"Say 'aahh'" sabay tapat sa kanya noon kutsara na may lugaw.
Napangisi naman siya. "Baka naman ikaw ang mag 'aah'" aniya habang nakangisi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "May sakit ka lang naman bakit parang ang manyak mo na?"
He only chuckled. "Kumain ka na nga habang mainit pa 'to."
Sa wakas natapos din siya kahit na kanina pa niya ako inaasar. Pinainom ko muna siya ng gamot bago muling tumayo. Ngunit agad niya akong pinigilan.
"Please don't go." seryoso ngunit mukhang nangungusap ang kanyang boses.
Sa hindi malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako saka dahan dahan na hinarap siya. Ngunit laking gulat ko ng nakapikit na siya. Hinawakan ko ang palad niya na hawak ang aking papulsuhan saka nilagay sa tabi niya.
"Matulog ka lang. Hindi ako aalis," bulong ko.
He seems so fragile when his sick well except kanina na nasobrahan ang kanyang kapilyuhan. Naku kung wala lang 'tong sakit... binatukan ko na siya. Nilagyan ko ng bimpo ang kanyang noo at inoorasan ang pag check ng kanyang temperature.
Niligpit ko na lahat ng kalat sa kwarto niya at ang ilan ay nilagay ko sa washing machine. Nang matapos ang paglalaba ko ay agad ko itong nilagay sa hanger. Matik kasi itong washing machine kaya agad ding natutuyo.
Nagwalis at nagpunas ako sa mga gamit. Matapos ang lahat ay bumalik ako sa kanyang kwarto. Pinalitan ko ng bago ang nasa noo niya na bimpo bago chineck ulit ang temperature niya.
38.2° baka bukas ay tuluyan na itong bumaba. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres na pala ng madaling araw. Mukhang hindi na ako makakapasok bukas.
Natulog ako sa tabi niya habang nakaupo ako. Kaya naman ng magising ako ay sumisilip na sa labas ang sinang ng araw. Tulog pa rin siya. Hinawakan ko ang kanyang noo at napangiti ng wala na siyang lagnat.
Alas syete y medya na pala. Talagang 'di na ako makakapasok. Bumalik muna ako sa condo ng ate ko para maligo at magbihis. Simpleng white na pants ang suot ko at manipis na kulay pulang sweatshirt.
Tumawag muna ako kila Lylac habang nagluluto ako para sa agahan namin ni Prince. Alas otso pasado na. Nabingi ako dahil sa sigaw na pinambungad nila sa akin. Napapikit ako at nailayo ang cellphone.
"Girl, nasan ka na? Hindi ka ba makakapasok?" tanong nilang halos sabay.
Natawa ako. "Oo e, may sakit kasi si Prince kaya aalagaan ko muna."
Tumili silang dalawa. Napailing akong muli habang hindi maiwasan na mapangiti.
"Kawawa naman si Prince Charming." si Lylac. "Tinabihan mo ba sa kama? Ayieeh!"
"May nangyari bang spg? Come on spill it Naña," si Violet naman.
Namula ako. "Ano ba kayo, may sakit iyong tao kaya bakit naman may mangyayaru-"
"Omgee so kung wala siyang sakit may mangyayari?"
"Hoy tigilan niyo ako ah? Atsaka kung wala siyang sakit wala ako dito, kaya pwede ba!" napairap ako sa kawalan.
Natawa silang pareho. "Naku for all we know, may pagnanasa ka rin kay Prince Charming."
Umiling ako. Mga lukaret talaga ang mga ito.
"Sabihin niyo na lang kay Ma'am Florencia ha? Bye na at nagluluto ako."
"Sige na nga pero kwentuhan mo kami bukas ha?" humalakhak pa talaga sila. Napapailing na lamang ako sa mga pinagsasabi sabi nila.
Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay napatili ako ng maramdaman ang dalawang braso na yumakap sa akin mula sa likod. Siniksik pa talaga niya iyong mukha niya sa leeg ko.
"ANO BA!" pinalo ko iyong braso niya pero nanghina ako ng amoyin niya ang leeg ko.
"Ang bango mo baby," he said huskily.
Namula ako at pilit na kumawala pero 'di ko magawa.
"A-ang aga aga minamanyak mo ako ah?" nauutal kong sambit at ramdam ang pag iinit ng mukha ko.
Natawa siya na siyang nagpataas ng balahibo ko sa batok. Ugh, bakit kasi niya ako niyayakap.
"No I'm not." he said. "Dahil kung minamanyakan na kita kanina ka pa umuungol sa sarap."
Nanlaki ang aking mga mata. Sasapakin ko na sana siya kaso agad naman siyang nakatakbo palayo sa akin. My ghad this people!
"Maliligo muna ako baby!" aniya.
"BWISIT KA!" sigaw ko na sana ay narinig niya.
"Uminom ka na ng gamot para tuluyan ka ng gumaling. Huwag ka munang magtrabaho para hindi ka mabinat, naiintindihan mo ba ako?"
Inabot ko sa kanya iyong mangkok na may chicken soup. Inabutan ko na rin siya ng kanin at tubig. Natigilan ako ng hindi niya ginagalaw ang pagkain niya. At ng tignan ko siya ay nakangisi siya't nakatingin sa akin.
I rolled my eyes.
"Ano na namang tinitingin tingin mo?" naiinis kong tanong.
He chuckled. "Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag aalaga sa'yo."
Imbes na matawa ako at patulan siya ay tila may nagbara sa aking lalamunan para hindi magsalita. Nalungkot ang aking mga mata habang may naalala.
"Masarap naman talaga kung may nag aalaga sa'yo dahil alam mong espesyal ka sa taong iyon." sabi ni mama habang hinahaplos ang aking buhok.
Ngumiti ako. "Edi espesyal po ako sa inyo?"
"Oo naman anak, kaya kung may sakit ang ibang tao kahit na hindi mo kilala maging mabait ka at tumulong. Lagi mong tatandaan na kahit walang kapalit ang ginagawa nating pag aalaga ay lagi mong aalagaan ang taong nasa paligid mo."
Niyakap ko si mama. "Opo, aalagaan ko po kayo Mama pati na rin si Papa. Pati ang mga nasa paligid ko."
Tinanguan niya ako. "Oo anak dapat matuto kang mag alaga. Dahil sa simpleng bagay na iyon, nakakapag pasaya ka ng tao."
Tama si Mama. Kahit na galit ako sa kanila hindi ko pa rin makakalimutan ang mga payo niya. Yumuko ako.
"Ang sabi ni Mama," napapalunok kong sambit kahit na hirap na hirap ako. Ramdam ko ang titig niya sa akin.
"Kahit na... hindi mo daw kilala ang isang tao na may sakit o dinaramdam, alagaan mo daw ito kahit na walang kapalit dahil ito ang simpleng tulong na nagpaparamdam sa kanila na espesyal silang tao."
Nagulat ako ng maramdaman ang paghaplos niya sa kamay ko na nasa lamesa. Napatingin ako sa kanya at ngumiti kahit na nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa luha.
"Thank you for making me feel that I'm special Georgieña." he smiled. His true heart warming smile.
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...