Ika labing limang Pahina

178 2 0
                                    

Nanikip ang dibdib ko dahil naalala ko ang sinabi niya sa akin noong nasa park kami.

"Kahit sino pa dyan na mas maganda sayo, kahit na hindi mo pa ako sinasagot loyal ako sayo!"

You lied Prince. You damn lied. Kumurap kurap ako upang hindi bumagsak ang aking luha. Tumila na ang ulan ng makarating ako sa condo ng ate ko. Pinilit kong ngumiti kay Mr. Ephraim.

"Maraming salamat sa paghatid at pasensya na sa abala."

Tinignan ko siya sa kanyang mata at natigilan saglit ng para bang may kasing pareho siya ng mata. Para bang si...


"Umakyat ka na at magpalit ng damit para hindi ka sipunin." yun lang at umalis na din siya.


Totoo kaya ang sinabi niya na first love ni Prince si Evelena? Pero bakit pa ako magtataka e kitang kita naman ng dalawa kong mata kung paano sila magkainan ng mukha.

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Saglit lang ay natulala din ako habang naka upo sa sofa. Impossibleng may gusto ako sa kanya kaya bakit ako nasasaktan? Wala namang kami diba?

Pero sinabi niya... diba sinabi niya na... siguro ay napagod na siya kaya naman ay tumigil na siya. Napalunok ako dahil sa sakit na dumaan sa aking puso. Bakit ako nasasaktan?


Nahulog na ba ako sa kanya? Hindi. Baka nasanay lang talaga ako na nandyan siya. Baka nasanay lang ako. Tama. Naña, impossible na may gusto ka na sa kanya.

Kumain na ako tsaka gumawa ng ilang binigay ni Maam Florencia. Bandang alas otso ay nakatanggap ako ng text kay ate na siyang nagpagulat talaga sa akin ng husto.

Ate Lopi:

Naña, bumalik na sila.

Napasinghap ako. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Alam na alam ko. Magsa sampung taon na simula ng makita ko sila. Pero nandito pa rin iyong sakit na iniwan nila. Nandito pa rin at hindi natatanggal. Siguro ay nakalimutan ko na kung gaano ito kasakit ngunit ang puso ko hindi kailanman ito nakakalimot dahil siya ang nakadama ng napakasakit na dinulot nila.

As long as 'wag nila akong kausapin ay magiging maayos naman ang lahat.

To Ate Lopi:

Huwag lang silang lumapit sa akin.

Naalimpungatan ako ng makarinig ng tuloy tuloy na katok. Napakunot ang aking noo sa inis habang hinahanap ang aking cellphone. It's two am in the morning. Like what the hell? Pero hindi na ako makatulog pa ng tuloy ang pa rin ang katok sa aking pintuan. Babangasan ko talaga 'to kung sino man. Natutulog ang tao e.


"ANO BA! kita ng natutulog ang tao e!" sigaw ko tsaka binuksan ang pintuan.

Napangisi ako ng mapait ng makita ang hitsura niya. His eyes blood shot and he smell alcohol. He look like crap to be exact.

"What the hell do you want?" singhal ko.


"Kaya ba hindi mo ako masagot sagot dahil may ibang lalaki ka?" mariin at galit niyang sumbat sa akin.

Napatawa ako ng sarcastic saka tinuro ang aking sarili.

"Ako? Ako pa ngayon ang may lalaki? Fuck shit ka!"

"Nakita ko kayo ni Ephraim at nasayo ang jacket niya. Ano? Mas masarap ba siya kesa sa akin? Bakit ba lahat ng akin napupunta sa kanya?"

Sinampal ko siya kasabay ng pagtulo ng luha ako. Matalim ko siyang tinignan at puno ng hinanakit.

"Iyan ba ang turing mo sa akin? Ang kapal ng mukha mo na magalit sa akin. Alam mo bang naghintay ako sayo dahil alam kong susunduin mo ako? Pero hindi ka dumating! Nabasa na ako ng ulan at lahat lahat wala ka pa rin! Tapos makikita ko na putanginang nakikipag halikan ka?! Ha?! Kung hindi siya dumating basang basa na ako ng ulan at baka may sakit na ako ngayon! Dahil hindi ka dumating! H-hindi ka dumating..."

Hinampas hampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya sa nasabi ko.

"Ano? Gulat ka dahil alam ko? Ang kapal ng mukha mo na magalit sa akin habang ako nanahimik ako. Narinig mo ba akong sinumbatan kita sa pinaggagawa mo? Wala naman diba?" matalim ko siyang tinignan at marahas na pinunasan ang aking luha. "Kaya don't you fucking dare to tell me those things dahil alam mo sa sarili mo na ganun ka."

Nanghina ang kanyang mga mata  at may halong pagmamakaawa roon na halos ikamatay ng puso ko na dapat ay ikatuwa ko.

"Naña, listen to me-"


"Kahit na magpaliwanag ka, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano kayo magkainan ng mukha." mahina kong sabi. "Paano ba 'yan, dito na pala matatapos lahat ng sa atin."

"No! Ayoko, please naman Naña. G-give me another chance. Please baby,"

Umiling ako at tinanggal ang kanyang braso na nakayakap sa akin.

"Hindi pa nga tayo nanlandi ka na agad e, paano pa kaya kung naging tayo na diba?" mapait kong sambit.

"Wala lang 'yun. Naña naman." halos magmakaawa siya.

"Kaya kitang patawarin pero hindi ko makakalimutan ang nagawa mo. Natatakot akong baka gawin mo ulit 'yon. Mas masakit kasi kung tayo na e, masakit dito."

Tinuro ko ang aking puso. "Umalis ka na."

"Hindi ako titigil Naña. Hindi ako pwedeng tumigil lalo na at lumagpas na sa pagkagusto ang nararamdam ko sayo."

"Sigurado ka? Dahil kung alam mo na lumagpas ka.  Pinigilan mo ang paghalik dahil alam mong mali hindi ba? Pero hindi ka tumigil."

Naging seryoso ang kanyang mga mata. "Hindi ako titigil Naña. Dahil kung anong akin, aking lamang."

"Ano ba Prince!" sigaw kong nanggigigil. "Hindi mo ba ako maintindihan-"

"Naiintindihan kita pero hindi pa rin ako titigil. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagiging akin."





"Delivery!"

Hindi ko sila pinakialam. "Girl, para sayo na naman ito! Galing sa masugid mong manliligaw. Halos mag iisang linggo na rin niya itong ginagawa ah?"

Umiling na lamang ako. "Kainin niyo na lang. Wala akong paki alam."

Napabuntong hininga sila.  Alam ko na alam nila na iniiwasan ko si Prince. Masakit pero kakayanin ko. Sayang, konti na lang masasagot ko na siya e. Siguro may plano para sa akin si Lord kaya ganoon.

"Naña, hindi ka na nagkukwento sa amin ng mga nangyayari sa'yo." mahinang sambit ni Violet.

Nangilid ang luha sa aking mata at nanikip ang dibdib dahil sa narinig. Hindi ko na kaya. Sinabi ko ang lahat ng sa kanila at hindi ko mapigilan na umiyak. Hindi pa nga kami pero sobra na akong nasasaktan. Paano pa kung naging kami hindi ba?!

"Shhh sige, iiyak mo lang 'yan Naña. Lilipas din iyan, alam kong kaya mong lagpasan 'yan." pag aalo sa akin ni Violet.

"Kaya naman pala. Sige, tutulungan ka naming iwasan siya. Dapat maghirap siya dahil sinaktan ka niya." si Lylac.

Napangiti ako ng matamis ngunit agad na nawala ng marinig ang sinabi ni Azelle na ngayon ko lang napansin na naroon sa aming harapan. Narinig ba niya lahat ng napag usapan namin?

"Mahal mo siya."





Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon