Ika-dalawampu't Limang Pasada

73 5 0
                                    

Nagtingin-tingin ako ng mga damit. Halos malula ako sa presyo nito. 50% discount daw eh sobrang mahal pa din nito. Para ngang hindi naman nabawasan eh. Nandito kami ni Lewis sa mall. Gusto nya daw kasing gumala edi pagbigyan!

"Ano may nakita ka?" tanong ni Lewis nang makalapit sya sa'ken.

Sinubukan kong magtingin-tingin ulet. Napansin ko ang malalagkit na tingin ng mga sales lady kay Lewis. Hindi din nakalampas sa pandinig ko ang tsismisan nila.

"Ang gwapo ni Kuya 'noh?"

"Girlfriend nya 'yun?"

"Hindi baka kapatid?"

"Sabagay hindi naman maganda 'yung girl kaya 'di 'yan girlfriend ni Kuya for sure" napasimangot ako.

"May nagustuhan ka ba?" muling tanong ni Lewis.

"Wala!" sagot ko sabay irap pa sa kanya bago lumabas ng department store.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis dahil dun sa narinig ko. Malaki lang 'yung hinaharap nila pero 'di sila maganda! Eh ako? Maliit man 'to pero Dyosa ang may-ari nito!

"Corine!" habol sa'ken ni Lewis. Psh. Akala ko eh hindi na nya ako susundan eh "Bakit ka bigla na lang umalis dun?" padabog ko syang hinarap.

"Nakakairita na kasi 'yung sinasabi nung mga impaktang sales lady eh" inis na sambit ko "Bakit? Maganda naman ako ah? So sila lang 'yung may karapatang maging girlfriend mo kasi malaki 'yung hinaharap nila? Tapos ako hindi kasi maliit 'yung sa'ken?" tuloy-tuloy na sambit ko "Tandaan mo maliit man 'to pero DYOSA ang may-ari nito" dagdag ko pa. Natahimik ako nang marealize ko kung ano ang sinabi ko.

Matapos ang ilang segundo ay narinig ko ang pagtawa ni Lewis kaya naman tiningnan ko sya ng masama.

"A-Anong nakakatawa aber?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"You" tatawa-tawa pa nyang sambit "You're so cute you know? Hindi ko alam na gusto mo din palang maging girlfriend ko" ngiting-ngiti nyang sambit "Don't worry the feeling is mutual 'coz I also like you to be my girlfriend" kumindat pa sya sa'ken.

Pakiramdam ko nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nya pati nga yata pisngi ng pwet ko nag-init na din parang nilagnat bigla. Pano ba naman kasi 'tong si Lewis kung bumanat eh english! Pero kahit english eh naintindihan ko pa din 'yun!

Sabi nya 'I like you' naiintindihan ko 'yun! Madalas ko kayang sabihin kay mylabs 'yun!

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now