"Hayop ka!" isang suntok ang pinakawalan ni Ephraim ngunit hindi pa niya naiaangat ang kanyang kamay ay sinuntok na siya ng mga tauhan ni Mr. Hangruela. Tumawa si Mr. Hangruela tsaka uminom sa baso niyang may kulay brown na liquid.
"Susuntukin mo ang nagbigay sayo ng magandang buhay ngayon? How ungrateful." napailing pa ito. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitignan siya.
"Pinatay mo ang asawa mong hayop ka! Napakawalang hiya mong tao ka!" sigaw niya.
"Nagsawa na ako e, ginamit ko lang naman siya para bigyan ako ng anak pero huli ko ng natanto na pwede ko palang kuhanin ang anak niya at maging anak namin diba?" umiling siyang muli. "Oh well, malapit na rin naman ang kasal namin ng mama mo kaya ayos lang."
His jaw clenched at halos makapatay siya ng tao dahil sa naging sagot ng taong dati niyang hinahangaan.
"Your a monster."
Natawa naman si Mr. Hangruela na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Ephraim. "I'm not. I am a king, Ephraim. I am not a monster."
He gritted his teeth. "Huwag niyong hahayang makalabas iyan. Gagawin pa natin iyang best man sa kasal ko. Aalis na muna ako. See you again later son."
"I am not your goddamn son." he glared at him.
Nakaposas ang mga paa nito. Hindi pa rin siya makagalaw kahit na walang tali ang kanyang mga kamay. Ang kalahating katawan niya ay hindi makagalaw dahil sa bakal na nakapulupot sa kanyang baywang. Ilang araw na siyang narito at hindi na niya alam ang gagawin kung paano siya makakatakas. Kailangang may gawin siya dahil nakuha nila si Lopi na siyang kinakatakot niyang mangyari.
Nanalangin na lamang siya na walang gawin si Naña na ikakapahamak niya. Please, huwag Niyo pong hayaang may mangyari sa kanila. He silently prayed. Umaga na at dumating na ang kanyang agahan.
Sa una ay naguguluhan siya kung bakit narito sa harap niya ang isang babaeng hindi niya kilala pero minsan na niyang nakita. Si Violet. Diba kaibigan ito ng kanyang kapatid? Paanong narito dito ito? Pinanood niya itong papalapit sa kanya at nilapag ang tray ng kanyang pagkain. Kakain siyang nakatayo.
"Bilisan mo na diyan." utos ng isang nagbabantay sa kanya sa loob.
Makahulugang napatingin si Violet sa kanya at minuwestra ang soup. Napakunot ang noo ng binata hanggang sa lumabas na ang dalaga. Kinuha niya ang kutsara para makakain na. Una niyang kinain ay ang soup na tinuro ni Violet.
Natigilan siya ng may matamaan ang kutsara na matigas na bagay. Napatingin muna siya sa mga gwardiya at kinakabahan na inangat ang kutsara na laman ang isang susi! Namilog ang kanyang mga mata sa nakita.
"Ano ba? Kumain ka na nga!" saway sa kanya ng gwardiya. Tumango siya saka inangat ang kutsara. Nang mahigop na niya ang soup ay kunwari siyang nagpunas sa bibig at kinuha agad ang susi at nilagay sa kanyang baywang kung saan naroon ang kanyang sinturon.
Pinagpawisan siya dahil baka mahuli siya pero nakahinga siya ng maluwang ng hindi naman nahalata ng gwardiya. Nagpatuloy na lamang siyang kumain. Kailangan niya ng tiyempo para makatakas. Sa lalong madaling panahon.
Sa tanghalian ay iba na ulit ang nag serve ng kanyang pagkain. Ang isa pang kaibigan ni Naña. Si Lylac. Bakit narito ang mga kaibigan ng kanyang kapatid? Baka mapahamak sila!
Sa ngayon wala namang kung anong tinuro ang babae na siyang kinagulat niya. Akala niya ay dederitso na ito palabas ngunit kinausap niya ang gwardiya. Napakunot ang kanyang noo. Maya maya pa ay ilang beses na natawa si Lylac at iling naman sa gwardiya. Hanggang sa isang bulong ni Lylac ay napatango ang gwardiya na siyang kinakunot pa lalo ng kanyang noo.
Kumain na lamang siya. Lumabas na si Lylac. Sumapit ang gabi ay si Lylac muli ang bumalik. Nagulat siya ng lumabas ang gwardiya. Mabilis naman na kinalagan ni Ephraim ang kanyang posas. At ang bakal na nasa kanyang tiyan.
"Anong ginagawa mo dito?" napatigil siya ng bigla na lamang siyang hilain ni Lylac at sinandal sa pintuan. Sabay ungol na para bang nasasarapan. Nanlaki ang mga mata ni Ephraim sa narinig. Narinig pa nga niya ang tawanan sa labas. Pinandilatan siya ni Lylac.
"Sumunod ka lang kung gusto mong makatakas dito."bulong nito sa kanya. "Pretend that were having sex. Iyan lang ang tanging paraan para mapalabas ko ang guard kanina."
Narinig pa niya ang bulong nito. "Damn bahala na nga si Naña."
"Ano? Ungol na!" inip na sambit ni Lylac.
"What? Pwede naman na tayong-"
"Shit ka naman e," frustrated niyang sambit. Nakarinig sila ng katok na siyang nagpamilog sa kanilang mga mata. "Bilisan niyo na nga dyan! Mga kabataan talaga ngayon ang lilibog." sabay tawanan.
"Gawin mo na baka pumasok na sila."
Sa tanang buhay niya hindi niya ito naisip na magagawa niya ang mga bagay na ito. Dibale na nga, gwapo naman ang kapatid ni Naña. Hihi. Kaya ang kwarto ay napuno ng kanilang 'ungol' at ilang paglagapak sa mga dingding na para bang may ginagawa talaga silang dalawa.
"Okay, sa balcony na tayo. Naroon si Violet at ang sasakyan natin paalis dito."
Wala silang sinayang na oras at agad na bumaba sa balcony. Naroon nga ang itim na kotse sa may 'di kalayuan. Nang makasakay sila ay pinaharurot agad ng nasa driver seat ang kotse palayo sa mansion. Natawa silang lahat at napa apir. Mission smoothly accomplished!
"Nasaan si Naña? Bakit kayo ang narito?" tanong ni Ephraim.
"Plano namin ito. Sa una ay umayaw siya at baka daw pumalpak pero hindi kami pumayag. Were bestfriends until we die!" natawa silang dalawa ni Lylac sabay apir kaya napailing naman si Ephraim.
"Thank you. For risking your life-"
"Of course may kapalit ito ano!" ingus ni Violet. Nagtaas ng kilay si Ephraim. "And what is that?"
"Sagot mo lahat ng gastos ng trip namin papuntang Thailand! Doon kasi namin naisipan na magchill pagkatapos ng drama sa buhay ni Naña."
Napailing na lamang si Ephraim. "How many days?"
At doon napuno ng tilian sa loob ng kotse at maraming pagpaplano nila.
A/N: Abangan ang malapit na pagtatapos ng Beside you.
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Novela Juvenil#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...