Kinuha ko ang gamit ko sa locker ko. Bitbit ko ang tatlong makapal na libro. Isang Math, Science at English. Pupunta ako ngayon sa Academic Club room.
Nakita ko si Warren---mylabs pala! Hehe. Mylabs ko na ulet sya I'm changes my definition para sa wedding of the century. Naglalakad sya papunta siguro dun sa Academic Club room.
Malaki 'yung room na 'yun. Kayang mag-occupy ng mga 100-300 students pwede din dun magreview 'pag walang remedial. Ang mga member ng Academic Club sila 'yung madalas mag-summer class at remedial naman 'pag hapon. Puro aral lang kaya nga ako sumali dun kasi ang sarap kayang mag-aral!
"Mylabs!" tawag ko bago tumakbo papalapit sa kanya "Pupunta ka ding Acad room? Sabay na tayo" tumigil sya sa paglalakad kaya naman tumigil din ako.
"How many times do I have to tell you please stop pestering me" ramdam ko ang inis ko sa tono ng pananalita nya kaya naman bahagya akong nagulat kasi 'pag ganitong kinukulit ko sya nagwawalk out lang sya eh "Hindi ka pa ba napapagod o nagsasawa? Kasi pagod na 'ko at sawang-sawa na. Can you please stop chasing me like I'm the only man in this f*ckin' world?" pagkatapos nun ay tinalikuran nya ako at naglakad palayo habang ako naman eh natuod sa kinatatayuan ko. Hala paano pala ako matutuod eh hindi naman ako puno?
Nakatingin lang ako sa palayong si Warren hanggang sa hindi na sya abot ng tingin ko. Napatungo ako kasabay ng muling pagpatak ng luha ko.
Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit sya napagod at nagsawa? Hindi naman sya 'yung naghahabol 'di ba? Hindi naman din kasi sya 'yung binabalewala. Ako 'yun 'di ba? Masakit man aminin ako 'yung naghahabol. Ako 'yung binabalewala. Pero kahit ganun nagsawa ba 'ko? Hindi naman 'di ba? Napagod ba 'ko? Hindi naman 'di ba?
Besides hindi ko naman sya hinahabol eh kaya paano ako mapapagod at magsasawa 'di ba? Paano ko naman sya hahabulin eh hindi naman sya tumatakbo? Ang bobo din talaga nitong si Warren!
"Umiiyak ka na naman?" napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nung makita ko sya.
"Hi" bati nya.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.
"Isn't it obvious? Dito na 'ko nag-aaral"
"Teka lang. Eh sino ka ba?" napanganga naman sya sa naging tugon ko. 'Pag may langaw na nakapasok sa bunganga nito ang tuwa ko sa kanya.
"Don't you remember? Nilibre kita ng ice cream a week ago" napaisip ako. Hmmm. Ice cream? Ah! Oo!
"Ahh. Ikaw ba 'yun? Hehe" ngumiti naman sya at tumango.
"Lewis" pakilala nya "Tandaan mo ha?" tumango na lang ako.
Tandaan? Bakit ko naman tatandaan ang pangalan nya? Bakit si mylabs ba sya?
-----
A /N: Always remember mahirap nang habulin ang mga bagay na ipinagtulakan mo na palayo *wink*
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.