Linggo. Hawak ko ang tali ni Felipe at katatapos ko lang mag jogging kaya naman ay naglakad lakad na kami. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Prince at masasabi kong unti unti ng nawawala ang sakit dito sa puso ko at hindi ko maiwasan na malungkot dahil wala siya.
"Hindi ba lahat naman ng taong nasasaktan sa bagay na ganyan ay mahal niya ang isang tao?"
Tama nga ba ang sinabi ni Azelle? Napabuntong hininga ako saka tumingala. Pero hindi pa ako sigurado kung ano bang nararamdaman ko sa kanya. Kung gusto ko ba siya o mahal ko na ba siya. Naguguluhan ako.
"Felipe? Sa tingin mo mahal mo na ang isang kauri mo kung nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba?"
Para akong tanga na nakikipag usap sa aso. Napangiti ako ng tumahol siya. Hinaplos ko ang kanyang balahibo saka kami nagpatuloy na maglakad. Nang makabalik na ako sa condo ay tila ayaw ng humakbang ng mga paa ko ng makita siyang nakatayo sa harap ng pintuan ko habang may hawak na isang boquet ng red roses at isang teddy bear.
"our little conversations had turned in into little sweet sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers had turned in into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine...🎶
Napaawang ang aking bibig at bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makitang pumihit siya at nagtagpo ang aming mata. Puno ng gulat ang kanyang mga mata ngunit puno naman ito ng pagmamakaawa. Napalunok ako. Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya pero hindi ko pa rin maalis ang tampo sa aking puso dahil sa nagawa niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Naña, please. It's been eight days, can't you atleast forgive me? Please..." nanginig ang kanyang boses.
"I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be...🎶
Nangilid ang aking luha at kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang hikbi ko pero hindi ko maitago. Nasasaktan ako pero nasisiyahan ako dahil nakita ko na rin siya. Ang lakas ng kabog ng puso ko at kung hindi pa tumahol si Felipe ay hindi ako mababalik sa reyalidad.
"G-give me an answer why did you kiss her?" nanginig kong tanong.
Napasinghap siya at napalunok. "I didn't. She kissed me Naña. Siguro may kasalanan din ako dahil sa sobrang pagka miss ko sa kanya ay hindi ko siya nagawang pigilan. Maniwala ka sa hindi, ikaw ang nasa isip ko. Patawarin mo sana ako Naña. Malaki ang respeto ko sayo dahil alam kong hindi ka handa sa mga bagay na ganun."
Napaiwas ako ng tingin. "Kaya ba siya ang ginawa mong kapalit ko kapag hindi mo ako mahalikan?"
Agad na nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi. Naña, mali ang iniisip mo. Ikaw ang mahal ko-"
"Uulitin ko Prince. Sigurado ka ba na mahal mo ako? Dahil pakiramdam ko ay hindi mo alam kung ano ba ang ibig sabihin ng 'mahal'. Dahil kung mahal mo ako, lumalayo ka sa tukso dahil alam mong may masasaktan." mariin kong sagot.
"Pero hindi diba? Hinalikan mo pa rin siya!" sigaw ko.
"And I said Im sorry okay?!" frustrated din niyang sambit. "Give me another chance to redeem myself. I promise to be better just give me this chance."
"Three weeks." napapikit kong sabi. Sa loob ng tatlong linggo na iyon hahayaan ko siya. Hahayaan ko dahil tao rin naman siya nagkakamali. Pero alam kong ito na ang pinaka huli kong pagkakataon na ibibigay ko sa kanya.
"Three weeks lang ang kaya kong ibigay para mapatunayan mo ang mga sinasabi mo. Prince, don't waste it. Dahil kapag sinaktan mo pa ako, hindi ko na alam."
Agad kong naramdaman ang kanyang mainit na yakap na siyang nagpalambot sa aking tuhod pati na puso. Alam kong gusto ko siya at ngayon hahayaan ko na ang tadhana ang bahala sa amin. Sa pagkakataon na ibinigay ko sa kanya.
"You won't regret it love. Thank you."
"Good morning, halika ihahatid na kita." masiglang boses ni Prince ang bumungad sa akin.
Naamoy ko kaagad ang kanyang pabango. Nakasuot siya ng white tshirt tsaka violet na jacket. Nakapantalon siya ng maputing pantalon at isang kulay itim na snickers. Maayos na nasuklay ang kanyang buhok.
"Saglit lang. Kukunin ko lang ang bag ko." tumalikod na ako para kunin ang aking sling bag.
After three weeks, matatapos na din ang aming ojt. Balik school na naman kami. Alam naman ni Prince na babalik akong school at sabi pa nga niya na ihahatid pa rin niya ako. Siraulo talaga 'to. Pero lihim akong napapangiti.
I'll miss this. I'll miss being with him.
"Oo nga pala, itinapon mo na ba ang jacket ni Ephraim sayo?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baliw ka ba?! Bakit ko naman itatapon?"
"Syempre, legal na akong nanliligaw sa'yo kaya dapat wala siyang gamit na nasayo dahil magagalit ako." aniya sa nagtatampong boses.
I rolled my eyes. "Tigilan mo ako Prince. At tsaka pwede ba, tinulungan ako nung tao lalo na at wala ka noong mga panahon na kinailangan kita."
Napalunok siya at may sakit sa kanyang mga mata ng umiwas siya ng tingin. Nanahimik na lamang ako dahil sa nasabi ko. Tahimik na ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami ng company. Hindi ko naman gustong laging isumbat iyon pero hindi ko kasi maiwasan.
"Salamat. Mauuna na ako." I said almost a whisper.
Tulala ako ng paakyat na ang elevator. Bakit wala man lang siyang sinabi? Nasaktan ba talaga siya sa sinabi ko? I sighed. Bahala na nga dyan. Ilang beses akong tumingin sa aking cellphone baka may text siya roon pero wala akong natanggap kaya mas lalong nalungkot.
"Nag away ba kayo?" tumingala ako at nakitang si Violet ito.
Yumuko ako saka nag isip. "Napatawad ko na siya pero hindi ako makalimot. Masakit pa rin kasi. I'm trying my best to understand him but everytime I'm near in accepting it. Bumabalik at bumabalik pa rin kasi iyong sakit ng nagawa niya."
"Alam naman namin Naña, pero paano ka magiging masaya kung lagi ka na lang nakabase sa nakaraan diba? Hayaan mong bumawi siya. Subukan mong kalimutan ang lahat at isipin mo na lang na ikaw ang kasama niya at hindi ang iba. Maraming iba dyan Naña pero ikaw itong hinahabol niya."
"Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan si Prince. Hindi sa kinakampihan ko si Prince. Obserbasyon ko lang iyan. Alam ko na alam mo kung paano mo ito masasagot. Naña, alam ng puso't isipan mo ang tamang gawin. Nasa iyo na iyan kung paano at ano ang susundin mo." malumanay naman na sagot ni Lylac.
Honestly alam ko, pero bakit natatakot ang puso ko sa gustong mangyari ng utak ko?
BINABASA MO ANG
Beside You ✔COMPLETED 🔥
Teen Fiction#699 on Teenfiction Category 09/28/18 "I don't want you beside me! Do you hear me? I don't want to be beside you! Because everytime your beside me, people kept on judging me and saying how your the perfect one and I'm the stupid one. Ephraim, one da...