What is love?
Ano nga ba ang kahulugan ng salitang 'pag-ibig'?
Kapag hinahanap ko sa google ang salitang ito madami ang lumalabas na kahulugan.
Mga kahulugan na base na din sa karanasan ng karamihan.
I'm Corine Esclamado, 18 years old. A business management student. Sa labing-walong taon kong nag-eexist sa mundo hindi ko pa naranasan ang magmahal. 'Yung mga kaklase ko may first love na tapos 'yung iba may boyfriend na. Hindi ko nga alam kung normal pa ba ako o kung anong mali sa'kin. Hindi naman din kasi ako tinatamaan ng pana nang kupidong sinasabi nila. Ewan ko ba dyan sa kupidong 'yan takot yata sa'kin kaya 'di ako magawang panain. Sabi naman kasi nila dadating naman daw 'yung tamang taong magpaparanas sa'yo ng salitang pag-ibig. Konting hintay lang.
I was taken back to reality nang pumara ang kapwa ko pasahero sa jeep. I'm spacing out again. Gosh sana lang eh hindi ako makalampas kung saan ako bababa dahil sa pagiging lutang ko. Sa muling pag-andar ng jeep na sinasakyan ko nagsimula ding tumugtog ang kanta ni Yeng Constantino na jeepney love story.
Sa muling pagtigil nito ay napalingon ako sa entrada ng jeep. Parang unti-unting naglaho ang lahat. Tanging tugtog lang na mula sa headset ko ang aking naririnig. Nag-slow motion lahat. Mula sa ingay na nagmumula sa jeep hanggang sa ingay ng mga kapwa ko pasaherong nagkukwentuhan ay nawala ng parang bula. Tanging ako lang at ang bagong sakay na pasahero.
I came back to reality when that passanger spoke "Excuse me"
Napakurap naman ako ng ilang beses at agad akong umusod nang ma-gets ko sya.
Shocks! I am spacing out again! Bakit naman kasi ang gwapo nya tapos pati 'yung boses nya! My ghad! Is he a fictional character? Or a demigod?Sa sobrang bango ng katabi ko eh nahiya ako. Pasimple kong inamoy ang sarili ko baka kasi amoy putok ako hahaha joke lang. Amoy ko pa din naman ang pabango ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto din akong halos 'di humihinga dahil kumain ako ng manggang may alamang kanina.
Ang lakas ng tibok ng puso ko halos naririnig ko na ito sa kabila ng lakas ng tugtog sa headset ko.
Pasimple akong sumulyap kay kuyang demigod. May ganito palang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw?Muntik na 'kong lumampas sa may kanto papunta sa'min dahil sa pagsulyap ko sa katabi ko. Dali-dali akong bumaba dahil napalakas ang pagpara ko, nakakahiya. Tinitigan ko lang ang jeep kung saan sya lulan hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
-----
(To be continue...)
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.