Nang matapos sabihin nung prof namin ang mga rules na hindi ko naman naintindihan ay pinapunta na nya kami sa mga kanya-kanyang kwarto namin.
"Akin na" akmang kukunin ko ang gamit ko kay Lewis pero iniwas nya 'yun.
"Let me" muli nyang binuhat ang gamit ko at gamit naman ang isa pa nyang kamay ay hinawakan ako sa braso at hinila ako.
Napalingon ako kay Warren nang mapadaan kami sa harapan nila. Nakatingin pa din si Warren kay Lewis bago sumulyap sa'kin. Nag-iwas sya ng tingin pagkatapos ay umakbay sya kay Eunice at naglakad sila paalis.
Napatungo na lang ako at nagpaubaya kay Lewis dahil ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko na para bang hindi ko na kayang ihakbang ang mga paa ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng gamit nang pumasok si President.
"You're here" sinuklian ko lang sya ng ngiti bago muling mag-ayos ng mga gamit ko.
Muli akong napatigil sa pag-aayos ng gamit ko nang muling bumukas ang pintuan ng kwarto. Sa pagkakataong ito ay natigilan ako. Napalingon ako nang magsalita si President "Uhmm. Hindi ko pala nasabi sa'yo Corine na makakasama natin dito sa room si Eunice" paliwanag ni Pres.
Huwaaat?! Ah. Okay? Girlfriend lang naman sya ni mylabs at hindi pa asawa kaya ayos lang naman siguro na magkasama kami sa iisang kwarto 'di ba? Pero mas masaya siguro kung si mylabs ang makakasama ko at hindi sya. Hahaha. Joke. Ang bad ko!
Tipid ko lang syang nginitian nang ngumiti sya sa'kin pero agad ding nabura ang katiting na ngiti sa labi ko nang makita ko ang kasunod nyang pumasok.
"Saan ko 'to ilalagay?" tanong nya nung makapasok sya. Bitbit nya 'yung mga gamit ni Eunice. Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla syang mapatingin sa'kin dahilan para mapakurap ako at mapaiwas ng tingin.
"A-Ah... L-Labas lang muna ako m-may kukunin lang ako kay L-Lewis"
"Oh? Sure then tapos sumabay ka na sa kanya papunta dun sa open field" tipid lang akong ngumiti at saka tumango kay President bago maglakad palabas.
Nahagip ng mata ko ang biglang paghawak ni Eunice sa kamay ni myla---Warren nang dumaan ako sa harapan nila kaya naman napaiwas ako ng tingin at dumiretso na lang palabas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay napahawak ako sa posteng nandoon upang gawing suporta kasi pakiramdam ko anumang oras ay tutumba ako. Nanlabo ang tingin ko and the next thing I knew umiiyak na pala ako.
Tumakbo ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Tumakbo ako palayo sa lugar na 'yun. Palayo sa taong dahilan ng sunod-sunod na pagragasa ng luha ko.
-----
A/N: Sana maaaring takbuhan ang lahat 'noh? Lahat ng sakit pati na din 'yung taong nagdulot nito sa'yo. Wahahaha. Ba't ang drama ko? Ikaw! Oo ikaw! What do you think about this chapter? Please let me know.
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.