Ikatlong Pasada

229 8 0
                                    

(Present time)

It's been a year since I met Warren. Parang kailan lang nung nakasabay ko sya sa jeep nung pauwi ako galing school.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko at nagtatago ako dito sa likod ng flag pole. Para namang maitatago ako nito sa liit nito. Aish Corine! Shunga lang? Lumabas ako sa posteng pinagtataguan ko.

"Bakit ba 'ko nagtatago? At bakit ko ba sya sinusundan?" pagmomonologue ko habang nakaharap sa flag pole "Teka sinusundan? 'Di ko sya sinusundan 'noh!" sinipa ko 'yung flag pole "Sabi nang hindi ko sya sinusundan eh! Ba't ba ang kulit mo?!" Aish! Nagtatadyak ako bago talikuran 'yung flag pole.

Bakit ko ba sya susundan? Ano ako stalker?! Admirer ako! ADMIRER!!! Okay fine! Sinusundan ko sya! Gusto ko kasing malaman ang club na sasalihan nya para dun din ako tapos 'pag nangyari 'yun matutuloy na ang wedding of the century! Siguradong trending 'yun! Taob ang SongSong Couple! Mahihiya ang JaDine, LizQuen at Kathniel.

"Warren!" sigaw ko nang makita ko ang aking mylabs bago sya lapitan "Saang club ka sasali?" ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin sa'kin.

"Dun sa club kung saan wala ka" and with that tinalikuran nya ako at naglakad palayo. Nakatitig lang ako sa kanya habang palayo sya. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha ko.

"Corine! Ganyan talaga ang mag-future wifey at hubby nag-aaway din 'yan minsan" paulit-ulit kong pinunasan ang luhang paulit-ulit ding pumapatak.

Ang sakit bes! Pero oks lang 'yan. Maliit na pagsubok lang 'to sa pagmamahalan ng dalawang tao. 'Wag kang susuko Corine! Pagsubok lang 'to ha? Mangyayari pa 'yung wedding of the century kaya laban lang! Hwaiting!

One year ago ayos pa naman kami infact medyo close kami. Sa mga babae naming kaklase ako lang ang iniimikan nya. Sa'kin lang sya ngumingiti. Nagbago lang ang lahat dahil sa nangyari sa theater play...

(Flashback)

Kumagat ako sa mansanas na hawak ko pagkatapos ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Narinig ko na lang ang pagtawa ng matandang nagbigay sa'kin nito. Unti-unti akong natumba.

Nakahimlay lang ako sa isang higaan na napapalibutan ng mga bulaklak. Naghihintay lang ng pagkakataon na dumating ang isang prinsipe na gigising sa akin.

Narinig ko ang isang tinig. Isang tinig na gigising sa aking diwa. Naramdaman ko ang hininga nya sa mukha ko dahilan para mapamulat ako ng 'di inaasahan.

Napatitig ako sa gwapo nyang mukha. Napangiti ako "Why did you open your eyes?" bulong nya na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"I love you Warren..." nakangiting sambit ko.

(End of Flashback)

Sobrang lakas ng pagkakasabi ko nun nag-echo sya sa buong theater room dahil may lapel kami para madinig ng lahat 'yung lines kaya ayun nabroadcast 'yung I love you ko sa kanya. Kinabukasan 'di na nya ako pinansin.

Kasalanan ko bang proud ako na gusto ko sya?

-----
A/N: Hahahaha. Awkward! By the way congrats to us we made it! Happy Graduation Day sa'min! Hahaha at happy monthsary sa kanilang dalawa pakasaya kayo.

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now