Huling Pasada

122 6 1
                                    

I looked at myself in the mirror in front of me. Ang ganda ko!

I'm wearing a white dress with matching a white diamond accessories. I let out a sigh and then smile at my reflection. This is the day. The wedding century that I've been waiting for to happen.

"Are you ready?" nakangiting tanong sa'kin ni Myla.

Muli akong nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga bago ngumiti kay Myla at tumango senyales na handa na 'ko.

"Ang ganda mo" puri nya sa'ken.

"Syempre dyosa eh kaya talagang maganda" natawa naman sya sa sinabi ko.

Tinulungan nya ako sa aking mahabang gown upang hindi ko ito matapakan.

Habang nasa sasakyan ako ay ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Sobrang saya ko sa araw na ito.

Matapos ang limang taon dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na haharap ako sa altar katabi ang lalaking pinakamamahal ko.

Nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng simbahan ay lumapit sa'kin si Erica, ang wedding coordinator namin at tinulungan akong bumaba ng kotse.

Sinalubong ako ni Mama na naluluha pa at ni Papa saka nila ako niyakap ng mahigpit.

"Ang ganda mo anak" puri sa'kin ni Mama habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Syempre naman Ma ang ganda kaya ng genes ko" sabat ni Papa kaya natawa ako habang si Mama naman ay pabiro syang hinampas.

"'Nak 'wag ka na kayang tumuloy? Tara iuuwi na lang kita uso naman ang runaway bride sa panahon ngayon" napasimangot ako sa sinabi ni Mama.

"Ma!" saway ko sa kanya kaya napalabi sya.

Natatawa naman si Papa habang inaalalayan ako papasok sa loob.

As soon as I stepped inside the church the song began to play.

Not sure if you know this
But when we first met
I got some nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My love had found it's missing piece~

My heartbeats is loud as the music that plays inside the church while I'm looking at my groom in front waiting for me. I can see how happy he is and so do I.

So as long as I live I loved you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white tonight~

Nakita ko kung paano nyang pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Alam kong labis ang kasiyahan na kanyang nadarama.

Sinalubong ako ni Warren nang makalapit ako sa harap ng altar. Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Congrats" nakangiting sambit nya bago ako ibigay sa groom ko.

"Do you know how happy I am right now?" ngumiti ako at tumango "I love you" Lewis said as he kissed my forehead.

Inalalayan nya ako at hawak kamay kaming humarap sa altar. This is the wedding century that I've been waiting for.

Siguro may mga tao talaga na natatagpuan natin para maging daan upang matagpuan natin ang talagang nakatakda para sa atin. Isa lang siguro kami ni Warren sa mga taong pinagtagpo pero 'di itinadhana pero kahit ganun pa man masaya ako sa kung anong meron ako at alam ko ding masaya si Warren sa piling ni Eunice.

-wakas-

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now