Ika pitong Pahina

207 2 0
                                    

May nakahandang almusal sa ibaba kaya naman ay kumain na ako. Sa gitna ng pagkain ko ay tumawag si Prince.

"Good morning birthday girl!" bati niya. Mukhang kakagising niya lang. Alas otso na ah?

"Good morning and thank you uli." sagot ko.

I can hear his sexy chuckle. Damnit. Bakit kahit na wala siya rito ay nakikita ko pa rin ang kanyang mukha habang nag uusap kami sa cellphone.

"What are you doing?" tanong niya.

"Katatapos ko lang kumain. Tsaka hinahanap ko sina Lola, wala kasi sila dito e,"

"Maybe they are sleeping still?" aniya pero parang may kakaiba sa pagkasabi niya.

"Wala na sila sa kwarto e, teka kumain ka na ba? Mukhang kagigising mo lang ah?"

"Yeah I just woke up. Opo ito na kakain na. Napaka maalagain mo naman." humalakhak siya then I heard some ruffling in his background.

"Well, ganito ako sa lahat ng kaibigan ko." natatawa ko namang sagot. Naglakad ako palabas at talagang wala sila Lola roon. Nasaan ba ang mga iyon?

"Sino palang mga kasama niyo sa celebration?" tanong niya bigla.

"Mga kaibigan ko, ate ko tsaka si Lola. Wala kasi dito ang mga kaibigan kong iba kaya ayun, pero ayos na rin ito."

"No one special?"

"They are all special to me. That's why nandito sila sa birthday ko." sagot ko habang sinisilip ang bawat sulok ng lugar at baka makita sina Lola.

"Am I special then?" seryoso niyang sambit.

Napataas ang kilay ko. Sinipa ko ang bato sa daanan ko tsaka tinanaw ko ang karagatan.

"Why? Your not even here." humalakhak ako.

"Turn around then."



"I think I'm fallin', fallin' in love with you

And I don't, I don't know what to do

I'm afraid you'll turn away... 🎶

I slowly turned around. Tumigil ang aking mundo ng makita siyang naroon. Seryoso ang kanyang mga na nakatingin sa akin. Nakabulsa ang kanyang isang kamay sa bulsa at ang isa ay nasa kanyang cellphone.

"But I'll say it anyway

I think I'm fallin' for you

I'm fallin' for you ... 🎶

Nakasuot siya ng bulaklakin na polo at brown na tokong. Inayos kong mabuti ang aking buhok na nilipad ng hangin. Naglakad na siya palapit sa akin at nakikita ko naman ang nagsisimulang lumapad ang kanyang ngisi.

I rolled my eyes at binaba ang cellphone.

"Why are you here?" ang unang tanong na pumasok na isip ko.

Ngumiti siya. "Syempre hindi ako papahuli na maging isang someone special mo."

Natawa na ako. "Tara, ipasyal mo ako." tuwang tuwa niyang sabi at hinila ako.

"Teka teka... sina Lola-"

"Ano ka ba, nandyan lang siguro sila sa tabi tabi. Halika na at ipapasyal mo pa ako." putol niya sa sasabihin ko.

Napailing na lamang ako. Naglibot libot kami at halos matawa ako dahil para bang naging bata siya ng makita ang ganda ng lugar.

Matatayog na puno ng niyog. Ang mga hayop sa paligid at ang puno ng mangga. Dito na ako lumaki, simula noong iniwan ako ng mga magulang ko ay ito na ang tinuring kong tahanan.

Ang bayan ng Harles ang siyang simula ng buhay ko noon. Nakakatuwa dahil ngayon hindi na ako nalulungkot sa tuwing bumabalik ako sa lugar na ito. Sa gabing iyon na iniwan nila ako dito, makulimlim ang kalangitan at mukhang bubuhos na ang ulan.

Nakatingala ako sa kalangitan na puno ng bituin. Ayokong kausapin kahit sino sa kanila dahil pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak. Magulang ko nga ay nagawa akong iwan, ito pa kayang ngayon ko lang masisilayan na tao. Ngunit nagkamali ako. Dahil simula ng kupkupin nila ako naging maayos na ang buhay ko.

I would never forget that day.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah?" tanong niya.

Nasa lilim kami ng puno ng mangga at nagpapahinga. Maaliwalas ang kalangitan at masarap sa balat ang hangin. This place never change. It will always be my home.

"Hindi naman," ngiti ko. "Nagugutom ka na ba? Kain muna tayo."

Tumango siya. "Sa mumurahin lang ha? Short ako ngayon e," halakhak niya tsaka namula ang tenga.

I tap his shoulder and smile. "Don't worry sagot ko 'to since birthday ko naman. Pero syempre darating ang araw na sisingilin kita kaya ihanda mo na ang pera mo!"

We both laughed. Nag salute pa nga siya e, "Yes Ma'am."

Napailing ako sa sobrang carefree niya. I've never seen this side of him. Para bang wala siyang paki alam sa paligid and he is almost showing the true him. And I liked it. Siguro napalapit ako sa kanya dahil pareho kaming inabanduna ng magulang namin at ten din siya noon gaya ko. Alam ko ang pakiramdam nun. Alam na alam ko.

Nasa isang kubo kami habang tanaw ang papalubog na araw. Kulay kahel na ang kalangitan at ang ganda nitong tignan. Ang tanging tunog lang na maririnig ay ang paghampas ng alon at ang pagdampi nito sa buhangin.

"Naña?" tawag niya. I hummed a response but I didn't look at him. I was really mesmerizing by the sun kissing the ocean.

"Can you forgive someone who choose to let you go for someone else?"

Napakurap ako sa kanyang tanong. Tila nasaksak ang aking puso sa aking narinig. Ramdam ko ang hinanakit sa kanyang tanong. Alam kong may pinagdadanan siya simula ng marinig ko ang pag uusap nila ni Mr. Ephraim noong una.

I know there's a grudge between them. I know there's a fight between them. I don't what it is but I know it is so deep that made Prince stuck in the shadow's of pain and anger. I may not know the story behind it but I am willing to help him because he is after all my friend.

Natatakot ko siyang tignan kaya naman ay hindi ko siya nilingon. Alam ko ang dapat isagot ngunit alam kong sa sarili ko 'yan din ang tanong na gusto kong masagot.

"I don't know." 'yan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya na sagot.

Hindi ako pwedeng magbigay ng sagot lalo na kung sa sarili ko hindi ko magawang magpatawad. Sa loob ng puso ko ay nababalot ng lungkot, galit at sakit. Lahat ng emosyon na hindi ko nailalabas dahil alam kong kahit na anong gawin ko, sila lang ang makakasagot sa mga katanungan ko.

I will forgive but certainly not this time. Not without any reason. I will forgive but I must learn first to accept it.


Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon