Ika-apat na Pasada

152 8 0
                                    

Nakatitig lang ako sa notebook na nasa harapan ko. Ang notebook na saksi ng mga pangyayari sa buhay ko na may kinalaman sa mylabs kong si Warren. Ito ang diary ko. WAR for love. Laban ko para makamit ang wedding of the century.

Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na 'ko. Nagquit na 'ko sa drama club matapos ang pangyayaring 'yun. Bakit ba naman kasi sya pa ang gumanap na prinsipe ni Snow White? Edi sana friends pa din kaming dalawa hanggang ngayon. O kaya baka kami na ngayon.

Aish! Shunga lang Corine? Eh kaya nga umiwas 'yun sa'yo eh dahil may pinopormahan sya nung panahong ipinagsigawan mong mahal mo sya! Buti na lang ni-reject sya nung pinopormahan nya kasi kumalat na kami daw ni Warren ang masama nga lang eh iniwasan nya 'ko.

"Who doesn't have club here? Open pa 'yung drama club just so you know" sambit nung president namin.

Kung alam ko lang sana kung saang club si mylabs edi sana hindi na 'ko nahihirapan ng ganito? Ba't kasi ayaw pa nyang sabihin? Last year nung nag-quit sya sa drama club sumali sya sa sports club. Hindi naman ako pwede dun kasi wala akong alam sa sports ang alam ko lang eh tumbang preso, piko at chinese garter. Sports ba 'yun?

"Corine why don't you join the drama club again? You know you're a good actress" sambit sa'kin ni President.

Good actress daw. Psh! Eh ang sabi sa'kin ni mylabs terrible daw ako. 'Di daw ako magaling kasi simpleng lines lang daw 'di ko pa daw ma-memorize. Ang sabi nya ang bobo ko daw kasi wala naman daw 'I love you Warren' dun saan ko daw 'yun napulot.

'Di ko naman napulot 'yun eh. 'Di rin 'yun gawa-gawa ko lang. Kusa 'yung lumabas sa bibig ko kasi 'yun 'yung nararamdaman ko. Gusto ko sya kaya 'di ko napigilan 'yung sarili kong masabi 'yun kahit naman ako ay nagulat din sa mga katagang lumabas sa bibig ko.

"Pag-iisipan ko" tanging tugon ko kay President na 'di ko tanda ang pangalan. Ka-member ko 'din kasi 'yan dun sa drama club kaso nakalimutan ko na 'yung pangalan nya. 'Di kasi ako magaling magtanda ng mga bagay. Ang tanging natatandaan ko lang ay 'yung mga bagay na may kinalaman kay mylabs.

"If you change your mind bukas ang pinto ng drama club para sa'yo" tumango na lang ako.

Itong babaitang 'to naging president eh boplaks naman. If I change my mind daw? Eh hindi naman napapalitan ang utak eh! Shunga lang? Edi namatay ako dun? Tas bukas daw 'yung pintuan ng drama club para sa'kin eh ano 'yun para sa'kin lang? Paano sila papasok dun aber? Boplaks talaga. Tsk tsk.

-----
A/N: First time kong bumoto hahaha parang nagshort quiz ka lang. By the way sinong may War for love na tinatago dyan? Pabasa! Joke. Sisimulan ko sana 'yung akin eh kaso tinamad ako hakhak~ (okay walang nagtatanong hahaha)

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now