Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nya. Alam ko namang biro lang 'yun pero ohmeged! Nikikileg ang Dyosa sa harapan nyo!
Paano na ang wedding of the century ko? Hindi na ba si Warren ang groom ko kapag nangyari 'yun? Si Lewis na ba? Nalulurkey ako! The Dyosa is confusing!
Naglakad ako at dumiretso sa Timezone.
"You want to play?" I nodded habang nakatingin sa mga stuff toy na nasa loob ng claw machine.
Bigla na lang umalis si Lewis habang ako ay nanatiling nakatitig sa mga stuff toy. Gusto ko 'yung baboy na stuff toy pero sa tuwing pumupunta kami dito sa timezone ay hindi ko 'yung makuha-kuha.
Ilang saglit pa ang lumipas at bumalik si Lewis nang may dalang mga tokens. Iniabot nya sa'kin ang mga 'yun. Naghulog naman ako ng isa dun sa claw machine at tinangkang kuhanin 'yung baboy na stuff toy pero palagi akong pumapalya.
"Let me" nakangiting sambit nya. Tumabi ako at inabutan sya ng token.
Inihulog naman nya ito dun sa claw machine. Pigil ang hininga ko habang nakatingin dun sa claw na kasalukuyang bumababa para kuning ang baboy ko.
"Waaahhh!!!!" nagtatalon ako nang makuha nya ang stuff toy.
"Here" inabot nya sa'ken 'yung baboy ko. Kinuha ko naman 'yun.
"Thank you" hindi ko napigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya.
Lumipas ang ilang saglit at napagtanto ko ang posisyon naming dalawa kaya naman unti-unti akong bumitaw sa kanya.
"T-Thank you ulet" ngumiti naman sya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Basketball tayo?" I smile then nod.
Naglaro kami ng basketball ako dun sa pambata habang sya naman dun sa pang-matanda. Hahaha. Bagay lang dun si Lewis. Gurang na kasi sya.
Nakakaasar lang na tinambakan ako ni Lewis. Dapat kasi hindi nya ginalingan para ako 'yung manalo.
"You lose kaya ibig sabihin eh gagawin mo lahat ng sasabihin ko"
Hinatak nya ako papunta dun sa sound stage. 'Wag nyang sabihin na pakakantahin nya ako? Oo singer ako pero hindi kasi ako kumakanta kapag hindi ako prepare. Ayokong sumikat!
"Oo singer ako pero Lewis I'm not preparing!" natawa naman sya. Clown ba 'ko? Bakit nya ako tinatawanan aber?
"Don't worry hindi naman kita pakakantahin" napahinga naman ako ng maluwag "All I want you to do is just to sit here and then watch me" pinaupo nya ako sa harapan.
"Hey this song is for the beautiful lady in front of me"
Parang nakaramdam ako bigla ng init. Ipasara ko kaya 'tong mall na 'to? Ang laki-laki tapos parang walang gumaganang aircon. Baka naman sira? Eh bakit ayaw ipagawa kung ganun?
[YOU'RE MY MONALISA LYRICS...]
He's singing while looking straight to my eyes. Hindi naman ako kumain ng butterfly pero bakit pakiramdam ko eh may kung ano sa loob ng tyan ko?
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Fiksi RemajaAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.