Ika-labing Apat na Pasada

95 5 0
                                    

Napakamot na lang ako sa ulo ko habang nakatingin sa math problem na nasa libro. Paano ba 'to? 'Ni hindi yata 'to itinuro eh. O baka naman nakatulog ako ng araw na 'yun?

"Psst!" tawag ko dun sa katabi ko. 'Yung si 4E, apat kasi mata nya hahaha. Nilingon nya 'ko kaya ngumiti ako sa kanya pero napasimangot ako nang binaling nya ulit 'yung tingin nya sa notebook na nasa harapan nya.

Hmmpf! Eh kung sapakin ko kaya sya? Alam ko namang 'di 'yan matalino eh, feeling matalino lang. Siguro kaya lang mataas ang grades nya kasi magaling 'yan manulad, apat kasi 'yung mata nya.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko. Bakit ba kasi lahat sila may kanya-kanyang ginagawa? Napako ang tingin ko kay mylabs na nakatitig sa cellphone nya. May genie bang lalabas mula dun tapos tutupadin 'yung 3 big wishes mo kaya titig na titig sya dun? Pero teka? 'Di ba sa bote nakatira ang mga genie?

Lumapit naman ako dun at nakititig din. Napatingin naman sa'kin si mylabs na parang nagulat sa biglaang pagsulpot ko kaya naman napaatras sya ng bahagya.

"What the f*ck!" bulalas nya "What do you think you're doing?" ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.

"Baka kasi may biglang lumabas na genie dyan kaya nakititig din ako para makahiling din ako" kinuha ko 'yung libro ko at ipinakita sa kanya.

"Tsaka Warren hindi ko kasi maintindihan 'to" turo ko dun sa math problem.

Akala ko tutulungan nya 'ko nang tumayo sya pero nilampasan nya lang ako at naglakad palabas.

"NAKAKAINIS KA TALAGA!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong class room. Makikita mo makakaganti din ako sa'yo! Tandaan mo 'yan! Mwahahaha! Joke!

"Can you please stop shouting? Nakakairita ka na eh" sabi nung babae na nakaupo malapit kay mylabs "You know what? Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob mong sumali sa club na 'to eh wala ka namang alam" kumuyom ang kamao ko.

"Sinong walang alam ha?!"

Kalma lang Corine. 'Wag mo nang patulan pa. Usap na, awa pa Corine kumalma ka.

Parang nakita ko na sya? Pamilyar sya sa'kin. Teka nga saan ko nga ba sya nakita? Ah! Si Bisugo! Kaya naman pala amoy isda dito eh.

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre ikaw" turo nya sa'kin "Napaka-desperada mo! Hindi ka gusto ni Warren at kahit kailan never syang magkakagusto sa tulad mo!"

Sige Corine 'wag ka na kumalma! Labanan mo! Hindi ka naman makakasuhan kapag lumaban ka sa isda.

"Desperada? Wala kang pakialam kung desperada ako at paano mo naman nasabi na never nya akong magugustuhan? Bakit si Warren ka ba?" maniniwala lang ako kung si mylabs ang mismong magsasabi sa'kin na never nya akong magugustuhan kaya hangga't hindi ko naririnig na sabihin nya 'yun, wala akong paniniwalaan.

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now