Pasulyap-sulyap lang ako sa katabi ko. Mula nung maging seryoso sya kanina ay hindi na nya ako kinausap pa hanggang sa pagsakay namin ng bus.
Halos lahat ay nakababa na iilan na lang kaming natira dito sa loob ng. Mga kapwa ko estudyante na nagbababa din ng kani-kanilang gamit. Pilit kong inabot ang maleta ko.
Tumingkayad ako upang maabot ko 'yung maleta ko at pilit iyong inabot. Hinigit ko pababa 'yung maleta pero dahil may kabigatan ito unti-unti itong nahulog papunta sa'kin.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng paghawak ko sa ulo ko para maprotektahan ito. Hinihintay ko ang pagbagsak nito sa'kin pero lumipas ang ilang segundo ay wala pa ding bumabagsak na maleta sa'kin.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang isang katawan sa tabi ko. Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko at nakita ko ang isang kamay nya na nakahawak sa maletang dapat ay mahuhulog sa'kin. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko na para bang nag-uunahan sa pagtakbo.
Napatitig na lamang ako sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Hindi naman ako tumatakbo pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Excuse me" napalingon ako sa kaklase ko at bahagyang tumabi para mabigyan sya ng daan.
Akmang aabutin ko muli ang maleta ko pero napatigil ako ng ibaba nya 'yun.
"Ako na" sambit nya bago bitbitin ang gamit ko palabas ng bus.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko bago ako mapahawak sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko. Anong ginawa mo sa'kin?
"Lewis..." sambit ko bago magpakawala ng isang malakas na buntong hininga.
Pagbaba ko ng bus si Warren agad ang bumungad sa'kin. Nakatingin sya sa'kin pero agad din syang nag-iwas ng tingin. Ganun ba 'ko kapangit para mapa-iwas agad sya ng tingin? Kasama nya si Eunice, 'yung girlfriend nya? Pati na din 'yung alalay nitong si Bisugo.
Dumiretso ako sa tabi ni Lewis na kasalukuyan pa ding hawak ang gamit ko.
Habang ipinapaliwanag sa amin ng prof na kasama namin ang mga rules ay naagaw ni Warren ang pansin ko. Seryoso syang nakatingin pero hindi sa'kin kundi sa katabi kong si Lewis. Nilingon ko naman ang katabi ko, seryoso din syang nakatingin sa gawi ni Warren. Para bang nagsusukatan silang dalawa ng tingin.
Ano bang problema ng dalawang 'to? Teka nga? Baka naman may past sila? O 'di kaya naman ay gusto nila 'yung isa't-isa? Hahaha. Joke!
Para silang nag-uusap gamit ang tingin. Parang may impossible lighting sa pagitan nilang dalawa. Kapag humarang kaya ako sa gitna nila makukuryente kaya ako? Hahaha baka bigla akong mag-gimme gimme dyan sa gitna.
-----
A/N: Hahaha! Bromance ganun? 'Wag sayang si Lewis!
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.