Ika-apat na Pahina

250 4 0
                                    

Matapos kong gawin ang mga pinapagawa sa akin ni Ma'am Florencia ay nag coffee break muna ako sa ibaba. Isang linggo na rin ang nakalipas ng matapos ang event. Wala pa namang notice na mapapalitan na ang CEO o ipapakilala na bilang CEO si Mr. Ephraim. Anong motibo nila at bakit nila ginagawa ang bagay na ito?

Nasa isang kamay ko ang kape na pinabili nina Lylac at Violet. Palabas na sana ako ng mahagip ko ng tingin si Mr. Ephraim at mas lalong nagulat ng makitang may kasama siyang iba.

Namilog ang aking mga mata. Nagtago ako sa gilid ng isang poste at sakto lang para marinig ang pinag uusapan nila. Paano sila nagkakilala ng lalaking palaging nanghihingi sa akin ng kung ano ano?

"Ano? Papalakpak na ba ako? Ang linis niyo nga maglaro e, bilib na bilib ako." rinig ko ang pait nito habang sinasabi noong lalaki.

"Prince, ano ba yang pinagsasabi mo? Pwede ba umuwi ka na at nag aalala na ang mama mo." boses ni Mr. Ephraim.

Prince ang pangalan niya?

"Nag aalala?" sarkastik na tanong ni 'Prince'. "Bakit pa sila mag aaksaya ng oras e nandyan ka namang anak nila diba?"

Walang sumagot.

"Tandaan mo Ephraim. I was ten when I left. Nobody search for me. Nobody really cared. I took care of myself for almost ten years without you or anyone of you. Kaya pwede ba, huwag mong sabihin iyang bagay na 'yan dahil bullshit, if they really cared, they would have cried infront of me that day, begged me to come back. But they didn't and that day onwards, I know that my parents abandoned me for having you."

Napasinghap ako sa aking narinig. Wala na akong ibang narinig kundi ang pag alis ng isang sasakyan. Namutla ako at nanginig ang labi sa narinig. Ang bilis din ng pagtibok ng puso ko dahil sa mga naranasan niya.

So, it's true? Mr. Ephraim is an adopted child. His not a Hangruela.

"Ba't ang tagal mo naman girl?" si Violet. Hindi ako nagsalita at tulala pa rin sa aking narinig.

"Hoy?!" she waved her hand infront of me that blink me from reality.

"H-huh?"

She sighed. "Napagod ka ba sa pagbili ng kape at tulala ka? May nangyari ba?"

Huminga ako ng malalim at saka umiling. Sasabihin ko na lang sa kanila kapag nasa apartment na kami at alam kong delikado rito. Kahit na mukhang hindi naniniwala sa akin si Violet ay naupo na lamang siya.

Pinilit ko ang sarili na mag focus na lamang sa trabaho pero maya maya rin ay naririnig ko ang boses ni 'Prince' na puno ng pait at sakit. Ano ba ang nangyari? Naglayas siya sa edad na sampu. Pero bakit?

Bakit naging ampon si Mr. Ephraim?

Ibig bang sabihin na walang wala si 'Prince' kaya ay humihingi siya ng kung ano ano sa akin? Shit. Nakonsensya ako lalo na't lagi ko siyang pinagsasarhan ng pintuan at naiinis sa tuwing nasa pintuan ko siya.

E kasi naman, nakakabigla dahil hindi ko siya kilala. Ikaw ba naman may kakatok sa pintuan mo tapos hihingi ng asin at kung ano pa diba?

"May sakit ka ba?" dinama ni Lylac ang noo ko. "Hindi ka naman mainit."

"Ayos lang ako. Sige na, nandyan na ang bus. Ingat kayo sa pag uwi." pagpapaalam ko.

"Naña." mariin na tawag ni Violet. I smiled cheerfully at them.

"I'm fine. Don't worry, now go or else maiiwan kayo ng bus." humalakhak pa ako.

Nagulat ako ng bigla nila akong niyakap. It warms my heart. Natawa ako at hinaplos ang likod nila. They sure knows when I am not me or something is bothering me.

"You can talk to us okay? Don't forget that." si Violet.

I nod. "Thank you. But not... now. See you tomorrow."

Kumaway ako hanggang sa nawala na sila sa aking paningin. Sa daan ay napuno ako ng mga dapat kong gawin para sa kanya. Magkaharap lang naman kami ng condo kaya madali kong maibigay.

Something stirred inside me when I heard him so broken just a while ago. The moment I heard he said about 'abandonment'.

Masaya akong nagluto ng sinigang na may labanos. Nilagay ko agad ito sa tupperware at nilagyan din ng kanin. Nag design din ako ng smiley doon sa kanin. Sinara ko ito ng may ngiti sa mukha at lumabas na.

Sinilip ko muna sa hallway kung naroon siya pero wala naman kaya agad kong sinabit sa kanyang pintuan ito. Tumakbo ako papasok sa aking condo na hinahabol ang hininga.

Pero napahagikhik ako saka tinungo ang banyo para maligo. Nagkape muna ako bago lumabas sa balcony. It feels good to feel the night breeze. Napapikit ako at dinama ang lamig nito.

"Maging mabait ka anak ha? Sana huwag kang magalit at ang kuya mo na lang ang kukunin namin. Pero huwag kang mag alala, mabait naman ang kukupkop sayo. Naiintindihan mo ba ako Naña?"

I was ten that time. My parents left me together with my brother which I didn't get to see his face or his name. I meet my half sister and maybe I was glad that they had left me.

I never really understand why they left me tho. Sa una ginawa kong big deal iyon lalo na at hindi ko pa kilala si Ate Lopi. But then days, months then years later I got used to it living with my parents abandoning me.

"Can I make a wish?" I whispered through thin air.

I never really forgive my parents for what had they done but instead I'm thankful because I got the chance to meet a beautiful sister and a loving grandmother, which is the only guardian we have.

"Uuwi ka ba ng lunes?" tanong ni Lylac.

"Baka, bakit? Sama kayo?" tanong ko. Debut ko kasi iyon.

"Oo naman, miss ko na si Lola Ethea e," humagikhik pa ito.

I also smile. "Sige, magpapaalam muna tayo kay ma'am Florencia."

"Yes! Sure ng papayag iyon." pag agree din ni Violet.

The time seems to fly when we are having so much fun. Kaya naman ay sa uwian ay kumain kaming sabay sabay sa labas. Hawak ang babasaging baso ay tinaas namin iyon at pinagbangga.

"Cheers!" sabi namin.

"Ang sarap naman nito," I agree to Violet. Ang steak nila dito ay sakto lang ang luto. The meat was cooked georgously. The sauce was to die for. The side dish also taste good. Hindi kami nagsisi dahil sa una, mahal ang pagkain dito pero dahil masaya kami ay doon namin napagpasyahan na kumain.

Alas otso na ng gabi ng makauwi ako sa condo. Iniwan ko sa kanyang pintuan ang plastic na may laman na apple at oranges. I smiled and went inside my condo. After my night routine, I jump to my bed and fell asleep.

Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon