Ilang linggo ang lumipas. Umpisa ng second semester namin nabago din 'yung schedule ko may mga transferee din ngayong sem. I am busy reminiscing what happened to me few weeks ago when someone spoke, "may nakaupo ba dito?" nilingon ko naman 'yung nagsalita.
My eyes widen and my jaw dropped. Am I dreaming? Or hallucinating? Why am I seeing the Demigod I saw few weeks ago? Why am I seeing him right now here in front of me? "Miss?" napakurap ako ng ilang beses "H-Ha?" parang tanga kong tanong
"Ang sabi ko kung may nakaupo dito ito na lang kasi 'yung available eh" inilibot ko ang paningin ko at ang tanging bakanteng upuan na lamang ay ang nasa tabi ko.
"W-Wala" oh my gosh why am I shuttering? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong hinawakan ang kaliwang parte ng dibdib ko "Thanks" sambit nya bago umupo sa tabi ko. OO SA TABI KO! Kaya parang tinatambol ang dibdib ko. Easy ka lang dyan heart 'wag malandi. Wait a minute kapeng mainit! 'Yung boses nya ang ganda grabe! 'Di pa sya kumakanta nyan pano pa kung kumanta na 'yan laglag panty bes kaya hawakan na agad! Hahaha.
Pasimple kong nilingon ang nilalang na katabi ko. My ghad! Tao pa bang matatawag 'to? Ang unfair ha! Nung nagsabog yata ng kakisigan at kagwapuhan gising na gising siguro sya tas sinalo nya lahat. Eh ako? Nasaan ba ako nung araw na nagsabog ng kagandahan? Aish! Tulog ata ako nun eh! 'Di bale I'm sexy and I know it! Mwahahaha.
"Here" napakurap naman ako ng ilang beses.
"Ha?" ano ba Corine! Shunga lang? Lumipat ang tingin ko sa papel na hawak nya "P-Para sa'kin 'to?"
Ohmeged mga bes! Bet nya 'ko! Then bet ko din sya! Ohemgee tologo! Poreber na dis! Kasalan na 'to invited kayo tas bride's maid ko si IU best man naman si Lee Jong Suk! Yiiiee!!!! Kinikilig tala---
"Attendance" napanganga ako sabay sabing 'ha?!'
"Attendance. You need to sign there" pucha! Alam ko 'yung attendance! Anakngtokwa! Kala ko naman love letter na! Paano na ang wedding of the century?! Paano na ang bride's maid kong si IU?! Si Lee Jong Suk?! Ang EXO, BTS, SNSD, GOT7 at f(x) na gagawin kong abay sa kasal? Si Anne Curtis na kakanta sa kasal namin? Pano naaaaaa?!
Inirapan ko sya kahit hindi sya nakatingin. Grabe sya sa feelings ko! Walang puso! Atay at balunan! Itinuon ko ang atensyon ko sa papel na hawak ko. Warren Libuit. Wahahaha. 'Yung pangalan nya parang palaging naghahamon ng away. WARren. Hahahaha. Ok korni.
At dahil dyan kaya nakilala ko si Warren Libuit the love of my life.
-----
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.