Ika labindalawang Pahina

196 2 0
                                    


Tahimik lang siyang kumain kaya kinabahan ako. Feeling ko kasi binusted ko siya? Eeehhh 'di naman niya sinabing manliligaw siya diba? Oh gosh ano ba 'tong iniisip ko!


Shit. Sina Lylac at Violet pala nakalimutan ko. Simula noong sinabi ko iyon kanina tahimik na siyang naupo at kumain ng niluto ko.


"Uhm aalis na ako. Matulog ka kaagad-"


"Para sayo hanggang kaibigan lang pero lagi mong iisipin na gusto kita sobra pa sa pagiging kaibigan lang."


Napalunok ako sa lalim ng titig niya sa akin. Wala akong karanasan sa mga bagay na ganito pero sapat na ang nakita kong pagmamahalan nina mama at papa para malaman ko. Hindi nga lang lahat.



"Prince..." isa siyang Hangruela at ayokong pumasok sa buhay niya.



Hindi pa ako sigurado kung siya iyong tunay na anak pero malaki ang posibilidad dahil lagi siyang kinakausap ni Ephraim na bumalik. Maaari ko naman siyan magustuhan pero sa ngayon... hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay.



"Liligawan kita. Hayaan mong maipakita ko sayo na seryoso ako sayo."



"Prince!" suway ko.



Binaba niya ang kutsara't tinidor niya bago binigay sa akin ang lahat ng atensyon niya.



"Prince naman." pagmamakaawa ko.


Mas lumalim ang titig niya sa akin kung kaya't hindi ko maiwasan na kabahan. Ito ang mata ni Mrs. Hangruela. Kahugis niya ng mukha si Mr. Hangruela at alam kong nakuha niya ang pagiging intimidating sa 'papa' niya.



"Naña, just let me. Hindi ko naman sinasabing suklian mo agad ang nararamdaman ko gusto ko lang mapatunayan sayo na seryoso ako sayo at gustong gustong kita. Tagos hanggang buto. At ipinapangako ko na magiging akin ka."




Hindi ako nakatulog ng makabalik ako sa condo. Lagi kong naririnig ang sinabi niya. Hindi niya ako binabantaan ngunit pakiramdam ko ay minarkahan na niya ako. Tulog na ang dalawa ng makabalik ako kaya kahit papaano ay hindi ako tuluyang maguguluhan.



Kinaumagahan ay gising na ako at naghanda ng breakfast namin. Hindi ko alam pero bakit parang ang saya ng umaga ko na dapat ay kabahan ako. Dapat... dapat... ugh!




"Anong oras kang nakauwi? Mygosh inaantok na kami kagabi kakaintay sayo ah?!" hikab ni Violet.


"Ha? Sampung minuto lang naman ako sa labas ng pintuan ah?" pagmamaang maangan ko.



Napataas siya ng kilay. "Not buying it. Now come on spill the beans or else!"



Sumunod din si Lylac at agad na naupo sa upuan at kumuha ng toast bread. I guess wala akong takas sa kanila ngayon. Pero atleast nakapag isip naman ako kagabi.



"I guess that's it." tapos ko ng sabihin sa kanila ang lahat.




Napatingin ako sa kanila at nakitang nakaawang ang kanilang mga bibig at mukhang may ekspresyon silang what-the-hell-look.


"You just friendzone him!"

"Nababaliw ka na ba?"


Sabay nilang sigaw ng matauhan. Well, I expected this from them. I sighed habang tinitignan ang aking kape.


"Ayokong pumasok sa isang bagay na alam kong hindi ako nababagay." mahina kong sagot.

I heard them sighed. "Tungkol ba 'to sa pagiging mystery life niya?"


"Gusto ko muna ng mga kasagutan bago ang lahat. Ayokong may pagsisihan ako lalo na at wala akong karanasan sa ganitong bagay."


"Naiintindihan ka namin Naña, andito lang kami. Tama naman siguro ang sinabi mo na hanggang magkaibigan muna kayo para mas makilala niyo pa ang isa't isa."


"Pero paano iyan? E liligawan ka niya agad agad?"


"Honestly, hindi ko alam ang gagawin ko."



I used to be a person who always have back up plan at mukhang ngayon ako naubusan ng pwede kong gawin. Natapos ang breakfast at hayun, nilalandi nilang dalawa si Felipe.


Natawa ako habang hinahabol nila si Felipe pero ayaw nitong magpahawak. Ang kulit din kasi ni Felipe. It's a beautiful sunday morning at napagpasyahan namin na pumuntang park kasama si Felipe.


"Isang buwan na rin pala tayo sa Hangruela company 'no?"


Nakahiga kami sa bermuda grass at nakatanaw sa kalangitan habang nasa lilim kami ng isang puno. Tulog sa tabi ko si Felipe at mukhang napagod kakatakbo kanina.

"Isang buwan na lang din at babalik na tayo sa school. Mukhang mamimiss ko ang companyang iyon ah?"


Humalakhak kami. "Isang taon na lang at matatapos na tayo ng pag aaral. Anong balak niyo?"


"Ang sabi ni mudrabels ay tulungan ko siya sa cafe niya at gusto naman ni pudrabels na sa company naman nila ako. Baliw talaga ang mga iyon," si Violet.


"Magiging engineering ako sa small business nina Papa at Mama sa Dubai."


Ilang beses akong naiingit sa kanila dahil may mga magulang sila na gagabay sa kanila at aalalayan. Habang ako wala. May plano na ako at alam kong magagalit si ate sa akin dahil ilan beses niya akong pinigilan pero ito ang gusto ko.


"Tuloy ka pa rin ba Naña?"


Napalunok ako saka sila tinignan. "Oo."


Nakita ko ang lungkot sa kanilang mata kaya napangiti ako. Silang dalawa ang mamimiss ko ng sobra kapag aalis ako. Hinding hindi ko sila makakalimutan.


"Pero diba ayaw iyan ng ate mo?" mahinang sambit ni Violet.


Napangiti ako ng mapait. "Alam ko naman pero ito ang gusto kong gawin. Matagal ko na itong pangarap at sana suportahan niya ako."


Niyakap nila akong pareho. "Suportado ka namin. Basta kung saan ka masaya, masaya na rin kami para sa iyo."


Sa hapon ay hinatid na nila ako sa labas ng building ng condo ng ate ko saka sila nagpaalam para umuwi. Bibili pa kasi ako sa supermarket ng pagkain ni Felipe kaya dito na nila ako hinatid.


"Mag ingat kayong dalawa!" kumaway ako sa kanilang dalawa.



Maglalakad na sana ako ng may humawak sa baywang ko. Alam ko na kung sino ito. Inalis ko ang kamay niya doon saka matalim na tinignan.


"Namimihasa ka na ah?" sita ko.


Tumawa lamang siya. "Bakit? E sa namiss kita ngayong araw e,"


I rolled my eyes. "Bolero." bulong ko saka naglakad na papasok ng supermarket.


"Ang cute naman ng aso mo." aniya at tinap ang ulo ni Felipe.



Ngumiti ako. "Felipe meet Prince, Kaibigan ko. Prince meet my baby Felipe."


Nawala ang aking ngiti dahil sa sinabi niyang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.



"Sana sa susunod na kadugtong ng pangalan ko, baby na rin. Para meet Prince, my baby."





Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon