*Corine's Point of View*
"Ayos lang 'yan Corine. Isang gabi lang naman 'di ba? Isang gabi ka lang naman magtitiis kaya mo 'yan okay?" pinalo-palo ko ng marahan ang dibdib ko dahil ramdam ko ang paninikip nito bago ako huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin.
Inayos ko ang sarili ko bago ako pumunta sa open field. Sinigurado kong walang makakapansin na wala ako kanina mahirap na baka isumbong pa ako ni President.
"Si Lewis?" bungad sa'kin ni President. Nagtaka naman ako pero bigla kong naalala 'yung palusot ko kanina. I'm about to answering her questioning nang sakto namang dumating si Lewis.
"Group mates tayo" nakangiting sambit ni Lewis sabay akbay sa'kin.
Nakakainggit si Lewis. Parang wala syang pinoproblema. Parang wala syang dinadalang kung ano pa man. Sana ganun na lang din ako. 'Yung walang nararamdaman na mabigat sa puso ko.
May kasama kami mula sa ibang department---teka? Hindi ba departure 'yun? Oo tama! Departure. Kasama ko sa grupo sina President, 'yung kaklase ko pang bading, si Lewis kasi Business Management student din sya at 'yung girlfriend ni myla---este Warren pala na si Eunice.
Corine hindi mo na sya mylabs kasi mylabs na sya ni Eunice. Mylabs mo na lang ulit sya kapag break na sila okay?
Buti na lang hindi ko kagrupo si Bisugo kundi baka matalo pa kami. Ka-grupo din namin si Rio, 'yung bestfriend ni Warren? Tapos 'yung kateam nila sa basketball na si Joseph. Mabuti na lang at hindi namin ka-grupo si Warren.
Unang nilaro namin ay 'yung hilahan ng tali. Si Lewis ang napagkasunduang leader namin gusto sana ni Rio ay sya pero dahil si President na ang nagsabi ay wala na syang nagawa pa samantalang sa kalaban naming grupo ay si Warren.
Nasa likuran ako ni Lewis tapos si President, Eunice, 'yung tatlong babaeng galing sa Engineering Departure, sunod eh 'yung bading kong kaklase tapos si Joseph at pinakalikod si Rio.
Hindi ko makita ang expression ni Lewis dahil nga sa nakatalikod sya sa'kin samantalang kitang-kita ko ang matalim na tingin ni Warren kay Lewis na para bang mahalaga ang papremyo sa larong ito eh certificate lang naman tsaka ribbon.
Nang mag-signal na 'Go' 'yung teacher na assign dun sa laro ay nag-umpisa nang gumalaw ang bawat isa. Dahil maganda ako eh nakihila din ako.
Hila dito. Hila dun. Walang gustong magpatalo. Namalayan ko na lang na panalo pala kami.
"Kung ayaw mong may makaagaw na iba hawakan mo ng mabuti" napalingon ako sa gawi ni Lewis. Hindi ko nadinig ng maayos ang sinabi nya o kung may sinabi nga ba sya dahil napalingon ako kina Rio.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Joseph sa kaklase kong bading na nakayakap sa kanya habang pilit itong itinutulak palayo.
"You save me! Muntik na 'kong matumba pero nandyan ka" madramang sabi ni Beks kaya napuno ng tawanan ang paligid.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang muli kong lingunin si Lewis. Magkaharap pa din silang dalawa ni Warren na parang nagsusukatan ng tingin. Tapos na ang laro pero bakit parang may ipinaglalaban pa 'tong dalawang 'to?
-----
A/N: Tsk tsk! So which side are you? #TeamWarren or #TeamLewis ?? Just comment libre lang naman. Hahaha.
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.