Totoo naman 'to 'di ba? Gising naman ako at hindi nananaginip. Totoong hinalikan ako ni mylabs 'di ba? Tapos totoong gusto nya din ako 'di ba?
Ohmygosh!!! Ibig sabihin matutuloy na ang naudlot naming wedding of the century? Tuloy na tuloy na talaga? Wala nang atrasan?
Pero teka! Paano si…
"Corine" unti-unti akong lumingon nang marinig ko iyon. Hindi ko alam pero bigla akong napalayo kay Warren nang makita ko sya.
Lewis…
Naramdaman ko ang pagkawak nya sa braso ko at ang paghila nya sa'kin papunta sa tabi nya.
"Don't you think it's rude to snatch away someone from her date?" ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa "Besides you're with Eunice right? You have your own so bakit kailangan mo pang mang-agaw?" dahan-dahan akong tumingin kay Lewis.
Oo nga pala. Hindi lang si Lewis ang masasaktan at maiipit sa sitwasyon naming 'to pati na din si Eunice. Oo masaya ako na sa wakas gusto na din ako ng taong gustong-gusto ko pero ayoko namang maging makasarili. Ayokong piliin ang bagay na ikasasaya ko kung ang kapalit naman nito ay ang pagiging miserable ng mga tao sa paligid ko.
Napatungo ako sa thought na 'yun. Ayoko din namang saktan si Lewis in the first place.
"Sa tingin mo anong nararamdaman ni Eunice sa mga oras na ito dahil dyan sa kat*ngahan mo?" tanong ni Lewis "If I were you I'm going to look for her then talk to her about what happen" tiningnan ko si Warren at nakita ko ang pagso-sorry nya sa mga mata nya. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Binitawan lang ako ni Lewis nang umalis na si Warren.
"L-Lewis---" I tried to explaining… Ano ba Corrine! You're in a serious situation and yet nakukuha mo pang magbiro?
I tried to explain myself to him kahit na hindi ko alam kung may dapat ba akong ipaliwanag sa kanya dahil kahit ako eh wala akong ideya na gagawin 'yun ni Warren pero hindi nya ako hinayaang magpaliwanag.
"Let's go" putol nya sa'kin at naunang maglakad papunta sa kanyang sasakyan. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kanya.
Parang hindi ako makahinga habang nasa loob ako ng sasakyan. This is the first time na may ganitong klaseng katahimikan na namagitan sa aming dalawa ni Lewis.
"Bonding na lang ulit tayo next time?" sambit ko nang tumigil ang sasakyan sa harapan ng bahay namin.
Umaasa ako na sasagot sya pero tanging tango lang ang nakuha ko mula sa kanya. Hindi nya din ako nilingon man lang. Lalabas na sana ako pero muli ko syang hinarap.
"Gusto mong pumasok muna sa loob?" tanong ko sa kanya pero hindi nya pa din ako sinagot at tanging iling lang ang nakuha ko mula sa kanya. Awkward akong ngumiti kahit hindi naman sya nakatingin sa'kin.
"S-Sige" pagkalabas ko ng kotse ay humarurot na sya palayo.
Akala ko ay hihintayin nya akong makapasok sa loob tulad ng parati nyang ginagawa. Galit nga talaga sya.
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.