Napatitig na lang ako sa mukha ni Lewis. Hindi ko magawang magsalita. Parang napipi ako at walang mailabas na kahit isang salita.
"Did you like it?" tanong nya na 'ha?' ang tanging sagot ko kaya naman tinawanan nya ako "You're cute my Monalisa" bulong nya sa mismong tenga ko.
Bakit parang biglang nag-init ang mga pisngi ko? May kapangyarihan ba 'tong si Lewis? Bakit parang hinihigop nya ang lakas ko? What's happening to me baby?
"Corine?" ang boses na yun… hinanap ko sa mga taong nakapalibot sa'min ang may-ari ng boses na 'yun. Napahiwalay ako kay Lewis nang makita ko sya.
Warren…?
Napatingin ako sa babeng nakakapit sa braso nya. Oh he's with her? Ano bang kagulat-gulat pa dun? Ikaw talaga Corine Dyosa ka nga pero paminsan-minsan eh nagiging bobita ka din eh 'noh?
Nagulat na lang ako nang maramdaman kong hawak na ni Warren ang braso ko. Hindi ko na magawang magpumiglas nang hilahin nya ako paalis.
Nakarating kami sa parking lot ng mall. Hawak pa din nya ako habang nakatalikod sya sa'kin. Ramdam ko din ang higpit ng pagkakahawak nya sa'kin.
"W-Warren…" hirap kong banggit ng pangalan nya. Parang hindi nya man lang ako narinig at mas naging mahigpit pa ang pagkakahawak nya sa'kin "N-Nasasaktan ako" pilit kong binawi ang braso ko na binitawan din naman nya "Warren ano ba sa tingin mo ang ginawa mo ha?" hindi ko maitago ang inis sa boses ko.
Humarap sya sa'kin at napasabunot sa buhok nya.
"Hindi ko din alam! I really don't have idea why am I being like this!" hindi ko mabasa ang expression nya sabagay hindi naman sya libro 'di ba? "Ang alam ko lang ay ayokong nakikita kang kasama sya dahil parang sinasakal ako"
Hinawakan nya ang parehong kamay ko at ramdam ko ang panginginig nya.
"What did you do to me? Did you cast some spell to me? You're driving me crazy" sambit nya matapos nyang pagdikitin ang mga noo naming dalawa.
Parang tinatambol ang puso ko. Naririnig ko ang pagdagundong nito. 'Ni hindi ko magawang magsalita upang sagutin ang sinabi nya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin naman kasi naintindihan ang sinabi nya ang haba din naman kasi tapos english pa.
"I like you" sambit nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko "Nah. I just don't simply like you 'coz in fact I think I'm in love with you"
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko at mas na-doble pa ang laki ng mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko.
First kiss koooooo! Pwede na bang himatayin na ako now na?
-----
A/N: Umpisa na nang pagiging seryoso ni Corine. Sorry for some grammatical errors by the way. So enjoy! Please share me your thoughts by commenting thank you! *hart-hart*
![](https://img.wattpad.com/cover/145441420-288-k821113.jpg)
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.