"Hindi ka na ba nadadala? Sinabi ko na sayong layuan mo si Naña!" sigaw sa akin ni Ephraim. Galit ko siyang tinitigan."Sino ka para sabihan ako ng ganyan ha?!" singhal ko.
"Maawa ka sa kapatid ko. Wala siyang kinalaman sa mga ito-"
"Edi mas maganda! Ito na ang pagkakataon ko para makaganti ako sayo! Sa lahat ng pang aagaw na ginawa mo sa akin! Sa atensyon ng magulang ko at sa pagiging Hangruela mo! Naniningil lang ako-"
"Putangina naman Arlo!" he frustratedly sighed.
Narito kami sa labas ng condo building. Kahapon ko lang din nalaman na magkapatid sila ng sabihin kong gusto ko siyang maging girlfriend. It wasn't in the plan first kaya kailangan kong magpaliwanag kay Naña bago pa ako maunahan nitong gagong 'to.
"I am protecting your life! Kaya pwede ba layuan mo na si Naña-"
"For the last time, who are you to tell me what to do ha?!" nanlilisik pareho ang aming mata at konting konti na lang ay magsusuntukan na kami. Pero hindi pwede baka mahalata ni Naña.
"Umalis ka na kung wala ka ng sasabihin." talikod ko sa kanya.
"Prince, both of your life here is at stake so please. Do this for Naña or for yourself even. Ayoko lang siyang masaktan." his voice was so soft that I hardly heard him and almost give in. "I am asking you for a favor Prince bilang tao. Kahit na kinamumuhian mo ako pero sana huwag mong ipahamak si Naña. Please,"
Halos hindi ako makatulog dahil sa mga nasabi niya. Para bang takot na takot siya. Both of our life is at stake? He was protecting me? For what? For whom? Wala akong ibang alam na pinagkakautangan ko kaya bakit niya ako poprotektahan?
I took a morning jog early in the morning. I remember what happened yesterday morning when I realized that she's just waiting for me to ask her to be my girlfriend. Kaya naman ay todo effort ako sa park para mai surprise ko siya at sagutin na niya ako!
Para akong bata na tuwang tuwa habang inaayos ko ang lahat ng dekorasyon. "Kayo talagang mga kabataan oo, ang sweet kapag ganitong nagtatanong na. Pero sana hijo ay alagaan mo ang babaeng sasagot sayo ha?"
Ngumiti ako. "Oo naman po! Iyon ay kung sasagutin po ako." Nagtawanan kami. Ang iba pa nga ay napapatingin sa mga pinag gagawa namin. But I was too happy to care.
Nagtext ako sa kanya na hihintayin ko siya rito. Nagtaka ako kung bakit wala siyang reply. Nagkibit balikat ako at baka busy siya. Pero ng sumapit ang nine at wala pa siya doon na ako nanlumo. Tinapik ako sa balikat ng mga kasamahan kong nag ayos tsaka ako inalo.
Ngumiti ako ng malumanay. "Maraming salamat po sa tulong."
"Ayos lang iyan hijo," si manong Vito. "Baka may ginawa lang kaya ipagpabukas mo na lang siyang surpresahin. Umuwi ka na at mukhang uulan."
Umiling ako. "Baka malalate lang po siya manong." I cheered myself. But fuck...
"O siya, kami muna ay uuwi na ha? Mag ingat ka at sana nga ay late lang ang dalagang hinihintay mo." aniya.
"Sige ho, ingat po kayo."
Nabasa ako ng ulan pero wala pa ring Naña na dumating. Alas tres na ng madaling araw wala pa rin siya. Ni text or tawag wala. Nang mag aalas cingko na ng umaga ay tumayo na ako at umalis. Nagtatampo ako pero 'di ko maiwasang mag alala baka kung may nangyari sa kanya.
"Ephraim," I called him. Alam ko na ang lahat. Fuck I was too late to know everything.
"Bakit?"
"Nasaan si Naña?" tanong ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Distance yourself from her. This will be for the both of you." he stated seriously. "Prince did you know already what am I talking about?"
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...