Ika dalawang pu't dalawang Pahina

177 1 0
                                    


Masakit ang aking ulo ng magising ako. Sinundo ako ni Ate kagabi at dinala sa apartment niya. Nasa Taguig kami. Tomorrow is Sunday, which I'm thankful because I can rest.

Ramdam ko rin ang pananakit ng aking mga mata. Saglit akong natulala habang naiisip lahat ng sinabi ni mama.  Ang sabi ni Mr.  Ephraim ay first love ni Prince si Evelena pero bakit hindi na niya nasabi sa akin sa oras na iyon na kapatid niya rin ito?  Kailan niya nalaman na magkapatid kami?  Sa gabing ba iyon o mas maaga pa niyang nalaman.  Walang bakas na gulat kasi sa mga mata niya noong sinabi ni Mama na makapatid kami.

“buti naman at gising ka na. ” sabi ni Ate habang may hawak na tubig at gamot para sa hangover. 

Naupo ako at sumandal sa headboard.  Habang tinitignan ko siya hindi ko maiwasan na makonsensya dahil alam ko na kung sino ang kanyang mga kapatid pero hindi ko man lang masabi.  Matagal na niyang gustong malaman kung sino ang mga ito dahil nais niyang magtanong tungkol sa kanyang mga magulang.  Ayaw kasi ni Lola na magkwento kaya ayun. 

“oh? Bakit ka ganyan makatingin?” tanong niya. 

Bumuntong hininga ako tsaka uminom ng gamot bago ngumiti ng malumanay sa kanya.  Siguro hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin sa kanya. 

“wala. Gutom lang siguro ako,” sabi ko.  “tsaka salamat pala sa pagsundo.”

Naging malungkot ang kanyang mata kaya naalala ko na naman ang nangyari kagabi.  Hinawakan niya ako sa balikat. 

“Naña, subukan mong tanggapin. Nalaman mo na ba ang rason?” she softly said. 

Umiling ako tsaka ilang beses na lumunok para hindi malaglag ang aking luha. 

“Ate,  gusto ko munang magpahinga. Tama na, ” halos magkaawa kong sambit. 

Niyakap niya ako.  “magiging maayos din ang lahat. Narito lang ako,  handa akong maging sandalan mo.”

Nahimasmasan ako ng makaligo ako at makakain kanina. Mamaya ay mamasyal muna kami ni Ate sa condo niyang dati para kunin si Felipe at maglakad lakad sa Park.  Buti na lang at may helper ako na sinagot ni ate sa pagpapasahod para kung wala ako ay naroon siyang mag aalaga kay Felipe.  I miss my baby.

Nanlaki ang aking mata tsaka patakbong kinuha ang aking cellphone na nag ccharge.  Damn.  Nakalimutan ko na may boyfriend na pala ako.  Napamura ako ng makitang may 89 missed calls ako at 102 unread messages. 

Shit talaga. Napalunok ako ng agad na may nag ring at nakitang si Prince ito.  Paano na?  Alam kong galit na naman ito sa akin.  Alam ko na! 

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magsalita dahil nilambingan ko na ang aking boses. 

“Good morning aking Prinsipe. Maaga kaming pupunta dyan ng ate ko para magkakilala na kayo.  Miss na miss na kita aking  mahal na Prinsipe.” I used my super husky and sweet voice. 

Narinig ko ang pagmura niya kaya napangiti ako.  Success!

“I'm horny,”

Nabitiwan ko ang aking cellphone dahil sa sinabi niya.  Namula ng husto ang aking pisngi lalo na nung marinig ko ang kanyang halakhak. 

“b-bastos! ” nanginig ang aking boses. 

“It's not my fault that when I heard your voice turned me on big time.” he said as a matter of fact. 

“Ewan sayo. Basta ipapakilala kita kay ate kaya umayos ka!  Bye.” binaba ko na bago pa man siya makapagsalita. 

Malaki ang adjustment na gagawin ko lalo na at siya pa lang ang unang kasintahan ko. May nababasa naman ako sa aklat kaya may ideya ako. 

“Anong pinag usapan niyo ng mama mo?” sinulyapan ako ni Ate bago tumingin muli sa daanan. 

Huminga ako ng malalim.  “Ang alam ko lang, may kinalaman ang pamilyang Hangruela sa pag alis ni Mama noon.  Tsaka nalaman ko rin na may sakit pala si Papa.”

“Hangruela?  Parang familiar sa akin.” napapaisip niyang sambit. 

“Sila yung may ari ng company kung saan ako nag o oojt.” sagot ko kaya agad siyang napa snap sa kanyang daliri. 

“tama!  Yun nga. Pero paano?  E wala ka namang kakilala sa Hangruela diba?”

Napakagat ako sa aking dila.  Sasabihin ko na ba? Kaya kong masaktan pero hindi ko kakayanin kung makita ko siyang nasasaktan.  Kailangan ko itong ayusin sa paraang hindi siya masasaktan.  I can't bear to see her upset. 

“Mr. Ephraim is our boss. Isa siyang Hangruela.” sagot ko.

“Pero bakit naging rason ang pamilyang iyan sa pag iiwan sayo ng magulang mo?”

I shrugged.  “Hindi ko rin alam. Ate Lopi, gusto ko munang takasan ang problema ko kaya sana ayoko munang makarinig tungkol sa kanila.”

She sighed. “Naña, alam kong nahihirapan at nasasaktan ka pero sa ganitong sitwasyon kausap ang kailangan mo. Baka naman mabuang ka na sa kakaisip ng gagawin mo.”

Natawa ako. “Thank you.  But for now gusto ko munang kalimutan ang lahat.”


“so boyfriend ha?” ngisi ni Ate Lopi. 

Namula ang aking pisngi. “Sinabi ko na rin na magkikita kayo ngayon.”

“Tignan natin kung pasado siya sa aking kapatid.” she even laughed like those evil witched in a fairy tales. 

“Stop what you're thinking Ate Lopi,” napasimangot ako.

“What? Just sit tight and ate will handle everything okay? ” she smiled and patted my head lightly. 

Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ng ate ko.  My sister can be so meanie whenever she feels. Lalo na at si  Prince ang kauna unahan kong boyfriend.  Twelve thirty na kami nakarating sa condo ng ate ko.  Felipe jump in my arms as soon as he felt my presence. 

“I miss you too Felipe,” hinalik halikan ko na din siya. 

He wiggle and lick my face over and over again. Naroon naman sa salas si Ate para kausapin ang taga pangalaga ni Felipe pero maya maya rin ay umalis na ito.  I smiled and thank her before she finally close the door. 

“I'm hungry.” sambit ni Ate.  “magluluto muna ako Ate,  you take a rest first alam kong pagod ka sa pagmamaneho.”

She nod.  “Gisingin mo na lang ako at tsaka para makausap ko na rin ang boyfriend mo.”

Napangiti ako pero agad ding nawala ng marinig ang sinabi niya.  Namutla ako at hindi alam ang gagawin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba lalo na at isang Hangruela si Prince. 

“Ayos lang naman kung sino iyang boyfriend mo Naña, wag lang talagang isang Hangruela at baka itakwil ko siya agad agad.”

What should I do? 


Beside You ✔COMPLETED 🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon