Nakaupo lang ako sa may lilim ng puno habang pinapanood na maglaro ng bitch---este beach volleyball ang mga kateam ko. Napapanganga na lang ako sa tuwing umi-spiker si Eunice. Parang sya 'yung idol kong si Allysa Valdez na player ng Ateneo.
Ang ganda nyang tingnan habang nasa ilalim ng init ng araw. Kahit pawisan sya ay maganda pa din sya pero kapag ako mukha na akong dugyot. Kitang-kita ang hubog ng katawan nya sa suot nyang sports bra. Unti-unti ko namang tiningnan ang suot ko. Nakasimpleng t-shirt lang ako.
Ngayon ko lang aaminin ito 'walang-wala akong laban sa kanya'
Napa-buntong hininga na lamang ako sa naisip ko.
Tumawag ng time out ang kabilang team. Nakita ko namang lumapit si Eunice kay Warren nang abutan sya nito ng tubig.
'Ano kayang pakiramdam ng maalagaan ni Warren?'
"Huy!" napasimangot na lang ako nang guluhin ni Lewis ang buhok ko "Bakit ayaw mong maglaro?" ngiting tanong nya sa'kin.
Napairap naman ako sa kanya "Shunga lang Lewis? Kita mong lima na sila tapos palalaruin mo pa 'ko? Edi anim na kami? Ano 'yun gagawin mo 'kong referee?" natawa naman sya sa sinabi ko at napakamot sa ulo.
Pumito na ang referee akala ko ay papasok si Eunice nang mag-umpisa nang muli ang laro pero humingi ito ng substitute.
Tiningnan ko ng masama si Lewis nang mahina nya akong sikuhin. Ngumuso naman sya sa harapan at nakita kong tinatawag ako ng feeling 'coach' naming si Rio.
Nanlalaki ang mata ko habang nakaturo sa sarili ko. Ngumiti naman sya at tumango. Nag-aalinlangan ako kung lalapit ba ako o hindi sa kanya. Anong alam ko sa volleyball aber?
Bigla akong hinila patayo ni Lewis sabay tulak sa'kin palapit kina President dahilan kung bakit muntik na akong masubsob. Sinamaan ko sya ng tingin ngumiti naman sya sabay piece sign.
Napahinga na lang ako ng malalim. Wala na din nama akong pagpipilian pa 'di ba? Anim lang kaming babae sa grupo. Ako, si President, 'yung jowa ni Warren at 'yung tatlong engineering students.
Ako ang pumalit dun sa pwesto ni Eunice bale ako 'yung nasa pinaka-gitna. Nakatingin lahat ng player kay President sya kasi 'yung mags-serve ng bola kaya nakitingin na lang din ako. Nahagip ng tingin ko si my---Warren at Eunice. Nakaalalay si my---Warren sa girlfriend nya.
Corine dapat ngayon pa lang masanay ka na. Wala ka nang mylabs. Pag-aari na sya ng iba kaya....ngayon pa lang sumuko ka na.
-----
A/N: If you were Corine eepal ka pa rin ba kahit masaya na sya sa piling ng iba?But the question is...
Masaya nga ba sya?
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.