Ika labing walong Pahina

173 1 0
                                    

"Pwede naman akong lumiban muna sa trabaho para alagaan ka." ilang beses ng linya ni Prince.

Pangalawang araw ko na itong hindi pumapasok sa companya at nasabi ko na rin kina Lylac at Violet pati na kay Maam Florencia. Mamaya rin kasi ay papasok na ako kaya naman ay hindi na kailangan pa na umabsent ni Prince.

Inalagaan ako ni Prince sa mga oras na kailangan ko ng makakasama at makakausap. He even learned to cook poridge for me. Kasi feel na feel niya daw na maging nurse ko. Though, kahit na nagtataka siya dahil sa pag iyak ko ay hindi niya ako pinilit na magkwento.

Atleast nakapagpahinga ako ng dalawang araw. Prince is very kind and very energetic. May pagka makulit din siya kaya minsan ay hindi ko maiwasan na matawa dahil sa ka cornyhan niya.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" ngisi niya.

I rolled my eyes and smirk a little. "The question is, nanliligaw ka ba?"

Agad na nanlaki ang kanyang mata at biglang tumayo. Nagtaas baba ang kanyang dibdib na sobrang ikinatawa ko. Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. I tried to surpress my laugh but couldn't.

"Wow!" hindi makapaniwalang sabi niya. "Naña, lagi akong nagpapadeliver ng food sayo, flowers with sweet messages on it at ngayon I am willing to learn how to cook just for you tapos sa lagay na 'to hindi pa ba ako nanliligaw sayo?"

Humagalpak ako ng tawa na siyang ikinakunot ng noo niya. Hayyy nagtatampo na ang prinsipe niyo. Nagpout siya kaya mas lalo akong natawa pero tumigil na ako ng makitang nagtatampo na talaga siya.

"Hindi ko pa naman kasi naririnig ang tanong mo kaya paano ba 'yan?" I teased. "Aalis na ako ha?" bulong ko sa tenga niya.

Agad na napalitan ang kanyang pagtatampong mukha ng naliliwanagan kaya mabilis na akong tumakbo palayo sa kanya. Baka malate pa ako e.

"Naña!" sigaw niya pero sumarado na ang elevator.

I sighed then silently shook my head. May kailangan pa akong harapin bago ko maharap muli si Prince at mukhang ngayon na ito mangyayari. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking bag bago bumaba ng motor ko.

Quarter to eight na kaya naman ay nagpapasalamat ako at hindi ako late. Pagkaupo ko pa lamang ay naglagay na agad si Maam Florencia ng mga gagawin ko.

"Kapalit iyan ng pag absent mo. Kailangan yan ng Marketing department kaya before lunch nasa table na iyan sa conference roon okay?"

Tumango ako. Nagsimula na ako sa pag cocompile at pag aayos para mailagay na rin sa table. Nadatnan ko sina Lylac at Violet na nakatingin sa papel na nasa lamesa ko. Ngumiti ako.

"Good morning." bati ko.

Ngumiti silang dalawa. "Aga mo girl ah? Maayos ka na ba?"

"Oo, pasensya na ha?"

"Ayos lang ano ka ba!" si Violet. "Pero bakit ang dami naman ata ng papel na iyan?"

"Kaya ko na 'to. Kailangan daw ito mamaya sa meeting e,"

Magsasalita pa sana sila ng dumating si Maam Florencia at nagbigay din ng trabaho sa kanila. Tinignan nila ako kaya napataas ako ng kilay.

"You have a lot of ikukwento sa amin." anila.

Napailing ako saka napangiti ng palihim na puno ng pait. Babalik na naman ako sa aking pangit na nakaraan. Lumipas ang oras at kakatapos ko lang maiayos sa lamesa ang mga papel.

Lunch na pala. Sa buong lunch time namin ay nagkwento ako sa kanila. Lalo na kay Evelena na sinasabi ni Mama na kapatid ko sa ama at first love naman ni Prince.

Wala namang kaso iyon sa akin lahat. Darating din naman sa point na makukuha ko na ang mga sagot sa aking mga tanong.

"Ngayong sinabi mo na iyan sa kanya, sa tingin mo may balak na siyang magtanong?" mahina pero bothered na sabi ni Lylac.

Napalunok ako. "Ang importante sa akin ay ang ngayon. Kung siya man ang first love wala akong magagawa roon at importante ay ako ang gusto ni Prince."

"Paano naman kung may mangyari at mainvole si Evelena?"

Napaisip ako sandali bago nag angat ng tingin. Napag isipan ko rin na kahit anong gawin ko wala akong magagawa kung una niyang nakilala si Evelena at naging first love niya ito. Ang mahalaga sa ngayon ay kung anong meron sa aming dalawa.

"Hindi ko alam pero kung darating man iyan, siguro alam ko na rin ang gagawin." pag amin ko.

What did I miss when Mama left me? Bakit ako nagkaroon ng kapatid? Pero totoo bang kapatid ko siya? Paano? Nasaan si Papa?

Nag overtime din ako para mapunan ko ang dalawang araw na absent ako. Natapos ko ang lahat ng kailangan kong gawin bandang alaw diyes na ng gabi. Grabe ang tagal ko pala na nandito?

Minasahe ko muna ang aking batok bago nag ayos ng sarili at makaalis na din. Halos wala ng tao ang narito sa opisina. Agad akong sumakay sa aking motor at umalis na. Kumain na muna ako sa malapit na kainan sa condo ng ate ko.

Napatingin ako sa aking cellphone at nakitang may tawag at text pala si Prince. Lagot. Bahala nga siya, nandito na rin naman ako e. Nagbayad na ako tsaka umalis.

Nagdilim ang aking paningin ng makita kung sino ang nasa sofa ng guest area ng condominium. Naroon ang isang figure ng lalaki at si Evelena na ngayon ay napaka talim ng tingin.

"A-anak pakingaan mo muna ako."

Nagtiim bagang ako bago nag iwas ng tingin kay Evelena at bumaling kay Mama. Nangilid ang kanyang luha pero sa ngayon nabalot na ng galit ang aking puso.

"Umalis ka na." mariin kong sabi.

Napaingus naman sa inis si Evelena at tumayo. Sino iyong lalaking katabi niya?

"Mommy, I told you. Hindi mo na kailangan balikan ang sisira sa atin."

I clenched my jaw. "Evelena, huwag kang magsalita ng ganyan. Magkapatid kayo."

"Magkapatid pala tayo?" sabi noong lalaking ngayon ay tumayo na at humarap sa amin.

Sadyang nanlaki ang aking mga mata kung sino ito. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Halos malagutan ako ng hininga bago masabi ang kanyang pangalan.


"Mr. Ephraim."





Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon