Ika-labing Limang Pasada

85 5 0
                                    

Kahit naman palagi akong ipinagtutulakan ni mylabs alam ko namang balang araw ako naman ang magtutulak sa kanya hanggang sa madapa sya. Joke! Basta naniniwala akong magugustuhan nya din ako balang-araw. Hindi man ngayon pero balang-araw.

"So why don't you ask Warren's girlfriend instead?" nagtaka naman akong tumingin sa kanya.

"Girlfriend?" parang t*nga kong tanong. Ngumisi naman si Ateng Bisugo.

"So mukhang ikaw na lang pala ang hindi nakakaalam? So sad kasi alam na nang lahat" lahat daw hindi ko nga alam eh kaya hindi pa lahat. Shunga lang?

Napalingon kaming dalawa nung magsalita 'yung babaeng katabi ni Bisugo. 'Yung maganda pero mas maganda ako?

"Enough" matigas na sambit nya.

"But Eunice it's time for this girl to know that Warren is now someone's property" sagot naman ni Bisugo "Ipinapaalam ko lang naman sa kanya na---"

"Kaye I said enough!" bahagyang tumaas ang boses nya na ikinagulat namin ni Bisugo "Yeah I may be the one who own him.." tumigil sya sa pagsasalita at tumingin sa'kin "...but not his heart" she continue while looking straight to my eyes.

Pagkatapos nyang sabihin 'yun ay tinalikuran nya ako at naglakad palabas. Si Bisugo naman ay sumunod sa kanya pagkatapos akong irapan. Tusukin ko kaya ang mata nung Bisugong 'yun?

Habang naglalakad ako pabalik ng classroom biglang bumalik sa isip ko 'yung sinabing girlfriend daw ni mylabs.

"Yeah I may be the one who own him.." tumigil sya sa pagsasalita at tumingin sa'kin "but not his heart"

Bakit parang nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya? At bakit pati parang ako ay naaapektuhan nya?

"HUY!"

"ANAKNGTOKWA!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Tiningnan ko ng masama ang hinayupak na nilalang na nanggulat sa'kin "Bakit ka ba nanggugulat ha?" singhal ko sa kanya.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh" natatawang sambit nya kaya naman napasimangot ako "Tungkol na naman ba dun kay Warren?" seryoso nyang tanong. Umiling naman ako.

"Tungkol dun sa girlfriend daw nya" walang gana kong sagot.

"So may kaugnayan pa rin pala sa kanya?" tumingin sya sa taas at bumuntong hininga. Anong meron sa taas? Tumingin din ako dun pero wala naman akong nakita. Bumalik din naman ang atensyon ko sa kanya nang magsalita ulit sya "Teka nga? Bakit ba ang hilig mong problemahin ang problema ng iba? Lalo na ang mga bagay na may kinalaman dyan sa Warren na 'yan" ngumiti naman ako sa kanya bago magsalita.

"Eh kasi 'pag nangyari na 'yung wedding of the century ang problema ni mylabs ay problema ko na din kaya parang practice na din 'to para sa future" sambit ko habang inaalala ang mukha ni mylabs.

-----
(To be continue…)

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now