*Corine's Point of View*
I'm in a middle of thinking random thoughts when some knocks on my door disturb me.
"Rin? Are you still awake?" tamad akong bumangon at pinagbuksan ng pinto si Kuya.
"Do you need something?" bungad ko sa kanya.
"May bisita ka sa labas. Pinapapasok ko pero ayaw nyang pumasok" kumunot ang noo ko. Bisita? Hindi naman kami close ni President para bisitahin ng nya ako ng ganitong oras at lalong-lalo naman si Eunice. It's already 10:30 in the evening.
Hindi kaya…
Dali-dali akong bumaba at halos madapa pa ako sa pagmamadali. Wala akong pakialam kung naka-paa lang akong lalabas ng bahay.
Disappointment written to my face when I saw that visitor of mine.
"Why are you here?" imbis na sagutin nya ang tanong ko ay lumapit sya sa'kin at niyakap ako.
"Just for a few minutes" bulong nya nang magtangka akong itulak sya palayo.
Ilang sandali pa ang lumipas na ganun ang posisyon namin ay sya na mismo ang kusang dumistansya sa'ken.
"Corine" bakas ang pagod sa kanyang mukha "Can we talk?" pagak ang boses nya na parang kagagaling nya lang sa pag-iyak.
I nod for 'yes' as an answer.
We go to the play ground here at our village. Umupo kami pareho sa swing na nandoon. May mangilan-ngilang ilaw sa poste na syang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng lugar.
Ilang minuto ang lumipas na walang nagtatangkang magsalita sa aming dalawa.
"Eunice…" umpisa nya habang ako ay nakatingin lang sa mga paa ko at sinisipa ang alikabok na bahagyang dumidikit sa tsinelas ko "E-Eunice is on the hospital right now. S-She fainted earlier" narinig ko ang pagsinghot nya kaya naman napa-tigil ako sa paglalaro ko sa mga paa ko "May butas ang puso nya. Hindi sya pwedeng mapagod. Too much emotion can cause harm to her. Hindi sya pwedeng maging sobrang saya o kaya naman ay maging malungkot"
Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Naaawa ako sa kanya. Naaawa ako sa kalagayan nya.
"I can't just dump her. Hindi ko kayang maging rason nang muli nyang pakasugod sa ospital" hinawakan nya ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin "I love you Rin but I'm begging for your understanding right now" gustong-gusto kong punasan ang luha nya pero may pumipigil sa'kin para gawin 'yun "Kapag naging ayos na ang lahat I'm going to talk to her. After I fix this mess we'll be together" I felt him kiss my nape.
Sobrang gulo ng sitwasyon na meron kaming dalawa ni Warren. He have Eunice meanwhile I have Lewis. Bakit kailangang maging ganito? Isa lang naman ang gusto ko sa simula pa lang, 'yun ay ang mahalin ako ni Warren. Bakit kailangang may ibang tao na masaktan nang dahil lang sa pagmamahal?
Ito ba ang paraan ng tadhana para iparating sa'kin na hindi talaga kami para sa isa't-isa? Kung ganun nga, napakalupit naman ng tadhana.
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.