Ika-labing Isang Pasada

94 7 0
                                    

Nakatitig lang ako sa tinapay na bagong luto ni Papa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalunok pagkatapos kong amuyin ang usok na nagmumula dito.

May ari ng bakery si papa tapos sya din 'yung gumagawa at nagluluto nito. Sobrang sarap ng tinapay ng ginagawa ni Papa sa katunayan nga eh supplier si Papa ng mga restaurant sa bayan.

"Papa hindi ba mahirap 'yang ginagawa mo?" tanong ko kay Papa na kasalukuyang naglalagay ng mga dough sa pugon sabay kuha ko ng isang pirasong tinapay mula sa mga bagong lutong nasa harapan ko. Agad ko din namang nabitawan ang tinapay na hawak ko at napangiwi ako dahil napaso ako sa init nito.

"Alam mo anak wala namang madaling bagay eh. Mahirap gumawa ng tinapay dahil kailangan mo pa itong masahin ng mabuti para makuha mo ang tamang texture nito bago ito lutuin parang panliligaw ko lang sa mama mo hinanap ko muna ang tamang paraan ng pagsuyo sa mama mo at sa huli nakamit ko ang matamis nyang oo" nakangiting sambit ni Papa habang nakatingin sa'kin "At dun ko nasabing worth it ang paghihirap ko."

Napangiti ako sa huling sinabi sa'kin ni Papa. Worth it. Sana dumating 'yung panahong masabi ko sa sarili kong worth it ang hintayin si mylabs.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo ah?" napalingon kami ni Papa sa bagong dating na si Mama. Kaagad namang lumapit si Papa sa kanya at niyakap si Mama.

"Sinabi ko lang sa anak natin na swerte ako sa'yo" ibinaba ni mama ang mga kahon na dala nya bago pabirong hinampas ni Mama si Papa.

"Ikaw talaga! Napaka-bolero mo!"

"Bakit totoo naman ang sinabi ko ah?"

"Ewan ko sa'yo!" sambit ni Mama na nakapagpatawa kay Papa "Oh Rin pwede mo bang dalhin ang mga cupcake na 'yan sa coffee shop ni Lhena?" turo ni Mama sa mga kahong bitbit nya kanina. Sinulyapan ko ang mga iyon bago muling bumaling kay mama at tumango.

Kinuha ko ang limang kahon ng cupcake na nakapatong sa mesa at muling sumulyap sa naghaharutang si Mama at Papa bago tuluyang lumabas ng bake shop.

Inilagay ko ang mga kahon sa basket ng motorsiklo ko at isuot ko ang helmet ko bago inistart ito.

"Hello po!" bati ko pagpasok ko ng coffee shop pero natigilan ako nang makita ko si mylabs na syang nasa counter. Minsan ko lang kasi makita dito si mylabs ang madalas dito ay 'yung nakababata nyang kapatid na si Raven na palagi akong sinusungitan.

"Eto na 'yung mga order na cupcakes ni Tita"

"Lapag mo na lang dyan" sambit nya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin bago ako talikuran at maglakad papunta sa kitchen. Hayyss.

Matagal na palang kumukuha ng supply na cupcake at mga iba't-ibang klaseng tinapay si Tita kay Mama at matagal ko na ding kilala si Raven hindi ko naman akalain na kapatid pala nya si mylabs. Dati kasing nakatira si mylabs sa States kasama ang Papa nya last year lang sya umuwi dito sa Pilipinas kaya hindi ko sya kilala nun.

Destiny is playing on us.

-----
A/N: Mapaglarong tadhana na hindi ko magawang iwasan man lang. Hahaha. Charot! Kaway-kaway sa mga taong pinaglaruan ng tadhana dyan! Kapit lang guys! Sana makaabot kayo hanggang dulo. 'Wag sana kayong tamadin basahin 'to maikli lang naman 'to kaya please? Please? Pagbigyan nyo 'ko. Salamuch!

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now