Nanlumo ako at tila hindi magalaw. Naiwan ako roon na tulala at hindi alam ang gagawin. I love my sister dearly lalo na at siya lang ang nandyan noong mga panahon na gusto ko ng mamatay. Nandoon siya noong kailangan ko ng makakasama't makaka usap. Sa dami ng pinagdaanan ko, si Ate Lopi lang talaga ang nandyan para patibayin ang aking loob.
Kaya maaari kong bitawan si Prince para lang sumaya si Ate Lopi.
Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng mga nagawa niya para sa akin? Pero gusto ko si Prince... masaya ako kapag kasama siya at pinaparamdam niya sa akin na tunay na akong dalaga. Masyado ba akong nadala sa aking emosyon noong araw na iyon kaya ko siya nasagot?
Napatalon ako dahil sa narinig ko ang doorbell. Baka si Prince na ito. Paano na iyan? Paano ko siya maihaharap kay Ate? Isa siyang Hangruela... Ang naging dahilan ng pagdurusa ko. Pero hindi naman siya ang may sala hindi ba? Kaya walang dapat na ipag alala si Ate.
Nakapag luto na ako at nakaayos na rin ang lamesa. Ngumiti ako tsaka pumuntang condo ni Prince. Isang beses akong kumatok tsaka pumasok. Hindi nakalock? Dahan dahan muna akong naglakad papasok bago siya tinawag.
“Prince? Nasaan ka?" sumilip ako sa kanan at kaliwa pero wala siya roon.
Sa kusina, sa sala o sa may terrace. Baka nasa kwarto niya? Natigilan ako ng may marinig ng boses sa loob. Natawa ako ng marinig ang mga sinasabi niya pero at the same time, kumirot ang aking puso.
"Uhm, I'm Prince Karlos. Boyfriend ng kapatid mo. Ugh! Lagyan ko kaya ng ate?" tumikhim siya. "Ate, ako po pala si Prince, boyfriend ng kapatid niyo-Ugh! Lintek na."
Pumasok na ako tsaka pumalakpak. Agad siyang napatingin sa akin saka napansin ko ang pagpula ng mukha niya. Mas lalo along natawa ng napaawang ang kanyang bibig. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kanyang kwelyo.
"Ang gusto ng ate ko ay isang lalaking may malinis na hangarin, masiyahin at may prinsipyo sa buhay." at ayaw niya ng isang Hangruela.
Napalunok ako. Tinignan ko siya sa kanyang magandang mga mata na may halong may sakit. Kaya ba kitang bitiwan kapag hiniling ni ate? Wala pa akong hindi nagawa sa mga nais ng ate ko. Lahat nagagawa ko dahil sa malaki ang utang na loob ko sa kanya. Prince, sana mapatawad mo ako.
"Isa kang Hangruela." my sister said that it almost scared the shit out of me.
Nanatiling tahimik si Prince at walang sinabi. Nasa harap kami ng hapag at kakasabi palang ni Prince ang buo niyang pangalan. May kutob na ako na isa siyang Hangruela pero ngayon tila hindi ko pa rin matanggap na nahulog ang loob ko sa pamilyang sumira sa amin.
"Yes, I am."
Pinagpawisan ako ng malamig ng marinig ang determinadong sagot niya. Can we just eat? Sinulyapan ako ni Ate pero umiwas ako ng tingin. Alam ko na kung anong gagawin niya.
"Sa kwarto ka muna Naña, may pag uusapan lang kami ng boyfriend mo." her voice dripped with so much venom that could kill any second. Napalunok ako saka tumayo na.
Hindi ko na kaya pang tignan si Prince kaya agad akong pumasok sa aking kwarto. Nanlamig ang buo kong katawan at tila nanginginig ang aking binti. Anong pag uusapan nila?
Napabalikwas ako ng imulat ko ang aking mga mata. Halos mapamura ako ng makitang gabi na. How long was I out? Kumaripas ako ng takbo palabas. Walang boses na nagsasalita kaya baka wala na rin sila roon. Natigilan ako ng makita si Ate Lopi na nasa terrace at tanaw ang city lights sa labas habang may hawak na kopita ng alak.
Dahan dahan akong naglakad roon. "Malakas din ang loob niya na ipaglaban ka. Ano kayang gagawin niya kung malaman niya na siya at pamilya niya ang sumira sa maganda mong buhay?" hinarap niya ako. "I wonder how far his bravery can hold."
Naguguluhan ako. Tumabi ako sa kanya at tinignan din ang city lights. "A-anong sinabi mo sa kanya? Nagising na lang ako na gabi na. Anong oras siya umalis?"
She sipped on her drink. "Naña, your happiness is my number one priority pero kung galing sa kanya, hindi ko ata matatanggap. Gusto kitang pagbigyan sa pagmamahalan niyo pero mukhang hindi ko kaya. Knowing that his family might be the reason again for your sorrow."
"Ate..." kinakabahan kong sambit.
"Ang daming bituin ano?" she glanced at me with a soft smile. "Bakit kasi yung nagustuhan mo ay ang araw. Pwede namang yung may simpleng pamilya at hindi naging konektado sa dahilan ng pagluha mo noon. Nakakasilaw, mainit, at ang nag iisang bituin na napakalaki. At .... siya rin ang nag iisang anak ng Hangruela."
Nagulat ako. "P-paanong..."
"Alam ko at kilala ko ang mga Hangruela. Si Mr. Ephraim ay isang ampon habang black sheep naman si Prince sa kanila. Nakilala ko si Prince noong birthday mo. Nagduda na ako noon at nakumpirma ko ito. Akala ko ay hindi mo siya magugustuhan kaya hinayaan kong magkakilala na kayo pero nagulat na lamang ako na karelasyon mo pala siya. Ngayon ko lang din itong nalaman. Kaibigan ko ang pinsan niya. Si Eleazar. Ang magpipinsan na iyan ay sakit sa ulo. Kaya ayokong ma involve ka sa mga Hangruela. Konti lang ang alam ko pero sapat na para masabi kong layuan mo siya."
Napayuko ako at tila may nakabara sa aking lalamunan at pinipigilan akong magsalita. I love my sister dearly but I like Prince. This is my first time to feel this kind of romantic feeling. Can I really sacrifice?
"Ate..."
"But I won't ask you to do it." she glance at me with a soft smile but I know she's only doing this for my happiness. "Naña, I will never stop you for doing things that makes you happy. I won't be the wall to have your taste of romantic happiness but someday I will also be the one claiming it back. One wrong step of that Hangruela, even if you hate me to death I will do anything para magkalayo kayong dalawa. Mark my words."
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Dla nastolatków#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...