Ikatatlong pu't walong Pahina

161 2 0
                                    

Pabalik balik akong naglakad sa loob ng hospital room ni papa. Hindi ako mapakali. Dapat talaga hindi ako pumayag sa gusto ng mga kaibigan ko e, tuloy sobra akong kinakabahan ngayon. Kanina pa nga ako sinisita nina Lola ngunit kinakabahan talaga ako.

"Would you sit down? Jeez, your making me dizzy." irap sa akin ni Evelena.

I can't believe that this woman is my sister. Napailing ako. Umupo ako sa pagitan nina mama at lola na ngayon ay kinakabahan din. Kaninang umaga pa kasi umalis sina Lylac at Violet. Gabi na wala pa rin sila. Ikakamatay ko ang pag aalala.

Napatalon ako sa gulat ng tumunog ang aking cellphone. Napatingin sa akin sina mama at lola pati na rin si Evelena.

"Sagutin mo anak at ng marinig namin." Utos ni mama.

Sinagot ko na at ni-loudspeaker. Iyak ni Ate Lopi ang aming narinig. "M-maawa na po kayo! Pakawalan niyo na po ako-" isang lagapak ang aming narinig kaya napasigaw ako.

"Tama na! Maawa kayo! Huwag niyong sasaktan ang kapatid ko!" hikbi ko.

Isang tawa ang aming narinig. Si King. "Ano? Baka naman mas pwede mong bilisan ang pagbigay sa akin ng aking bride. Naiinip na ako Naña. Gusto mo pa bang makitang humihinga ang iyong kapatid?"

"Hayop ka!" nanggagaliiti kong sambit. Mas lalo siyang humalakhak. "You have six more days or else walang Lopician na babalik sa inyo." tumigil muna siya saka, "ayy oo meron, yung nga lang patay na. Ta-ta!"

Magsasalita na sana si mama pero namatay na ang tawag. Humagulhol si mama at tinahan siya ni lola. Napakuyom ako ang aking palad sa sobrang galit.

"What are we going to do now? We know where she is, can't we just rescue her?" nanghihinang sambit ni Evelena.

Umiling ako. "Hindi tayo pwede na lang bastang umatake baka may gawin siyang masama kay Ate Lopi."

Natahimik kaming lahat. Ilang oras ang nakalipas ng may maingay kaming naririnig na papalapit. Naalarma ako. Boses iyon ng aking mga kaibigan! Bumukas ang pintuan at nakangiting mukha nina Lylac at Violet ang sumalubong sa amin.

"Thank goodness your alright!" niyakap ko silang pareho. "Si Kuya?"

Natahimik sila kaya agad akong kinabahan. Hanggang sa sumigaw sila, "presenting! Your brother!"

Sumungaw roon si Kuya na may naiiling sa ginawa ng aking kaibigan. "Kuya!" sigaw ko and because I was overwhelmed I hug him which cause him to groaned.

"A-ano... bakit kuya?" doon ko lang napansin na puno ng pasa ang kanyang mukha at ilang galos sa kanyang papulsuhan. Agad na lumapit si mama at niyakap si Ephraim.

"Anak! Jusko akala ko 'di na kita makikitang muli!" hinawakan ng sobrang higpit ni mama ang kamay ni Kuya. Napangiti ako. Hindi rin nagtagal ay nagpatawag kami ng nurse na gagamot kay kuya. Mukhang alam ko na kung  sino ang may gawa nito. 

"Wala rin akong nagawa dahil marami ang tauhan ni Mr. Hangruela." sambit ni kuya. "pero ipinapangako ko na makakaligtas si Lopi."

"Anong balak mong gawin?" tanong ni Lola.

"Bukas ng gabi, Naña, tumawag ka ng mga pulis at sabihin na pumunta sa tree house na pag mamay ari ni King. Magiging distraction ito para makapasok ako sa loob. Naroon si Jeric bilang spy ko. Siya na ang bahala kay Lopi na ilabas sa tree house at kukunin ko siya."

"Ikaw ang pupunta? Delikado Ephraim, baka mapahamak ka." nag aalalang sambit ni Mama.

Ngumiti ng malumanay si Kuya na siyang nagpakaba sa akin. Kaba para sa mga mangyayari bukas. At kaba para sa kanilang dalawa ni Ate Lopi.

"Huwag kang mag alala Ma," iyan lang ang nasabi ni Kuya.

Nag usap si Mama at kuya kaya naman ay nagpunta kaming canteen nitong hospital. Mag aalas dies na rin ng gabi at sigurado akong hinahanap na ako ni Prince. Sana huwag siyang pumunta dito kundi makikita siya nila Mama.

"Nasaan nga pala si Prince? Bakit ikaw lang ang nandito?" usisa nilang dalawa kaya ayun, kinuwento ko ang buong nangyari.

Ngunit isa lang ata ang kanilang narinig sa buong sinabi ko. "Your... not... a virgin anymore! Omgee!"

Tinakpan ko ang bibig ni Violet. Namula ng husto ang aking mukha. I'm not ashamed that his my first. I don't regret any of it. Besides, I feel loved everytime he do me. Shit. Mas lalo akong namula. Ano ba iyan!

"Tumahimik ka nga! Tsaka ba't ba iyan ang tanong mo agad?" inirapan ko siya.

"Well, girl, nagulat lang kami noh," tawa ni Lylac.

Nagkwento rin sila sa kung paano sila nakalaya sa mansion. Todo ang tawa ko ng marinig ang ginawa ni Lylac. "Ginawa mo yun? Sa Kuya ko? Ewww!"

Natawa kaming lahat. "But seriously thank you talaga-"

"As we said to you brother my kapalit ito."

Napataas ako ng kilay. "Ano naman?"

Humagikhik silang pareho. "Outing nating tatlo pagkatapos ng graduation sa July!"

Napailing na lamang ako. Nang matapos kaming kumain ay nagpakita si Kuya at sinabing umuwi na raw ang aking mga kaibigan. Ihahatid sila ng driver at gabi na rin daw kasi. Isang malaking pasasalamat talaga dahil sa ginawa nila kaya't nandito si Kuya.

Naupo si Kuya sa aking harapan na may seryosog mukha. "Bakit?"

He sighed. "Did you know that Prince know already that we're siblings?"

Namilog ang aking mga mata sa gulat. "A-alam niya?"

Napatango siya kaya ako nanghina. "Kaya ka niya nilalapitan dahil pakiramdaman niya ay inaagawan ko siya. He promised to me that one day he will get something from me and that he'll make my life like hell the way I did to him. Sinubukan ko siyang pigilan dahil labas ka sa away namin ngunit nagmatigas siya. Binalaan kita noon kaya sana ngayon ay naiiintindihan mo na kung bakit ayaw ko siyang boyfriend mo."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Damn. Ang sakit naman ng ginawa mo Prince. Hinawakan ni Kuya ang aking kamay.

"Pasensya na at hindi kita nabalaan agad. Akala ko lang talaga ay biro lang niyo iyon para makaganti sa akin pero nagkamali ako. Ayaw kong masaktan ka dahil sa aking mga kasalanan sa kanya. Kaya ko ito sinasabi para lumayo ka na sa kanya. I'll protect our family and I will not let that family ruin us."

Hindi ako makapagsalita. Namanhid ang buo kong katawan. Nilakasan ko ang aking loob para makumpirma kung kailan niya nalaman.

"K-kailan pa niya alam?"

He eyed me sadly, "The day he ask you to be his girlfriend."

Doon na talaga ako humagulhol. Tangina Prince. Mahal kita e bakit mo ako nagawang paglaruan?

A/N: Abangan ang malapit na pagtatapos ng Beside You. 😉

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon