Muli kong tiningnan kung kumpleto na ang lahat ng gamit ko. Mula sa mga damit, shorts at mga undies pati na rin ang personalize hygiene ko. May team building kami ngayon. 2 days and 1 nights sa isang resort na pagmamay-ari ng dean namin.
Kadalasan dito rin ginaganap ang mga retreats ng school. May kalakihan din ito. May beach, pool, garden, at open field kung saan pwedeng mag-bonfire kapag gabi o kaya naman ay gawing camp site.
"Anak wala ka na bang naiiwan? Nandyan na ba lahat?" tanong ni mama na saglit tumingin sa maletang bitbit ko.
"Okay na po Ma nandito na lahat ng kailangan ko"
"Sigurado ka?" tumango naman ako.
"Yes Ma sigurado po ako"
"Ivan!" tawag ni mama kay Kuya "Ihatid mo na ang kapatid mo sa school nila at baka maiwan pa 'to ng bus"
Pagkababa ni Kuya ng hagdan ay agad nyang kinuha ang maleta ko. Oh 'di ba? Gentle dog si Kuya! Hahaha. Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay sumunod na ako kay Kuya.
"Uy! 'Yung mga bilin ni mama 'wag mo kalimutan" paalala ni Kuya nung ibinaba nya 'yung maleta ko.
"Aye aye Captain!" sambit ko at sumaludo pa sa kanya. Natawa sya at ginulo ang buhok ko.
"Kuya!" suway ko sa kanya at napasimangot ako pero tinawanan nya lang ako bago pumasok sa loob ng kotse nya.
Hinintay ko munang makaalis si Kuya bago ako pumasok sa loob ng campus. Dumiretso ako sa field kung saan nandun ang bus na sasakyan namin.
Agad kong nilapitan si President na nakalimutan ko na ang pangalan para pumirma ng attendance. Parang bata lang 'noh?
Lumingon-lingon ako para hanapin si mylabs pero sabagay malabong makasama ko sya sa bus kasi engineering student sya.
"Are you looking for me" napatalon naman ako sa gulat. Lewis.
"Ang hilig mo ding manggulat eh 'noh?" inirapan ko sya dahilan para tawanan nya ako.
"Kanina ka pa kasi lingon ng lingon" natatawa pa ding sambit nya "Hinahanap mo siguro ako 'noh?" mapagbiro nyang sambit sabay kindat sa'kin.
"Huh? 'Di ah! Bakit naman kita hahanapin?" wala naman akong kailangan sa kanya eh. Shunga lang? "Si Warren 'yung hinahanap ko hindi ikaw" pag-amin ko.
"Try mo din magsinungaling minsan" seryosong sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko "Lalo na kung ako ang kaharap mo" nag-iwas sya ng tingin matapos ang ilang segundo "Minsan naman sabihin mong ako ang hinahanap mo kahit hindi totoo" bulong nya na hindi ko naman narinig dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi nya.
Nakatingin lang ako kay Lewis na seryosong nakatingin sa kung saan. May nasabi ba akong mali? Wala naman 'di ba? Sinabi ko lang naman 'yung totoo.
Napansin ko ang pagtiim ng bagang ni Lewis habang nakatingin sa kung saan kaya naman sinundan ko ng tingin kung saan sya nakatingin at nakita ko si... "Warren..." mahinang sambit ko.
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.