"May I help you?" tanong kong muli. Siya kasi iyong lalaki na ang lakas ng trip at nanghihingi ng asin noon.
Sayang, may hitsura pa naman sana siya e.
Ngumisi siya. "Pahingi naman ako ng paminta,"
Tangna. Sinarado ko na ang pintuan. Seryoso ba siya? Hindi ba siya makabili sa ibaba? Ang lapit lang ng tindahan e, badtrip.
"Hello ate?" sagot ko habang kumakain ng baked mac ko.
"Maayos ka ba dyan? Wala na bang ungol ang dumedisturbo sayo?" halakhak niya.
"Jeez, wala na nga. Napalitan naman ng lalaking mukhang baliw,"
Nakakunot ang aking noo dahil sa aking sinabi.
"Mukhang baliw?" aniya napapaisip din. "Wala namang ganyan nung ako pa ang naninirahan dyan ah?"
"Ah basta ate, ang lakas ng trip niya. Sayang nga e kasi may hitsura siya."
"Naiinis ka ba talaga o kinikilig ka?" she taunted.
I rolled my eyes. "I am still young dear sister,"
"Hindi rason kung ilang taon ka iibig dahil kung natamaan ka, wala ka ng magagawa."
Wait...
"Are you inlove?"
"Silly no," she laughed. "Basta tawagan mo agad ako kung may ginawa siyang kakaiba,"
"Don't he dare. At baka mag meet sila ng kamao ko," halakhak ko.
You see, I meet my sister when I was ten. Hindi ko pa agad nakuha ang ibig sabihin nung half sister pero tinanggap ko siya. Gusto ko kasi ng ate at hindi naman ako ganoon kadrama sa buhay para hindi siya tanggapin. We both love each and until now hindi ko pa nababayaran ang lahat ng kabaitan niya sa akin.
"Morning panget," kalalapag ko lang ng bag ko sa aking lamesa.
"Morning, ang aga mo ata?"
Bihira lang kasi na maagang pumasok si Violet. Nagkibit balikat siya saka uminom ng kape niya. Maya maya rin ay dumating si Lylac. Nagsabi na ng task si Ma'am Florencia kaya naman ay naging busy na kami.
Sa lunch na pababa kami ay nakarinig kami ng mga bulungan.
"Andito siya?" namimilog na tanong noong babae na nay name tag na Charece.
"Oo, kaya nga todo ang ayos ko ngayong araw e," si Gerly naman ang sumagot.
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Sinong pinag uusapan nila? Kinulbit ako ni Violet at Lylac at nginuso ang entrance.
There's a man walking in a three piece black suit. His hair is properly fix. Seryoso siyang nakatingin sa harapan. Everybody bow a little then said their greetings. Must be the boss?
He is well built, with broad shoulders, tan skin and have the aura of power. May apat na lalaki sa kanyang likod na mukhang bodyguard niya.
"Siya ba ang boss? Gosh, ang gwapo niya inday!" kinikilig na bulong ni Lylac sa tabi ko.
"Mr. Ephraim, nice to have you this afternoon," ngumiti at nakipag kamay ang matandang sumalubong sa kanya.
The so-called-Mr. Ephraim- smiled. "Drop the 'Mr.' Herman, just call me by my name."
Natulala ako saglit. He looks so soft but intimidating. Naglakad sila hanggang sa nawala sila sa aming paningin. His I mean, handsome pero bakit pakiramdam ko parang may kakaiba sa kanya?
"Single pa kaya siya?" tanong muli ni Lylac.
"Sa mga mayayaman at may hitsurang ganun, malabo na single sila friend." subo ni Violet sa kanyang fries.
Lylac just rolled her eyes then pout.
"Sa tingin niyo siya talaga ang may ari nito?" basag sa katahimikan ni Lylac.
"Mr. Ephraim is the son of the CEO of this company. If his father will retire then he will be," boses galing sa likuran ko.
Napalingon ako at nakitang naroon si Ms. Receptionist. Naupo siya sa tabi ko. Tinignan niya kami.
"Ilang taon na ba siya?" tanong ni Lylac.
"Nineteen siya noong makapasok dito at ngayong twenty na siya ay may chance na siya talaga ang pumalit sa dating CEO. Well, ganun naman talaga kapag mayaman." kwento niya.
"Ang bata pa niya!" hindi ko mapigilang sabihin. Napangisi si Ms. Receptionist tsaka nalungkot ang kanyang mga mata.
"The thing is I'm doubting that he is truly the son of Mr. Hangruela." deklara niya na siyang nagpagulat sa amin ng labis.
"What? Why?"
"They... don't look like each other. Nakita ko na rin ang mukha ng asawa ni Mr. Hangruela pero kahit saang anggulo ko tignang mabuti ay 'di naman talaga sila magkamukha. Believe me, ilang taon na ako rito at masama talaga ang kutob ko kung anong meron." hininaan niya ang kanyang boses at luminga.
"Diba may ganun talaga? Na minsan 'di mo talaga makukuha ang genes ng parents mo?" naguguluhang tanong ni Violet.
Umiling naman si Ms. Receptionist.
"May party sa darating na sabado. Kayo na ang humusga kung papaniwalaan niyo ako o hindi."
Nag stop by muna ako sa 7/11 para magkape. I feel so bothered because of what Azelle had said a while ago. Something really is odd in that company.
Pinaandar ko na ang aking motor saka tinahak ang daan pauwi na dala ang maraming tanong. Pero ano nga bang effect ng sagot sa akin? Why am I being so curios all of a sudden? I don't even know them.
Nagpalit na ako ng damit pantulog. Sabado. Party. Bumuntong hininga ako tsaka nagpagulong gulong sa aking kama. Sabi ni HR kailangan lahat daw ay umattend kahit na student lang kami at nag oojt doon, included na daw na part na kami ng company.
Bukas ko pa makukuha ang aking dress dahil ang ate ko na ang bahala roon. Ang pagkakaalam niya tungkol sa party ay hindi ko alam. Minsan creepy ni ate kasi may mga bagay na nalalaman siya na hindi ko alam kung paano niya nalalaman. It's like we only know about it yesterday but to her, she knows it the day before yesterday.
That's how creepy she is.
Tumayo ako ng makarinig ng katok. Baka si Ate yan. Nakangiti kong binuksan ang pintuan pero laking gulat ko na ibang tao ang nakita ko.
"Ano na naman bang kailangan mo?" asik ko.
Oh for the love of God, ano ba ang trip ng lalaking ito at lagi na lang siyang nagdo doorbell ng ganitong oras? And specifically asking for condiments?
"Grabe ka naman," halakhak niya. I made a face kaya tumikhim siya. "Hihingi lang sana ako ng luya-"
BLAG!
Sinarado ko ng pagkalakas lakas ang pintuan tsaka naiinis na binagsak ang sarili sa kama. Ano ba talagang problema ng lalaking iyon?
Ugh! Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
أدب المراهقين#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...