."

Humalakhak siya ng nakakatakot bago namatay ang tawag. Napaupo ako sa sahig. Namanhid ang buo kong katawan habang patuloy na umiiyak. Hawak hawak ko ang aking cellphone ng pumasok si Lola sa loob na may gulat na histura bago ako niyakap na sobrang nag aalala.

"A-anong gagawin ko 'la? Ayokong ipahamak si Ate Lopi pero ayoko ring pakasalan ni Mama si Mr. Hangruela. Lola, natatakot po ako." hagulhol ko sa kanyang bisig.

"Sssh hija, walang mawawala sa'yo o sa pamilyang ito." pag aalo niya sa akin. "Tawagan mo ngayon din ang iyong mga magulang para makapaghanda tayo."

"P-pero nasa hospital po si Papa. Ayoko pong dagdagan ang karamdaman niya."

"Hija, ako muna ang luluwas ngayon at kakausapin sila. May maiiwan dito na titingin sayo at 'yun ay ang mga tauhan ng kuya mo. Tatawag agad ako sayo kapag naka usap ko na sila." aniyang nagpatigil sa akin. "Si Lopi ba ang hawak nila?"

"O-opo."

"Lahat kayo ay may tracking device sa inyong papulsuhan. Nilagay ito ng mga magulang niyo noong sanggol palang kayo. Hindi ito basta basta nakikita pero may teknolohiyang makakakita dito. Lahat ng ito ginawa ng magulang niyo para malaman kung nasaan kayo at malaman na ligtas kayo. Hangga't nasa inyo iyan ay mahahanap at mahahanap namin kayo."

Gulat akong napatingin sa kanya. "P-paano niyo po nalaman ang lahat ng ito? At hindi po ako makakapayag na lumuwas kayong mag isa-"

"No need to worry about me child. Magtiwala ka sa pamilya mo at lahat ng ito ay matatapos din. Kaya mag ingat ka dito ha?"

Tumango ako. "Mag iingat po kayo. Kahit labag man sa loob ko na payagan kayo, mukhang hindi po kayo papapigil e,"

Hinalikan niya ang aking buhok. "May maghahatid sa akin doon at habang wala ako. Huwag kang magpapasok ng kung sino sino dito sa bahay lalo na at maraming galamay ang lalaking iyon."

"I love you 'La." sabay yakap ko sa kanya ng aalis na siya.

She smiled at me warmly. "Mahal na mahal ko kayo mga apo ko. Lagi niyong tatandaan iyan."

Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Lalo na at kinakabahan talaga ako sa pag alis ni Lola. Habang naghihintay ng tawag ni lola ay nakipag chikahan ako kila Violet at Lylac.

"Ayos ka lang ba talaga? Nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka tumawag agad?" sabay na tanong nilang dalawa.

Kakatapos ko lang ibahagi sa kanila ang lahat ng nangyari kanina lamang at heto puno ng pag aalala ang kanilang boses. Palipat lipat ako ng channel ng walang magustuhan na panood. Nakahiga na lamang ako habang nasa Viva TV channel ako at nakikinig ng OPM hits.

"Ayos lang ako. Dito muna ako sa Harles pansamantala habang wala pa akong balita sa lakad ni lola. Baka bukas ay ako naman ang luluwas paManila at kakausapin ko na sila mama."

"Support ka namin diyan. Sana talaga tumigil na si Mr. Hangruela at dahil sa pag kidnap niya sa Ate mo, that's below the belt already." ani Violet.

"Tama. Kaya dapat agad na matapos na ito. Natatakot for Ate Lopi."

"Kami na ang bahalang magpaliwanag sa mga proff kung bakit matatagalan ka sa pag balik dito sa school. We got you covered."

"Thank you." Napuno ang usapan namin ng tungkol sa pwedeng mangyari at sa dapat itigl na ni Mr. Hangruela ang binabalak niya. Alas tres ng madaling araw tsaka kami natigil sa chikahan. I bid my goodbye before ending the call.

Nakasanayan ko na ang pagtanggal ng bra kapag natutulog kaya naman tinanggal ko na ito at nahiga. Pinatay ko na rin ang Tv bago natulog.

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon